Sepia and Black (SUICIDAL)

1.7K 30 3
                                    

Note: Please read at your own risk.

"Sepia, ready ka na?" Tanong sa akin ni Black. Tumango na lang ako at ngumiti.

"Sige, sundan mo si Red ah, siya yung may alam kung saan ka dadaan" tumango ulit ako at sinundan na si Red.

Tinuturo sa'kin ni Red ang mga hagdan na tumutungo sa roof top ng building na 'to. Kung kaya't tahimik at mabilis kong sinunod ang mga pulang arrow sign na nakadikit sa pader patungo sa taas.

Nang makarating na'ko sa rooftop. Napalunok ako sa realization na sobrang taas pala ng gusaling inakyatan ko. Muli kong nakita si Black.

"Eto na yung huling beses na masasaktan ka Sepia, pero wag ka mag alala. Sasaluhin ka ni Green at sasamahan naman kita." Nini-nerbyos na ako at agad itong napansin ni Black.

"Hindi na tayo magkakahiwalay uli pagkatapos nito, Sepia" Tumango ako at minulat ko na yung mga mata ko. Huminga akong malalim at nagsimulang umapak sa dulong bahagi ng rooftop.

Nang tumalon na ako, hindi pa ako nahulog. Bakit?

May nakahawak sa long-sleeved polo kong nag tatago ng lahat ng laslas at sugat ko. Napatingin ako sa itaas, at nakita ko si Gray.

"Gray?"

"Sepia, buhatin mo din yung sarili mo para matulungan kita" Mabilis na sinabi ni Gray at akmang inaabot ang isa kong kamay na nakalaylay lang.

Hindi ko kinuha ang kamay niya.

"Sepia, ano ba? Wag mong gawin 'to" Paiyak na sabi ni Gray.

"Kapag ba sumama ako sa'yo, hindi mo na ako iiwanan?" Hindi makapagsalita si Gray. Natameme na lang siya kung kaya't kinuha ko ang gunting na nakalagay sa aking bulsa, at ginupit ang polong hinahawakan niya. Ang polong nagsisilbing koneksyon ko sa kanya.

Nakatingin ako sa sasalo sa akin sa baba, si Green nga. Si Green ay ang mga damo sa lupang babagsakan ko.

At ako'y muling pumikit. Kasama ko na si Black.

"Panandaliang sakit lang to, Sepia. Pagkatapos nun, palagi na tayong magkasama" Tumango ako at ngumiti.

Napadilat ako ng bahagya nung naramdaman ko ang sakit. Ang sakit ng aking buong katawan, ang aking ulo, at ang nararamdaman kong dugong mabagal na tumatakas sa akin.

At nang ako'y muling napapikit, wala ng sakit.

At kasama ko na talaga si Black.

At wala ng mananakit.

Short Sad StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon