Happier

2.3K 39 4
                                    

Note: Heavily inspired by Ed Sheeran's song with the same title. Nakakabh. Sobra.

Just know that I'll be waiting here for you.

"So ano, ganto na lang? Ibe-break mo na lang ako? Abnormal kayong mga babae! Di malaman ano gusto!"  I nodded and smiled at him. Tapos, nagsimulang nakong maglakad pauwi.

It hurts to see how much he has changed. He's growing up. I should not let him not change at all. Change is inevitable. Ayokong humadlang sa kanya. Or sa kung ano mang gusto niya. I want to make him happy with his free will.

I have to let go of him. Who knows? Baka kami din pala yung magkakatuluyan and this is just a challenge.

Ayoko munang pangunahan pero eto na yung decision.

Ayoko maging hadlang sa life niya, almost adults na kami and I'm still controlling his life. Deciding who his friends should be, and what should he do around me.

I asked him once if I ever made him happy. It took a long time for him to answer with a quick nod.

I want him to be free. Gusto ko kung may gagawin man siya, it is because na gusto niya rin and not because I told him so.

In that way, I would not be this bossy and toxic girlfriend.

Back in our high school days, I have seen his efforts for me throughout the year.

He tells me jokes when I'm sad. Nangingiliti din pag pinigilan ko pang tumawa. He carries my bag paakyat sa room. Nililibre niya din ako ng candy!

Not because I told him, but because he wants too.

He tells me to attend the Holy mass every Sunday and he joyfully accompanies me too.

Nagpupunta din siya sa bahay ko tuwing may tampuhan kami. And we will end up in an old playground, hugging each other kasi okay na kami.

He kisses my cheek, every time he could. He holds my hand para hindi raw siya 'mawala'.

He continuously gives me pick up lines even though I find it corny, kinikilig pa din ako.

Hays. The memories.

Bigla na lang nag fade eh. Maybe that's the sign. I'll give him the freedom that he should have.

One month later

"Bessy, si Hiro ba yun?" Sabi ni Mia habang tinuturo si 'Hiro' at isang medium length haired girl sa may isawan.

"Hala, anyare sa three month rule bes" Dagdag ni Mia. Habang napili sila ng ihaw ihaw, nagkwe-kwentuhan sila at naririnig namin ang malakas na tawanan nila.

Yung tawa ni Hiro. Ang cute.

Nakaalis ng bigat sa pakiramdam yung tawa niya. Kasama pa yung singkit at mapungay niyang mata! Para na siyang nakapikit pag natawa.

Masaya ako na masaya siya ngayon

"Bessy, wuy. Jelly na you?" Pagpapapansin sakin ni Mia. Kanina pa pala ako iniintay na kausapin din siya. Haha

"Si Hiro nga yun, kasama niya si Trish. Di ako Jelly, happy nga ako eh" Sabi ko kay Mia habang nakangiti ako sa pangyayaring nakita ko.

Si Trish yung babaeng pinagseselosan ko nun. She's better than me. Yun yung dahilan. Lagi akong na-iinsecure sa kanya. Kaya lagi kami nag aaway ni Hiro.

Hindi si Trish yung reason ah! Ako kasi yung nag simula.

"Di jelly, eh ano tong luha na nakikita ko? Alis na nga tayo dito! Hmp" Sabi ni Mia habang pinahid sa damit ko yung basa sa kamay niya. Hala. Naiyak na pala ako.

Nag-pahid ako ng luha at. Sinamahan na si Mia na maglakad lakad sa park.

"Alam mo bes. There are more fishes in the sea. Tama ba yun? Ewan, basta parang ganun! Malay mo yung prince charming mo, nagsswimming pa sa dagat. Basta! Magkakaron ka uli ng forever! Yung sasaya ka ng bongga!" Sana nga Mia. Nginitian ko siya at inaya ko nang umuwi. Pumayag naman siya at hinatid niya ako samin then umalis na din siya para umuwi sa kanila.

Mas masaya ako kay Hiro. Nararamdaman ko yun.

Umakyat ako sa kwarto ko at pagkapasok ay pumunta ako sa bedside table at binuksan ang drawer.

Andun yung scrapbook na ginawa ko for Hiro.

Kinuha ko yun at muling binuksan.

Makapal yung scrapbook na ginawa ko. Tsaka, unfinished pa siya kasi syempre di ko naman alam na hahantong kami sa ganito eh.

First month namin, nag arcade kami. May mga nakatape na pictures galing sa photo booth, token, at mga tickets. Meron ding picture nung napanalunan niyang stuffed toy. Si Sadness sa Inside Out.

Patuloy pang umabot ang pages ng scrapbook hanggang ma reach ang 25th Month which is a blank page waiting to be filled tomorrow.

May pumatak na liquid sa blank page kung kaya't nag darken ang paper ng page

Patuloy na din pala akong umiiyak.

I miss my Hiro so much!

I'm still here Hiro. You are still my sunshine, my happiness.

I know you are happy with what and who you have right now.

I won't bother you but I want you to know that I'm still waiting and I still love you, Hiro.

Short Sad StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon