Hindi ko alam kung ano bang meron dito sa lalaking ito at napahanga sa kanya ang isang babae na bagong lipat sa skelahang pampubliko sa Hayskul.
Dahil hindi siya pinapansin ni Adrian, gumawa na ng paraan si Cheska para siya'y mapansin na.
"*kick* *kick* *kick*"...
"Aba, wala atang pakiramdam tong lalaking to. Kahit siguro lumindol na lahat lahat, aantayin niya pang mabutas ang upuan bago niya maramdam na may nangyayari na pala sa paligid niya!"
"*kick...*"
"*sabay urong ng upuan si Adrian...* Pagkaurong, lumingon na rin siya sa wakas kay Cheska at tinitigan ng masama.
"Pinansin niya na rin ako! Ayos lang kahit parang itak yung tingin niya... Pamatay naman e."
Hindi makapa ni Cheska ang ugali ni Adrian. Kung masungit ba, mayabang, tahimik, mabait, makulit and whatsoever na katangian ng isang lalaking gwapo.
"*kick* kick* kick*"...
Lumingon ulit si Adrian. Tapos sabay sabing, "Isa pa ha."...
Mas mataray pa siya sa akin ha! Ako nga hindi ako nakakapagtaray kasi hindi ako marunong nun. I'm a jolly person pero hindi ko kamukha si Jollibee. Ay ang korni naman nun.
Sinubukan ko ulit sipa-sipain yung upuan ni Adrian kaso tinawag ako ng teacher namin. Magpakilala daw ako sa harap kasi binoto ako ng feeling-close classmate ko as a President.
Pumunta ako sa harap...
"Hi? Ako nga pala si Cheskuh. Ano... Galing ako sa *insert private school name here* pero natagpuan ng mother ko ang special curriculum na ito, and she found it cheap but very worth it naman ang paglipat. 14 years old nga pala ako. Sa July... nevermind. Thank you."
Tapos bumalik ako sa inuupuan ko na nakasibangot.
Sabi sa akin ni Andrea na katabi ko, "Uy! Wag ka na sumibangot! Malay mo may nagkakagusto na sayo dahil sa chubby cheeks mo!"
Tapos kinurot niya yung pisngi ko. Ang laki kasi talaga ng pisngi ko. And ako nga pala yung "isang babae" sa panimula ng kwento ko.
Tatlong beses akong pumunta sa harap at nagpakilala. Binoto nanaman kasi ako bilang Vice president. Tapos nung secretary, tinawag uli ako anak ng tupa. Paiyak na ako nun kaya hindi na ako binoto ulit sa mga sumunod na pwesto kasi hindi ako nanalo.
Pagdating sa muse...
"Cheskuh, come here in front."
Sabi ng adviser ko. Tapos tinawag niya pa yung dalawang maganda kong kaklase. Hindi naman ako aminadong maganda ako pero, sige na nga. Muse ang labanan teh.
Nung unang tatlong beses kasi ako pumunta sa harapan, hindi ako nakatingin sa mga kaklase ko kasi nahihiya ako at transferee ako. At nung nasa pila palang kami sa labas ng room namin, pinagbubulungan na ako. Tapos may mga kumakaway pa sa akin na kaklase ko na parang hindi naman kami magkakasama sama sa iisang classroom kung makakaway. Kala mo pogi pero sige na nga, di naman sila masyadong pogi pero nung sinubukan kong tumingin sa mga kaklase ko habang pinagbobotohan kaming tatlo sa muse position, hindi lang pala si Adrian ang cute sa mga kaklase ko. Meron pang isa, dalawa, dalawa, wait hindi na ba ako marunong mabilang? Ang dami pala nilang cute pero si Adrian talaga una kong napansin.
Asusyuwal, ako ang nanalo sa muse. Felt na felt ko mga darling.
Mga ilang linggo din ang nakalipas, hindi ko parin saulo yung mga pangalan nila. Kahit yung kabilang seksyon kilala na ako, hindi ko parin sila kilala. Si Andrea saka si Adrian palang ang kilala ko. Syempre pati yung adviser ko.
Lunch break na namin, syempre bumili kami ng pagkain namin at yung mga kaklase ko sinasarado na nla yung mga bintana kasi nahihiya silang kumain ng maraming tao. Ano yun? Kapag nasa restaurant sila nakatalukbong ba sila? Dyok. Ang korni ayoko na.
Syempre madaldal na ako pero hindi ko parin sila kilala lahat, kaya nagsaulo ako ng mga pangalan nila. Tuwang tuwa naman sila sa akin kahit mukha akong tanga kakasaulo ng pangalan nila.
...Pumasok si Adrian saka yung isa pang cute guy na kaklase namin.
"Yung kasama ni Adrian, si Vincent. Magkaklase kasi sila since Elementary at magkaklase din sila nung 1st year tayo at nasa ibang school ka pa nun." Sabi sa akin ni Joey.
Tinuturo ko sila isa isa tapos tinuro ko si Adrian tapos... Ayun! Naalala ko na pangalan nung lagi niyang kasama... Si... Ano nga ba yun? Yon.. Si Vincent. Pero tawag nila Keh. Ewan ko pero ang layo sa real name niya.
"Yan si Keh, tapos si Aih." Ginawan ko sila ng palayaw pero tumingin lang sakin si Adrian ng masama. Ang sungit kala mo pogi! Pero pogi nga kaya okay lang.
"Hindi ako si Keh." Sabi ni Adrian.
"Ang sungit mo naman Adrian! Nagkamali lang yung tao e..." Sabi ni Joey sakanya.
Si Joey saka Andrea yung mga unang kaibigan ko. Ay. Meron pa pala. Si Norice. Pero hindi kami masyadong nagpapansinan na since ayaw siyang kasama nila Joey at Andrea kasi... Not good to know na daw ang reason.
BINABASA MO ANG
Pustahan nalang o!
RomanceIto ang isang totoong kwento ng isang babae nung siya ay Hayskul palang. At may isang taong bumuo ng Hayskul "love" life niya, si Adrian. May iba ding mga lalaki na-involve sa buhay hayskul niya, pero si Adrian talaga ang pinakatumatak sa buhay Hays...