What A Life : Confession
Napahagulhol ng iyak si Cleo habang pinapanood na nakikipaglaban si Senace.Maya maya pa ay lumapit kay Cleo ang isang lalaki at tinutukan siya ng baril sa ulo.
"Walker! Wag kang lumaban! Babarilin ko tong babae na to!" sigaw ng lalaki.Huminto sa pakikipaglaban si Senace at tumingin kay Cleo.Napaluhod si Senace ng hampasin siya ng kahoy sa likod.
"Senace!" sigaw ni Cleo. Kung kanina ayaw ni Cleo ang nakikita niya ngayon mas lalong ayaw niya ang nakikita niya hindi na lumalaban si Senace at tinatanggap nito lahat ng suntok pati ang sipa ng mga lalaki.Kakaiyak hindi namalayan ni Cleo na nasa likod na niya sila Williams,Grayson at Do.Si Williams ay nilabanan ang babae at si Grayson naman ang lumaban sa lalaki na kanina ay tinututukan ng baril si Cleo.Napatingin si Cleo kay Do nang maramdaman niyang natanggal na ang tali sa kamay niya.
"Doraemon! Buti nandito na kayo.Tu-Tulungan niyo si Senace! Please tulungan niyo siya" nagmamakaawang sabi ni Cleo kay Do.
"Oo naman Cleo.Ayan na sila oh" napatingin si Cleo sa harapan kung saan may mga nakaitim na lalaki ang nagsipasukan at nakipaglaban sa bumubugbog kay Senace.Nakahinga ng maluwag si Cleo nang makitang wala ng bumubugbog kay Senace.Tumakbo si Cleo papunta kay Senace.Sinundan siya ni Do pero may humarang na kalaban dito.Inangat ni Cleo ang ulo ni Senace at hiniga sa kandungan niya.
"Se-Senace" nag unahang tumulo ang mga luha ni Cleo nang makita ang mukha ni Senace na puro sugat.
"Senace dumilat ka" humihikbing sabi ni Cleo.
"Senace wag mo kong iwan.Si-Sino na lang magsusungit sakin araw-araw." tinitigan ni Cleo si Senace.
"Senace dumilat ka na.Hindi ko kaya na wala ka" nagpunas ng luha si Cleo at niyakap si Senace.
"I'm sorry kasalanan ko lahat ng to" sabi ni Cleo at muling napahagulhol.
"Cleo" mahinang sabi ni Senace at humiwalay sa pagkakayakap ni Cleo.
"It's not your fault" hinawakan ni Senace ang mukha ni Cleo at pinunasan ang mga luha nito.
"Kasalanan ko to.Sorry Sorry" sabi ni Cleo at yumuko.Umupo si Senace at niyakap si Cleo.Hinaplos haplos niya ang buhok ni Cleo.
"Wala kang kasalanan Cleo.Kaaway ko sila nadamay ka lang sa gulo" hinalikan ni Senace sa ulo si Cleo.
"Boss clear na" sabi ng isang lalaki na nasa likod ni Cleo.Humiwalay si Cleo kay Senace.
"Tara na uuwi na tayo" sabi ni Senace at tumayo ngunit agad ito napa 'aray'.Tumayo si Cleo at nilagay ang isang braso ni Senace sa balikat niya.Inalalayan niya maglakad palabas si Senace.Pagkalabas nila sinalubong sila ng tatlo at sumakay sila sa van.Tahimik ang naging biyahe ng lima.Walang kumikibo sakanila o nagsasalita.Pagkarating sa bahay nila Cleo.Inalalayan ng tatlo si Senace at inihiga ito sa kama.
"Ikaw na bahala Cleo kay Ace ha?" bilin ni Do kay Cleo na nakaupo na sa tabi ni Senace.
"Oo ako na bahala sakanya" sabi ni Cleo.Lumabas na ang tatlo at umalis.
Tumayo si Cleo para kumuha ng panlinis kay Senace.Nagpainit ng tubig si Cleo at naglagay sa malaking bowl ng maligamgam na tubig.Dinala niya ito sa kwarto at nilapag sa tabi ni Senace.Kinuha ni Cleo sa banyo ang first aid kit at umupo sa tabi ni Senace.Napabuntong hininga si Cleo habang tinitignan ang mga sugat ni Senace.Tinanggal ni Cleo ang butones ng longsleeve ni Senace at hibubad ito.Napalunok si Cleo ng mapatingin sa katawan ni Senace.Kinuha ni Cleo ang maliit na towel at binasa ng maligamgam na tubig.Dahan dahang pinunasan ni Cleo ang mukha ni Senace pababa sa leeg nito at katawan.Ilang ulit napalunok si Cleo habang pinupunasan niya ang katawan ni Senace.
BINABASA MO ANG
What A Life
ActionEveryone knows her as Cleo Lister. The cheerful and slow girl. But... Is that really her true attitude? Is she really a cheerful and slow girl?