Chapter 2: Nerd?
Estella's Point Of View
Hala ano bang nagawa ko. Haysss...
Pumasok na kami sa loob ng office ag nadatnan ko si Kuya na parang galit na galit.
" Nerd? Nerd ba talaga ang bet mo?!" Sigaw ni Kuya. Sounds proof naman yung office kaya okay kahit mag-ingay kami.
" Sorry na. Atska wala ka ng magagawa." Sabi ko naman, kasi bago ako nag Nerd Look nag paalam muna ako kila Mommy. Gawin ko daw kung anong gusto ko.
" Alam mo bang, dahil dyan sa Nerd Look na yan. Muntikan ka ng masaktan. Ganyan pala, ang nararanasan mo kapang nag ne-nerd look ka, sinasaktan ka." Inis at galit na sabi ni Kuya.
" Okay lang ako. Atska hindi naman ako nasaktan kanina. " Sabi ko naman...
" Ano bang kinakatakot mo? Si Bien ba? Ano ba naman Bunso, dalawang taon na ang nakaraan. Kalimutan mo na siya." Sabi ni Kuya.
" Sa tingin mo madali lang iyon. Okay na ako sa nakalimutan siya, pero ayaw kong----" Nakita kong binuksan ni Kuya yung door at umalis na. Ano yun, nag papaliwang ako tapos aalis siya. What a Friday... tsk.
" So, kayo nga si Ms. Estella." Birong sabi ni Ma'am Mai. Aba, sa sungit niya kanina kaya niya pang mag joke ngayon.
" Wag niyo na lang pong sabihin kung kani kanino yung nalaman niyo. " Paki usap ko at pumayag naman siya. Kanina, ang tingin ko sakanya masama pero ngayon okay naman pala siya. Mabait naman. Pag ka labas na pag kalabas ko naka banggaan ko si Bien.
Yes si Bien...
" You ugly creature! What the hell." Inis at galit na sabi ni Bien. Hindi siya nag-iisa may mga kasama at kilalang kilala ko. Sina Dwayne at Anton. Ang mga kaibigan ni Bien. Nakilala ko na sila two years ago.
" Mr. Santiago. Konting bangga lang ni Ms. Serena ang nagawa niya saiyo. Kung ano ano na ang sinasabi mo." Sabi ni Ma'am Mai.
Buti na lang si ma'am kinampihan ako.
" Serena? Serena pa talaga ang pangalan mo? Alam mo bang galit na galit ako sa mga pangalan na gaya ng sayo." Inis na sabi ni Bien, at ngumis ako.
" Bakit? Inggit ka sa name ko? Bakit hindi mo rin kaya palitan yang pangalan mo ng Serena, para hindi ka na magalit. Atsaka, buti sana kung naitulak kita o ano... na bangga lang kita ng napaka hindi tapos magagalit ka na." Sabi ko, hinila ako ni Ma'am pero nag pumigil ako. Pina-una ko si ma'am, pero ang sabi niya ayusin ko daw ang problema ko.
" Dwayne, Anton. Iwan mo muna kami." Sabi ni Bien ag sumunod naman yung mga kaibigan niya.
" Now tell, ikaw si Estella." Sabi ni Bien, p-pero paano n-niya...
" Two years... akala mo ba hindi ko malilimutan yang boses mo. Yang kilos mo. At talaga pang nag panggap ka bilang Nerd. Para ano? Para hindi kita makilala." Matalim na sabi ni Bien. Aba nakaka sakit na ng damdamin ah.
" Bakit? Nag-aassume ka pa rin ba. Na sana maging tayo ulit. Well, hindi na... bakit pa ako papatol sa isang tulad mong maland---" at agad ko siyang sinampal. Kung nung una, masakit lang sa damdamin ngayon sobra ng sakit.Wala siyang karapatan na sabihin ako ng malandi.
" Hindi mo alam, kung ano ang totoong ngyari." Mahinahon na sabi ko. Dahil kapag nag sisigaw ako, baka marinig kami ng ibang estudante.
Nagulat ako ng hilain niya ako, at pumasok kami sa isang private room.
Mukhang sounds proof din yung private room na pinasukan namin.
" Anong hindi, nag paka lasing ka kasama mo si Ash. Tapos ano, may ngyari sainyo diba. Tapos tina tanggi mo na walang ngyari sainyo. Ella may litrato na, may patunay na. Minahal kita, pero niloko mo rin lang pala ako." Sabi ni Bien... Ella ang tawag niya saakin nung kami pa at parang hanggang ngayon yun parin ang tawag niya saakin.
" Minahal? Kailan? Kung minahal mo ako, sana inintindi at pinaniwalaan mo ako." At umalis na ako. Kilalang kilala niya talaga ako. Pati boses ko nakilala niya.
" Saan ka ba ang pupunta... alam kong hindi pa tayo close. Pero yung point na iiwan mo ako mag-isa?!" Reklami ni Dorothy. At nag Peace sign ako.
" Sorry, pinapunta kasi ako ni Ma'am Mai sa office. " Pag papasensya ko. Hinila niya ako ulit papuntang canteen.
" Uso pala sayo ang ' Hila ' way." Sabi ko at tumawa siya ng mahina. Na mili kami ng mga pagkain. Libre daw niya. Yayamanin this girl." Eto na lang." Tipid kong sabi. Pinili ko lang yung Siniggang na baboy at tubig lang. Hindi ako pwede sa mga matatamis lalo na yung mga sprite o ano pang matatamis na inumin.
" Jusko trenta pesos lang ang nailibre ko sayo. Tubig tapos yang siniggang mo." Inis na bangit niya.
" Kahit gaano pa kayaman ang man lilibre saakin, alam kong hindi madaling kumita ng pera. " Hindi naman kasi tayo tumatae ng pera para mag sayang ng mag sayang.
" Sabagay may point ka. Kilala mo ba si Estella Serena Kang?" Sabi ni Dorothy habang nag hahanap ng table.
" What about her?" Tinuro niya yung table na uupuan namin... kaya naman pumunta kami sa table na tinuro niya at umupo.
" Her brother, Tyler Kang. Super gwapo niya kanina... matagal ko na kaya siyang gusto. Kaya nga nung nalaman ko may school pala sila dito sa manila, nag pabook ako agad ng flight papunta dito sa philippines para lang makita siya." Pa book ng flight?
YOU ARE READING
The Billionaire's Daughter
Teen FictionAng maging anak ng isang bilyonaryo ay hindi madali. Pagiging popular pa ang mag papasikat sayo o ang sarili mong sikap? Mas mahalaga ba ang pera o mas mahalaga ang pamilya? Hindi mo kailangan ang Ginto o Pera. Dahil ang pamilya na buo yan ang tuna...