Act like a boy

873 23 4
                                    

--

Naglalakad kaming magkakaibigan ng dumaan yung crush kong mukhang nerd, si copter. Dere-derecho lang siyang naglalakad bitbit ang mga libro niya. Ganun? Nilagpasan lang ako? isang Angie nilagpasan niya lang?

Napahinto kami magkakaibigan ng biglang bumagsak si Copter dahil binato siya ng bola ng baseball sa mukha. Napalingon ako sa mga lalaking bumato sa kanya. Mga kupal to tinawanan pa si Copter at tuwang-tuwa pa sila sa ginawa nila ha! Inangasan ko ng tingin at nagmadali naman silang umalis agad kong nilapitan si Copter para tulungan siya pulutin ang mga libro niya, pagkatapos nun tumayo na siya at naglakad palayo. Ganun lang yun? Wala man lang thank you?

Tumambay kaming magkakaibigan sa basketball court para panoorin ang mga nagt-training. Habang busy magcheer ang mga kaibigan ko busy din ako titigan siya habang nagbabasa sa bleachers. Nandito rin kasi siya. Napatingin agad ako sa lumapit sa kanya. Yung mga lalaki na naman na nangbully sa kanya kanina at binato siya ng mga bola.

"Naknang tokwa!" inaya ko agad bumaba yung mga kaibigan ko para puntahan si Copter sa bleachers.

Kumuha kami ng tagi-isang bola atsaka lumapit sa kanila. Isa-isa namin silang binato at bakas naman sa kanila ang takot. Mga duwag!

"Ano ha?" nagmamadali na silang umalis dahil sa takot nila saakin. Lumapit ako kay Copter. Inayos niya lang ang salamin niya at pinunasan yung libro tsaka niya sinuot yung bag niya at tumayo para lumabas na. Ganun lang ulit yun? Hindi man lang siya nagthank you? Life saver niya kaya ako! Hindi pwede to hinding-hindi.

kinabukasan, nasa storage room ako at hinihintay ko na si May at Mind na dalhin saakin si Copter.

"Angie!" pagkatawag ni May ay nilingon ko agad sila. Success nadala nila si Copter. Binato ko yung boxing gloves sa kanya at ngumisi.

Habang nagb-boxing kami hindi man lang siya gumaganti ng suntok.

"Ano ba? Ayusin mo naman!" Dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi sanggain yung bawat suntok ko. Kainis naman! Lalaki ba talaga siya eh mas mahinhin pa siya saakin!

Sa huling suntok ko nagkamali ako ng suntok dahilan para mapatong ko yung isang braso ko sa balikat niya. Nagkatitigan kami ng matagal. Bakit ngayon ko lang nakita na ang pogi niya pala? Pasimple pa akong nag-beautiful eyes ng bigla akong matauhan. Tinulak ko siya at napalakas yun kaya na-out of balance ako kaya ako naman 'tong bumagsak.

Dahil sa pagbagsak ko hindi ko napansin na babagsak na pala yung mga box na nakapatong sa taas. Akala ko talaga uuwi ako ng may bukol dahil dun pero hindi. Humarang siya at sinangga niya lahat ng box na bumagsak, siya ang nabagsakan, hindi ako.

"Angie okay ka lang?" tanong ni May.

" Tumayo ka na" sabi naman saakin ni Mind at itinayo na ako.

Tumayo na rin siya at kinuha yung bag niya tsaka lumabas na ng room. Ano bang meron sa kanya? Bakit siya ganun? He's kinda weird but interesting.

The next day, naisip ko na sundan siya. Pero sa kakasunod ko bigla siyang nawala sa paningin ko. Palinga-linga ako para hanapin siya ng paglingon ko sa harap ko. Nandito yung dalawang kumag na bully at mukhang babawian ako ngayon. Lumingon-lingon ako sa paligid baka sakaling makahingi ng tulong kaso wala. Palapit sila ng palapit at ako naman tong atras ng atras kaso hindi ko napansin yung monoblock na nasa sahig kaya natalisod ako.

"Ouch!" ang lakas ng pagkakabagsak ko. Mukhang katapusan ko na rin ngayon.

Nagulat na lang ako ng biglang may lumipad na--libro? Oo libro dun sa batok ng lalaki. Pagtingin niya sa likod niya...si Copter! Lumapit siya at sa sobrang inis nung lalaki ay sinampal siya. Pero nagulat na lang ako ng napatumba niya yung dalawang lalaki ng ganun kabilis, si Copter ba talaga 'to?

Lumapit siya saakin at akala ko kukunin niya yung libro niya na ginamit niyang ipangbato kanina pero hindi tinulungan niya ko tumayo. Pagkatayo ko nginitian ko siya at ako na ang pumulot sa libro niya.

After nun inaya niya ako tumambay sa madalas niya raw tambayan pag gusto niya mapag-isa at guess what? sa 2nd floor ng building malapit sa open court. Pero hindi lang basta dun, ang tambayan niya eh parang 50/50 ka na mabubuhay kasi maglikot ka lang ay babagsak ka na sa baba.

" Tignan mo 'tong libro." Sabi niya at inabot saakin yung libro, sinimulan ko naman tignan bawat page.

" Libro 'to para matuto sa self defense "

"Oo!"

" Eh marunong ka pala lumaban bakit hindi mo naman sinabi? "

" Lagi mo ko nauunahan eh. Mas lalaki ka pa kasi saakin! "

Natawa naman ako sa sinabi niya. " Gusto kasi kita. "

" Gusto rin naman kita. Pero ayoko lang sabihin kasi baka ayaw mo sa tulad kong nerd. "

" Hindi lang nerd, weird pa! hahaha"

Hindi siya sumagot at tumingin lang siya saakin atsaka ngumiti. Nginitian ko na lang din siya.

 Nginitian ko na lang din siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kamikaze presents (2017)Where stories live. Discover now