Chapter 10: No Escape
Estella's Point Of View
Dumaan ang dalawang buwan, at naging close nga kami ni Dorothy at naging close na rin si Dorothy at si Kuya.
Habang si Kuya at Raze naging close na rin. Diba ang gulo pero hindi kami naging close ni Raze.
Pero hanggang nagyon, hindi parin alam ni Raze ako yung naligtas niya three months ago.
" Good morning Dad." Bungad ko kay Dad.
Dumiretso ako sa Pool Area at uminom ng Juice wala nag senti senti lang.
" Ma'am? Okay lang po ba kayo?" Sabi saakin nung Yaya namin na si Jinri.
" Okay naman. " Sabi ko at umalis na siya.
" Bro, alika swimming tayo. Wag mo nang alalahanin yung damit mo may mga damit ako dyan." Rinig kong boses ni Kuya yun ah. Nung tignan ko nakita ko si...
RAZE! Kaya tumalikod ako. Hindi ako OA pero ayaw ko lang malaman niya na ako yung niligtas niya. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko pero yun ang na fefeel ko.
" Uy, kapatid ko. Andito ka pala? Alika ka nga dito." Nang tri-trip ba siya?! Alam naman niyang ayaw kong makilala ako ni Raze tapos tatawagin niya ako.
" Diba si Estella Kang ang younger sister mo? Pakilala mo naman saakin. Hindi ko pa nakikita mukha niya." Rinig kong sabi ni Raze. No... no...
Ano ba kasing pinopoblema mo ha Estella? Tatlong buwan na rin yung nakakalipas.
Eh ayaw ko lang kasing mag pakilala.
Eh bakit nga?!
Nahihiya ako.
Nahihiya ka pa, dapat nga matagal ka nang nag thank you sa taong nag ligtas sayo.
Oh edi ikaw na.
Lord help me, pati sa isip ko kina kausap ko na sarili ko.
" Estella?" May pa biro biro pang tono ng boses niya.
Wag muna ngayon, kaya naman nag lakad ako patalikod at tinakpan ang mukha ko.
" Bro, may sapak ba yang kapatid mo?" Sabi ni Doss in serious way. Mag lalakad na sana ako ulit nang hilain ako ni Kuya at tinanggal ang kamay ko sa mukha ko.
" Brad, she's Estella Kang my younger sister. " At duon na ako tinitigan ni Doss.
" D-diba ikaw yung babaeng niligtas ko three months ago?" At unti unti akong tumangon pero nakayuko.
" Bro bat ngayon mo lang saakin sinabi?" Tanong ni Doss kay Kuya." Sorry Bro, kapatid ko may gusto nun eh. Sinunod ko lang." Paliwanag ni Kuya.
" S-sorry Raze. Hindi ko naman sinasadyang hindi mag pakilala sayo." Sabi ko at ngumisi si Doss.
" Alam mo bang ang tagal kitang hinanap? Para lang marinig ko ang Thank You mo. Hindi yata biro iyon." Inis na sabi niya pero unti unti siyang ngumingiti.
" T-Thank you. Promise babawi ako." Sabi ko.
" Kung babawi ka, pwede ka banb lumangoy para saakin?" Sabi ni Doss. Nag bibiro ba siya? Hindi ako marunong lumangoy.
" Bro, you can't do that. Hindi marunong lumangoy ang kapatid ko." Sabi ni Kuya na agad ko namang ikinatuwa.
" Kahit na..." Mahinahon na sabi ni Doss.
" Bro?" Sabi ni Kuya at nag tataka kung bakit sinabi ni Raze iyon.
" Kahit na... hindi ka naman humingi ng sorry, okay lang dahil kahit papaano dinala mo ako sa hospital at binantayan hanggang sa makatulog ako. Kaya kahit na, hindi mo na gawin ang gusto ko." Yun lang pala. Mabait rin pala tong Raze, hindi lang halata sa hugis ng kanyang pag mumukha.
" Ano bro? Langoy na!" At sumugod na si Kuya sa pool.
" Nice meeting you Ms. Estella Kang." Nag smile lang ako sakanya at umakyat na ako sa room ko at tinawagan si Dorothy para naman mag karuon ako ng kasama ngayon.
" Dorothy, pwede ka bang pumunta ngayon sa bahay." Sabi ko sa phone at pumayag din siya, kasi daw nakakabored ngayong araw.
Hinintay ko na lang si Dorothy na dumating ng tumawag siya saakin.
" Tulungan mo nga ako, ang kulit nitong guard niyo eh. Sabi ko kakilala kita ayaw mag patinag. Mamaya daw modus modus yung ginagawa ko." Pag rereklamo ni Dorothy. Kaya naman bumaba na ako at pumunta sa gate.
" Manong, ayos na. Kakilala ko siya." Sabi ko sa guard at pinapasok na nga si Dorothy. Pero sinamaan ni Dorothy ng tingin yung guard namin.
" Jusko nakaka inis yung guard na yun ah." Bwiset na bwiset si Dorothy duon sa guard kaya pati ako dinamay niya. Bakit daw kasi ako tumatanggap ng ganung guard. Hindi na lang ako nag salita at tumawa lang ng mahina.
Binuksan ko na yung pintuan ng makita ko sila Kuya na nakahiga sa higaan ko, kaya agad ko silang pinag papalo.
" Aray ko!" Reklamo ni Kuya.
" Bakit kayo nandito?! Bakit ka nandito?!" Sigaw ko sakanila.
" Hey easy ka lang. Diba ikaw si Dorothy? ikaw yung friend nung nerd girl bakit ka nandito?" Tanong ni Raze kay Dorothy. Tinignan ko si Dorothy na wag niya munang sabihin hindi pa kasi alam ni Raze na ako yung nerd Girl.
" Ah eh, friends din kami ni Estella. Oo, tama friends din kami." Pag katapos sabihin ni Dorothy iyon, hinila ko na sila Kuya palabas ng kwarto ko.
" This is private! " Sigaw ko.
Pag kasarado ko ng pintuan nakita ko si Dorothy na tumawa.
" Anong nakakatawa?" Inis na sabi ko.
" Wala lang, bonding niyo pala iyon ng kuya mo noh. Infairness may kakulitan din pala si Tyler." At ngumiti siya na parang anghel.
" Huy, day dreaming na naman." Paninira ko sa pag da-day dreaming niya.
" Grabe talaga kaibigan ba talaga kita?... pero by the way, ano ng gagawin natin ngayon?" Tanong ni Dorothy.
YOU ARE READING
The Billionaire's Daughter
Teen FictionAng maging anak ng isang bilyonaryo ay hindi madali. Pagiging popular pa ang mag papasikat sayo o ang sarili mong sikap? Mas mahalaga ba ang pera o mas mahalaga ang pamilya? Hindi mo kailangan ang Ginto o Pera. Dahil ang pamilya na buo yan ang tuna...