Hinaplos ko ang tattoo na nasa dibdib niya pababa sa nasa bewang niya. Busy ako sa paghaplos ng tattoo niya nang bigla niya hawakan ang kamay ko. Agad ko siyang tinignan. Nakapikit pa rin naman siya.
"Anong ibig sabihin ng tattoo mo? " tanong ko at binalik ang tingin sa tatto niya.
"Lahat ng naging leader ng Walker Mafia may ganitong tattoo. " napatango tango ako at binawi ang kamay ko saka hinaplos uli ang tattoo niya.
Tumagilid siya ng higa at humarap sakin. Nagkatitigan kami ng ilang sandali bago gumalaw ang braso niya. Nahigit ko ang hininga ko nang maramdamang nililis niya ang t shirt ko at hinimas ang bewang ko.
"Etong nasa bewang mo na tattoo anong ibig sabihin nito? " tanong niya at patuloy pa rin ang paghimas sa bewang ko.
"Actually wala. It's my punishment when I was 10." sagot ko sakanya at tinapik ang kamay niya. Bumababa na kasi.
"Punishment? " kumunot ang noo niya.
"Yup for not doing my first mission. " bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"How dare him to make a 10 year old girl do a mission. " mariin niyang sabi habang hinaplos haplos ang buhok ko.
I sigh and hug him.
PAPUNTA ako sa opisina ni Gray ngayon. Pinepeste na naman ako nung lalaki na yun. Napahinto ako bigla nang may makitang dalawang pamilyar na mukha.
"May pa I love you I love you pa to nung nakaraan ah. " inis kong sabi at napahigpit ang hawak sa manubela.
Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa dalawang nasa loob ng restaurant. Tawa ng tawa ang babae.
"Mamatay ka sana kakatawa. " sabi ko at natauhan ako bigla ng makarinig ng mga busina. Napatingin ako sa side mirror ng kotse.
Hindi ko pala nagilid ang sasakyan ko.
Nagpark ako sa parking lot ng restaurant kung nasaan sila Senri at Hyana. Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Gray. Pinapunta ko siya dito sa restaurant.
Pumasok ako sa loob ng restaurant at umupo sa katabing table nila Senri.
Ano kayang meron sa dalawang to?
Pasimple akong sumulyap sa dalawa. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila. Tawa lang ng bruha ang naririnig ko.
Ano kayang tinatawa tawa nitong babae na to? Eh kung lagutan ko kaya to ng hininga.
Bago pa kung ano maisip ko ay dumating na si Gray. Nakangiti ito ng malapad at umupo sa tapat ko.
"Date na ba to? " nakangiti niyang sabi.
"Gusto mo na ba mamatay? " tanong ko at inirapan siya.
"Joke lang naman. " ninenerbyos niyang sabi at pasimpleng kumuha ng tissue sa lamesa saka pinunasan ang konting pawis sa noo niya.
"Umorder ka na. " utos ko sakanya at agad naman siyang tumawag ng waiter.
"Dalawang order ng pork chop. " kumunot ang noo ko sa order niya.
"Sir we don't have pork chop. " sabi ng waiter at nalukot ang mukha ni Gray.
"Adobo? " tanong ni Gray at napabuga ako ng hangin.
"Wala rin po. " sagot ng waiter. Lalong nagsalubong ang kilay ni Gray.
"Sinigang? " tanong ni Gray at umiling ang waiter. Napahilot ako sa sentido ko.
"Fried chicken? Siomai? Kahit burger na lang. " sabi ni Gray at ngumiti ang waiter saka umiling.
"Bakit wala? Ano bang meron kayo?" inis na tanong ni Gray at napahilot sa sentido.
BINABASA MO ANG
What A Life
ActionEveryone knows her as Cleo Lister. The cheerful and slow girl. But... Is that really her true attitude? Is she really a cheerful and slow girl?