---
"Third?"
"Hmm?"
"May favor ako!"
"Ano yun?"
"Pwede ba tayong magpalit ng sapatos? Para makalaro ako ng basketball mamaya?"
Agad ko naman na inihubad ang sapatos ko at iniabot sa kanya. "Oh, sana sakto lang sa'yo"
Hinawakan niya ko sa balikat. "Mauna na ko. Habulin mo 'ko!" mapang-asar na sabi niya atsaka tumakbo. Napailing na lang ako at sinuot yung sapatos niya.
Pagdating sa gym, masaya kaming naglalaro ng basketball nang hindi ko sinasadya na mabangga siya dahilan para bumagsak kaming dalawa. Tinitigan ko siya ng mabuti at napansin niya ma awkward ang posisyon namin kaya naitulak niya ko.
Agad naman lumapit si Nicollo para tanungin si Creamy kung ano nangyari pero umiling na lang siya.
Pagkatapos namin maglaro, dumerecho kami sa rooftop para magkwentuhan. Humingi na rin ako ng sorry sa nangyari kanina at napatawad naman niya agad ako. Masaya kaming nagkwekwentuhan ng dumating si Nicollo na may dala na maliit na box, pagbukas niya meron isang slice ng cake na may strawberry sa ibabaw ang bumungad saamin. Bago pa kunin ni Creamy, agad kong dinutdot ang icing sa ibabaw at tinikman. Umiling na lang ako atsaka dumutdot uli para ipahid kay Creamy, agad naman siyang nagulat kaya napatakbo na ako at hinabol naman niya ko.
Kinabukasan, pagkadating ko sa gym bumungad saakin si Creamy at Niccollo na nag-uusap sa gitna ng gym. Nakita ko na inabutan ni Niccollo si Creamy ng tubig, napatingin ako sa dalawang tubig na hawak ko. Nang may dumaan na estudyante na tumatakbo, inabot ko ang dala kong tubig at nilapitan sila Creamy, agad kong inagaw ang tubig at ininom. Nagulat naman silang dalawa sa ginawa ko.
"Niccollo, salamat! Kanina pa ako nauuhaw."
Bago 'ko umuwi dumerecho ako sa rooftop at pumunta sa pader kung saan ako madalas magsulat at gumuhit kapag 'di ko kasama si Creamy.
LO...
Kapag natapos ko 'to ipapakita ko 'to sa kanya. Sakto bigla siyang nagtext saakin, hindi ko alam ang irereply ko kaya sinabi ko na lang na "LOL".
Sumunod na araw, naabutan ko si Creamy na natutulog doon sa isa sa mga hilig naming tambayan. Pinagmasdan ko siya mabuti, ang ganda niya talaga. Walang kupas at hindi 'to nagbabago, hindi ko namalayan na unti-unti na akong napalapit sa kanya at onti na lang distansya ng mukha namin nang magising siya.
"Ano ba ginagawa mo, Third?" galit na sabi niya atsaka ako tinulak at nagmadali na bumaba.
Pagkatapos nun nagkasalubong kami sa hagdanan, umiling na lang siya at nilagpasan ako. Umakyat na lang ako sa rooftop mag-isa.
LOV...
Nagulat ako ng magbukas yung pinto, inaasahan ko na siya ang makikita ko pero hindi. Isa sa mga batchmate ko, yung nagkakagusto saakin. Nadismaya ako, akala ko kasi siya ang makikita ko.
Inaya ko siya na bumaba dahil ayoko na makita niya yung ginawa ko para kay Creamy, pagbaba namin...nakita ko siya, kausap si Niccollo.
Hindi ko alam kung ano ang pinagu-usapan nila pero saktong pagdaan ko, nakita ko na may inabot si Niccollo at laman nito ay isang sandals na para kay Creamy.
Pagpunta ko sa locker, kukuha kasi sana ako ng libro ng mapatingin ako sa locker ni Creamy, hindi ko alam kung bakit pero naisipan ko 'tong buksan. Nakita ko agad ang sandals na binigay ni Niccollo, kinuha ko 'to at tinignan kaso sa hindi inaasahan, nabangga ako ng isa sa mga katabi kong locker at dahil dun nabagsak yung sandals at natapon yung iniinom ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko, balak ko sana linisin at ibalik agad sa locker niya kaso bigla siyang dumating. Napansin niya na bukas yung locker niya at nakita niya wala yung sandals dun, napaatras agad ako kaso bigla kong nabitawan yung sandals. Padabog niyang binagsak yung pinto ng locker at kinuha niya yung sandals sa sahig. Napansin ko na nakapaa lang din siya at mukhang gagamitin niya yung sandals.
"Third? Bakit mo kinuha? Hindi naman 'to sa'yo! Nakakainis ka! Naiinis na 'ko sa'yo!" pagalit na sabi niya at binato saakin ang sandals atsaka siya nagwalk-out.
Alam ko kung saan siya pupunta kaya agad akong pumunta roon, sa gym.
Tama nga ako doon ko siya naabutan, nilapitan ko siya iiwas sana siya pero pinigilan ko. Sinuot ko sa kanya yung sapatos na suot ko.
"Sorry! Sorry sa mga nagawa ko, hindi na mauulit. Ayan muna gamitin mo. Smile ka na, mas maganda ka kapag nakangiti"
Doon naisip ko na dalhin siya sa rooftop at ipakita sa kanya yung mga nasulat ko sa pader. Tinapos na namin ang natitirang kulang na letter.
LOVE...
YOU ARE READING
Kamikaze presents (2017)
Fiksi RemajaKamikaze (Thai: กามิกาเซ่) stylized a kəmikəze is a Thai record label owned by RS Public Company Limited. It was founded in 2007 by Sutipong Wattanajung. The label focuses on young artists, ranging in age from 14 to 22, tapping into the underserved...