Love warning

899 22 0
                                    

--

"Akin na kasi! Ano ba ibigay niyo na nga yung bag ko! " pagpupumilit ko na kunin yung bag ko sa tatlong lalaking pinagtr-tripan ako. Teka, wala ata yung leader nila?

" Akin na yan. " kinuha niya ang bag ko dun sa kaibigan niya at tinitigan ako. Dapat pala hindi ko na siya hinanap, speaking of. Binaligtad niya ang hawak sa bag ko dahilan para mahulog lahat ng gamit ko. Third you're getting on my nerves!!

Tinitigan ko lang siya ng masama at binato niya saakin ang bag ko at hindi lang yun, dinikitan niya pa ko sa noo ng sticker niya na may logo na "3rd warning". Nagtawanan pa silang magkakaibigan at tumalikod na saakin. Sa sobrang inis ko kinuha ko yung dinikit niya saakin, nilukot at binato ko sa kanya.

Pero ang loko, tinignan lang ako ng masama! Third, why you do this to me?!

--
next day...

Naglalakad ako papasok ng school ng makasalubong ko na naman ang grupo nila Third. Nagtitigan lang kami at ngumisi pa siya bago tuluyang umalis, kahit kailan nakakainis ang lalaking yun. Habang nags-scroll ako sa fb may nakita akong video ko, yung video ng scene na nangyari kahapon. Teka paano nakuhanan 'to?

Nagpalinga-linga ako at may nakita na naman akong hindi kanais-nais. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung makikita mo ang napakadami mong pictures sa pader at may nakalagay pa na "3rd warning" ?

Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko na napansin na may nabangga ako at hindi lang yun may nantalisod pa saakin, buti na lang at may sumalo saakin dahil kung hindi isa na naman tong malaking kahihiyan at magiging usap-usapan na naman ako sa school. My life saver--teka si Third?! si Third yung nakasalo saakin?

Habang tinitignan ko ang mukha niya dahil wala ng isang ruler ang layo ng mukha namin sa isa't-isa ang dami kong napansin sa kanya. Maganda pala ang hugis ng mukha niya, ang perfect ni walang marka ng pimples. Yung pilik-mata niya ang haba at ang ganda rin ng black niyang mata. Pati yung labi niya ang pula at hindi ganun kapayat at hindi rin ganun kataba pisngi niya. Ang perfect naman niya masyado! Now I know kung bakit ang dami nagkakagusto sa kanya.

Nahihibang na ko, agad ko siyang tinulak at tumakbo na ako palayo. Ano ba naman kasi ang naisip ko para titigan pa siya at kabisaduhin ang features ng mukha niya?! Sarina wake up, kanina ka pa lutang at wala sa sarili.

Naglalakad na ko palabas ng madatnan ko yung bike ko, na walang gulong at kalas ang kadena. Nung nilapitan ko nanggigil ako sa nakita ko. Third ! Paano ko nasabi na si Third? Bukod kasi sa siya lang naman ang nangi-inis saakin ng ganito, siya lang din naman ang kilala dahil sa "3rd warning" niyang logo at sticker. Binitbit ko yung bike ko at pumunta ako sa tambayan nila magkakaibigan. Pagkarating ko dun, binagsak ko sa harapan nila yung bike ko. Nagulat sila sa ginawa ko, pero hindi ko pinansin yun. Binato ko kay Third yung 3rd warning niyang sticker at nagwalk-out na 'ko. Akmang lalapitan ako nung isang kasama niya pero pinigilan siya ni Third. Pero bago pa ako makaalis sa scene na yun nakita kong ngumisi si Third. Great! You ruin my life Third! Congratulations!!

the next day. Tahimik akong kumakain sa canteen ng nilapitan ako ni Third at umupo sa tabi ko. Pinatunog niya pa ang upuan kaya natakot ang ibang estudyante at nag-alisan sa canteen. Nakakawalang gana kumain. Seriously, nanga-asar ba talaga si Third?

Pilit kong inaabot yung catsup pero hindi ko maabot kaya si Third na ang umabot at nilagyan niya ko sa kinakain ko. Ano naman kaya ang nakain neto at ang bait ata ngayon? Tahimik na lang akong kumain dahil hindi ko rin siya trip kausapin dahil never naman kami nag-usap. Wala naman kasi siyang ibang ginawa kung hindi manggulo. Pero habang kumakain ako nakita ko sa peripheral vision ko na nakatitig siya at nakangiti saakin. Kaya agad ko siyang nilingon at umiwas naman siya ng tingin.

Mayamaya dumating yung tatlong asungot niyang kaibigan at lumapit sa lamesa kung saan ako kumakain. Biglang napatayo si Third at natarantang kinuha yung catsup at binuhos sa pagkain ko. Tinapik niya pa ako sa likod at inaya niya na ang mga kaibigan niyang umakyat. Pero bago siya tuluyang maka-akyat, nagkatinginan pa kami. Napansin ko, nagiging ganun lang siya kapag kasama niya mga kaibigan niya. Hms! Baka naiisip ko lang yun, imposible rin kasi.

kinabukasan, habang naglalakad ako palabas ng school nagulat ako ng biglang nasa harap ko na yung bike ko na ayos at walang bahid ng pagkasira. Napangiti ako at tinignan kung sino ang nagdala saakin....si Third! Nawala agad yung ngiti ko atsaka inagaw sa kanya yung bike ko. Pero hinatak niya yun at sumakay sa likod ko. Ano na naman bang trip neto at nagpaangkas?

Nagbike na lang kami sa school grounds ng mapadaan kami sa court. Nandun yung mga kaibigan niya kaya agad siyang bumaba na siyang naging dahilan para huminto ako. Tinignan ko siya at natataranta niyang tinignan yung mga kaibigan niya kung nakita ba yung scene namin. Luckily, busy yung mga kaibigan niya maglaro. Kaya tumakbo na lang siya palayo. Bakit ganun siya umasta saakin 'pag kasama niya mga kaibigan niya at iba kapag kaming dalawa lang?!

Nagkaroon ng pool party saamin at kailangan ko umattend. Hindi ako komportable sa suot ko kaya naiilang ako. Nagulat na lang ako ng sumulpot sa harap ko si Third na mukhang tinulak siya nung kaibigan niya saakin. Habang si Third palapit ng palapit saakin, ako naman paatras ng paatras. Nung mararamdaman ko na mahuhulog na ko sa pool bigla akong napakapit sa kamay niya.

" Ihulog mo na yan! Ihulog mo na yan! Ihulog mo na! " paulit- ulit na sigaw ng mga taong nasa paligid namin. Nagdadalawang isip pa siya kaya ang ginawa ko ay bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya dahilan para tuluyan akong mahulog sa pool. Pero hindi ko inaasahan na sumunod siya at nagpakabasa na rin sa pool. Natawa na lang ako kaya binasa ko siya at binasa niya rin ako. Nagtawanan na lang din yung mga kaibigan niya, siya naman tong hiyang-hiya.

The day, Naglalakad ako sa corridor ng mapadaan ako sa bulletin board. Nakadikit dun yung picture ko na may nakalagay na " 3rd warning " . Tatanggalin ko pa lang sana ng may biglang nagtapal dun sa sticker, biglang lumalakas yung tibok ng puso ko. Unti-unti niyang inalis yung kamay niya at doon nakita ko kung ano yung pinantakip niya sa sticker niyang 3rd warning...Love warning. Agad akong napangiti at dahan-dahan akong humarap sa kanya.

I'm so damn lucky. I hate that I love you Third!

 I hate that I love you Third!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kamikaze presents (2017)Where stories live. Discover now