Gising na

2.9K 43 4
                                    

Mark's POV

Nandito ako sa bahay ng kaklase ko ngayon. Tumatambay lang actually kasi naman nakakastress yung school kaya nag-aya muna yung isa kong tropa na mag chill.

*Received text from Louise 💕*

*Received text from Louise 💕*

*Received text from Louise 💕*

*Received text from Louise 💕*

Jusko. Eto na naman yung girlfriend ko. Hays aaminin ko masaya ako nung sinagot niya ako pero shet lang. Ang clingy na niya sobra. Wala na akong time para sa sarili eh.

Pero syempre, dahil baka mag tampo siya. Tinignan ko yung mga tinext niya.

"Hey pwede mo ba ako samahan mamaya sa SM"

"Bibili lang ako ng something"

"Please come with meeee"

"*Puppy eyes* pleaseeee"

Tss. Nu ba yannnn. Nag chchill ako dito ehh.

Nireplyan ko na lang siya na di ko siya masasamahan dahil may ginagawa akong school project sa bahay ng kaklase namin. Then pinatay ko na yung phone.

Nag kwentuhan lang kami ng mga tropa ko hanggang makumpleto kami at dala nila yung jowa nila na kaklase din namin o kaya yung mga nakita lang sa club.

Sumapit na yung gabi at naiinis pa din ako sa pagiging maarte ni Louise.

"Oh, pre. Chura mo diyan. Di mapinta e" Sabi nung tropa kong nag aya mag 'chill'

"Girlfriend ko kasi. Ang kulit e. Nagpapasama na naman sa SM. Tagabit bit lang naman ako ng mga binibili niya" Well half true lang kasi minsan lang naman siya bumili ng gamit na pang sarili at panay pagkain na kinakain lang namin yung binibitbit ko. Hahaha ang gago ko ba? Di no.

"Bro, sana yaya na lang hinanap ng girlfriend mo hahahaha. Si Bianca na lang kasi girlpren-in mo. May crush pa sayo" Simula ng grumaduate kami ng girlfriend ko from high school, iba yung school na pinili namin for college. Una iyakan pa kami nun pero sa tingin ko okay na naman siya ngayon.

"Tss. Kung pwede lang eh" Si Louise kasi over thinker. Alam mo yun? Parang bigla na lang iiyak kasi kesyo andaming naiisip na hindi maganda. Mga babae talaga. Si Bianca naman kasi, masarap kasama hahaha. Hindi kasi iyakin, maarte at sensitive.

"Nuyyyy. Di loyal" Sabi ng tropa kong may katabing babaeng hindi marunong manamit ng ayos dahil uso ata sa kanya ang paubusan ng tela at take note: Dikit na dikit yung dalawa. kadiri sila.

Pucha tong mga kasama ko ah. Kulang na lang gawing hotel tong bahay nila. Maka alis na nga. Punyeta.

Habang nag lalakad pa uwi, binuksan ko ulit yung phone ko para itext si mommy dahil pauwi na nga ako.

Pero bumungad dun ang sandamakmak na messages at 73 missed calls

Unang pumasok sa isip ko si Louise

Aba ang kulit nito ah.

Pero pag bukas ko ng inbox, tatlong messages lang ang nakuha ko galing kay Louise at the rest ay galing sa mommy ko at kay tita.

Eto yung mga message ni Louise:

"Ganun ba. Bibili sana ako ng gift moooo kasi monthsary na natin oh!!! :) :)"

"SAMA KA NA PLEASEEEEE"

"HUHU di pa naman ako marunong mag commute. Pero sige na nga. Achieve ko to diba? I love you po. :P"

PAKSHET. PAKSHET KASI MONTHSARY NAMIN AT NAKALIMUTAN KO. PAKSHET KASI HINDI SIYA MARUNONG MAGCOMMUTE. UGH BWISET AKONG BOYFRIEND!

Sinubukan kong Tawagan si Louise pero di siya sumasagot. Tinitext ko na din siya kasi nag aalala na ako at nag sosorry ako at nagpplano din ako dumiretso ng SM para bumawi sa kanya.

Pero pagkatapos ko siyang itext, tsaka ko lang nabasa ang mga text ni tita at mommy.

Hindi nako nagdalawang isip at dumiretso sa hospital kung saan dinala si Louise.

TANGINA. ANG GAGO MO MARK TERRENCE!

Pag punta ko dun sa hospital ay nasalubong ko na si tita na umiiyak sa may upuan at si mommy na cinocomfort si tita.

Nang makita ako ni mommy, sinampal niya ako ng malakas.

"How dare you forget your girlfriend's anniversary and let her celebrate alone!"

Napaiyak na lang din ako sa sinabi ni mommy sakin. Ni yakap ko si tita at nag sorry ako sa kanya.

Hindi naman galit sakin si tita. Gusto lang niya na mabuhay pa ang unica hija niya.

Medyo kalmado na si mommy pero ramdam kong galit siya sakin

"Bantayan mo si Louise sa ICU, sasamahan ko lang ang tita Pia mo para kumain at mag dasal sa chapel" And with those words, I nodded and went to the Intensive care unit.

Bago ko mapuntahan si Louise, pinalinisan nila ako ng kamay, pinasuot muna ako ng mask, a scrab suit dress and a pair of gloves.

Pagkatapos nun, wala na akong ginawa kung hindi umiyak ng makita kong comatose si Louise at may mga injuries siya sa iba't ibang parts ng katawan.

Nasagasaan si Louise habang tumatawid. And I fucking can't forgive myself for that.

Tinanggal ko muna yung gloves ko at hinawakan yung kamay ni Louise.

"Louise, sorry kung nakalimutan ko yung monthsary natin at nagsinungaling ako tungkol sa group project ng school namin. Wag ka na mag tampo, baby. Gising na" Nanginginig na yung kamay ko gawa ng pagpigil sa pag luha ko. Ang gago ko.

"Hindi mo ako iiwan diba? Dito ka lang diba? Meron pa tayong plano pagkatapos grumaduate ah! Gagayahin natin sila Popoy at Basha at magiging successful ang business natin! May future pa tayo diba? Gising na ohh" Hindi ko na mapigilan yung sarili ko at dahan dahan ko siyang yinakap.

"I'm sorry baby. Gising na please. Patawarin mo nako. Wag ka na mag tampo" Alam kong under coma siya pero sabi daw nila kausapin mo lang sila para magising.

"Ang bad kong boyfriend no? Kaya pwede mo ko suntukin pag gising ka na, dadalhin kita sa nuvali at kakain sa bawat restaurant na gusto mong kainan. Kahit ako pa tagabitbit at ako pa pumili ng damit na bibilhin mo para sa susunod nating date. Hindi ako magrereklamo, promise! Kaya gising na Louise. Fight lang. Hindi mo ko iiwan diba?"

Iyak pa din ako ng iyak. Gising na Louise.

"Nandito lang ako sa tabi mo Louise, hindi kita iiwan. Dito lang ako hanggang magising ka. Hindi ko kaya na mawala ka. Kaya gigising ka ah. Wag mo kami iiwan nila mommy, daddy, kuya, tita, tito, mga batang kapatid mo... Kaming lahat, wag mo kaming iwan. Wag ka na mag tampo, baby. Gising na please. Mahal na mahal kita."

Hinalikan ko yung forehead niya at yung kamay niya na hawak ko mula pag pasok ko.

Gising na Louise. Wag mo akong iwan.

Short Sad StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon