Freedom for A Girl...

677 8 0
                                    

Third person Point of View

Nagmamadaling nag bihis si Sashie pag katapos nyang malagyan ang ng design ang binake nyang blackforest cake para sa kanyang boyfriend. Gusto nyang maging espesyal ang araw na ito, Birthday kasi ng boyfriend niyang si Dave, pag kagayak na pagkagayak niya ay patakbo siyang bumaba sa kusina at nadulas pa siya sa hagdanan sa kakamadali niya.

"Ayyy!" napatili siya buti nalang at napahawak siya sa hawakan ng hagdanan kung hindi ay gumulong na siya, dali-dali namang sumaklolo ang kanilang kasambahay.

"Naku iha! Para ka naman hinahabol ng sampong kabayo kakamadali! Ano bang nangyari sayo? Ayos kalang ba?" Litanya sa kanya ng nag aalalang tanung sakanya ng kanilang kasambahay. Saka siya tinulungan nitong tumayo.

"Ma..nang.” Malambing na sambit nya. “Ayos lang po ako. See nagagalaw ko pa yung binti ko oh." habang minuwestra pang ginalaw-galaw niya ang kanyang mga binti.

"Nako talaga tong bata na ito oo. Sige sige na naniniwala na akong ayus ka lang." habang iiling-iling ang matanda na inalalayan ang kanyang alaga.

"Naman!” Proud na proud na bigkas nito. “ Ako pa ba? Si Darna po ata to!" Sabay hagikgik at takbo naman niya sa kusina, para kunin ang cake na ginawa niya.

"Nako po! Ang alaga ko! Para talagang hinahabol ng sampong kabayo." Muling iiling-iling at natatawa na sambit ng matanda.

Dali-dali  naman niyang kinuwa ang binake na cake nilagay niya ito sa isang box saka niya nilagyan ng ribbon..

 “Perfect! Sana magustuhan to ng baby ko!” pagkasambit niyang iyon ay kanyang pinagdikit ang kanyang palad na animo’y nanalangin sa maykapal.

"Manang, alis na po ako pakainin nyo nalang po si Yippy pamaya maya ha?" ( Si Yippy ang kanyang alagang na pusa :D).

"Sige iha mag ingat ka ."

 Patalon-talon siyang lumabas ng bahay saka sumakay ng kotse, at nag drive patungo sa bahay ng kanyang kasintahan.

"Magustuhan kaya ni Dave yung binake kong cake? I’m so exicted, and a little bit nervous. Hmm I hope he’ll like my masterpiece." Animo'y kinikilig pa niyang tinuran.

Nang nasa tapat na siya ng bahay ni Dave bumusina siya sa at agad naman siyang pinagbuksan ng gate ng guard. Pag ka park niya ng kotse ay agad siyang bumaba at kinuwa ang bitbit na cake.

"Yaya? Andiyan po ba si Dave?" magalang niyang tanong sa katulong.

"Opo andun po siya sa kwarto niya teka lang po at tatawagin ko."

"Wag napo ako nalang po tatawag sa kanya. Patulong nalang po." Dahan-dahan niyang inabot sa katulong ang box at pumunta sila sa kusina.

Kinuwa niya sa kanyang bag ang isang birthday candle at pinatong sa cake saka niya sinindihan. Pagkasindi ng kandila ay binuhat na niya ang cake, at tutungo na sa kwarto ng kanyang kasintahan.

"Yaya dala nyu po ba yung susi ng room ni Dave?."

"Ay opo ma'am Sashie, nasa bulsa ko lang po."

"Sige po, paki samahan niyo naman po ako sa room niya oh? Pabukas narin  po ng room niya? Hindi ko rin po kasi mabubuksan dahil sa bit-bit ko.Isusurprise ko po kasi siya e." sabay ngiti niya sa katulong.

Tumango naman ang katulong at tinungo na nila ang kwarto ni Dave sa taas.

Pag kabukas ng pintuan ng kwarto ni Dave ay pumasok na si Sashie. Nagulat si Dave ng bumukas ang pinto alam niyang ni lock niya iyon. Naiinis siyang tumayo at dali-daling pinatay niya ang monitor ng kanyang computer niya. Pero ng mapansin niyang si Sashie pala ang nagbukas ng pinto ay agad niyang inalis ang inis niya sa kanyang mukha.

Play the song - Kiss the Rain by Yiruma

"Happy 18th Birthday Baby!" Masaya at masiglang bati ni Sashie sa kasintahan. Bakas naman sa mukha ni Dave ang labis na pag kagulat.

"T-thank you ." Nauutal na sagot ng binata. Hindi niya kasi naisip na susurpesahin siya ngayun ni Sashie.

"Come on baby, blow the candle ang make a wish." Habang naka smile siya at nilahad ang cake sa harapan ng kasintahan.

Hinipan ni Dave ang candle at pumikit. Sa pagpikit ng binata, hindi sinasadyang tumulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

"Babe, why are you crying? Sobra ba kitang nasurprise? What is your wish? " Naguguluhang tanong ni Sashie subalit hindi parin napapawi ang ngiti niya sa kanyang labi. Ilalapag na sana ni Sashie ang cake sa lamesa ng bigla siyang yakapin patalikod ni Dave.

"Hey! Baby what's going on? Why are you crying? What’s your wish?" Natatawa at sunod sunod na tanong niya. Naramdaman niya ang mahigpit na pagyakap sa kanya ni Dave. Sa pagyakap na mahigpit ni Dave sa kanya ay bigla siyang kinabahan lalo na nang mag salita ito.

"F-fr- freedom..... " Nauutal na bulong ni Dave at mas lalong humigpit ang yakap niya sa dalaga.

"F-freedom?" Kunot noong tanong ng dalaga. Gulong-gulo na siya. Pag ka sabi ni Dave ng katagang iyon ay mas lalo siyang kinabahan, at parang may anung kumirot sa dib-dib niya.

Pag karinig ni Sashie ng mga katagang iyon ay saglit napahinto ang kanyang mundo. Para siyang naistatwa sa mga salitang narinig niya. Slow mo sa pandinig niya ang mga katagang binitawan ni Dave. Nawalan ng pandama ang kanyang mga kamay dahil sa sobrang pagkabigla, kaya bumagsak sa sahig ang cake na hawak niya. Parang huminto ang lahat sa paligid niya. Pag kabagsak ng cake sa sahig ay agad parang na numbalik siya sa realidad. Napasapo siya sa kanyang mga labi habang pumapatak sa kanyang mga mata ang maalat at mainit na kanina pa pala dumadaloy sa kanyang mga mata. Tinangal niya ang mga kamay ni Dave sa bewang niya at dali-dali siyang tumakbo at lumabas ng kwarto. Dire-diretso siya sa kanyang kotse at pinaandar iyon. Dali-dali namang binuksan ng guardiya ang gate. Pinaharurot niya ang kanyang kotse. Gusto niya agad makaalis sa lugar na iyon. Dahil pakiramdam niya ay parang ikamamatay niya kung magtatagal pa siya.

My Ex is Now A LADY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon