Chapter 3

30 5 40
                                    

Chapter 3

Vanessa's POV

Intrams na! Walang klase! Mabuhay! Charot ahahahaha.

Kasalukuyan kaming pagala-gala ni Mich sa grounds. Wala naman kasing ginagawa. Hinihintay na lang namin yung next match. Grade 8 kasi verus Grade 9 na men's volleyball. Sa totoo lang excited na akong mapanood yung laban kasi madaming magaling mag-volleyball sa grade namin. Pero balita ko madami ding magaling sa grade 9. Kaya umaasa ako ng magandang laban.

"Mich bili tayo fishball sa canteen."sabi ko sa kaniya.

"Oki."sabi niya

Padating namin sa canteen walang pila. Pag kasi may mga occasion hindi talaga nagpipila dito madalas.

"Fishball po."sabi ko kay ate Lydia. Yung tao dito sa canteen.

"Fries po sa'kin."sabi naman ni Mich.

Pagkakuha namin nung mga pagkain nagbayad na kami.

"Beshy alam mo ba yung balita?"tanong sa'kin ni Mich.

"Alin?"tanong ko.

"May magta-transfer daw sa grade natin."sabi niya.

"Sino daw?"tanong ko pa.

"Hindi ko pa alam eh. Pero galing daw sa ibang bansa."

"Talaga? Sana Korean ahahahaha."sabi ko. Gusto ko kasi talaga magkaroon ng kaibigang Korean.

"Sana nga ahahaha."sabi naman ni Mich.

"Okay students. Kindly go to the gym. The match of Grade 8 and Grade 9 Men's Volleyball will start in a few minutes." Narinig naming sinabi ng principal through the speakers.

"Uy 'lika na. Para magkaroon tayo ng magandang spot."sabi ko kay Mich.

After nun pumunta na kami sa gym. Wala pa masyadong tao kaya nakakuha kami ng magandang upuan. Kitang-kita mo dito yung both sides ng court. Kaya siguradong makikita namin ng maayos yung game.

"Mukhang malakas yung mga grade 9 'no?"sabi sa'kin ni Mich.

"Hmm oo. Pero di naman tayo papatalo."sabi ko at tiningnan yung mga grade 8 na maglalaro. Dalawa sa kaklase namin yung kasali sa laro. Kasali sila sa varsity ng Volleyball team ng school kaya may tiwala kami sa kanila.

Di nagtagal nag-start na yung game. Katulad ng inaasahan ko sobrang intense ng laro nila. Palaging nagkakadikit yung mga scores.

Natapos na yung 1st at 2nd set. 1-1 yung score. 3rd set na at 23-24 and score at lamang kami.

Kami na yung magse-serve. Paghampas niya nung bola tumama sa net at hindi pumasok. Ngayon tie na yung scores. Nakakakaba naman 'to.

The crowd is cheering for their bet.

"Whoo! Kaya niyo yan!!!"sigaw nung nasa gilid namin ni Mich. He's voice is too loud to not be noticed.

Tiningnan ko kung sino 'yun and guess what? Si Grade 7! Habang nakatingin ako sa kaniya bigla siyang luminon sa'kin. Tapos biglang sigaw..

"GO GRADE 9! KAYA NIYO 'YAN! FIGHTING!" Luh? Anong problema niya? Tsaka ano daw? Grade 9? Grade 9 na siya? Eh mukha siyang grade 7 eh!

"Lance tumahimik ka na nga ang ingay eh."sabi nung katabi niya.

"Bakit? Gusto ko lang naman i-cheer yung level natin eh."sabi niya.

"Hay. Mags-start na. Tumahimik ka na."sabi ulit nung katabi niya.

Tumingin na ulit ako sa court dahil magsisimula na nga.

Sinerve na yung bola. Ito na yung magdedesisiyon kung sinong mananalo. The game is so intense at hindi ko na alam kung paano pa ipapaliwanag.

I Wish [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon