Prologue.

282 7 0
                                    

Lahat naman tayo gusto makahanap o makapili ng tamang tao para sa atin. Diba? Yung taong handa tayong ipaglaban, yung taong magaalaga, yung taong handang magtiis ng lahat ng problema basta kasama ka lang niya at higit sa lahat yung nagi-isang tao na handang mahalin ka hanggang sa kabilang buhay. :">  

Better huwag kang mag-expect ng sobra at matuto kang maghintay ng tamang oras para sayo. Huwag kang magmamadali kung ayaw mong mapasama ang storya ng lovelife mo at kung ayaw mong masaktan at mahulog sa mga hindi tamang tao para sayo. Ilaan mo lang sa diyos ang love story mo dahil hindi ka niya hahayaang masaktan bagkus ibibigay niya sayo ang pinakamasayang love story. 

LESSON: Matuto kang maghintay. Huwag masiyadong mag-expect at huwag kang masiyadong maging excited sa mga bagay bagay.

--

Eto ang kwento ko, isang simpleng babae na walang inisip kundi puro kaybigan at puro paga-aral lang. May pagka-maldita, mataray at siyempre friendly siya na siguro naging dahilan na rin na  maraming nagka-kagusto sa kanya. Hindi naman siya choosy sa kaibigan, marunong siyang makisama kaya ang dami niyang nagiging kaybigan. Pero hindi niya alam kung lahat ba ng mga kaybigan niya na iyon ay totoo sa kanya. Pero wala siyang magagawa kundi makisama na lang totoo man sila o hindi. 

@STEPH'S PLACE.

HER MOM: Anak, tandaan mo yung mga bilin namin sayo ng papa mo ha! Aral lang muna, wala munang boyfriend boyfriend anak ha?

STEPH: Opo, Ma! Pangako ko naman po iyon sa inyo ni Papa diba? Maga-aral po akong mabuti, Promise. Para sa inyo po lahat ng ito. I love you, Mama and Papa. Sige na po, mala-late na ako.

HER MOM:  Salamat anak! Paghusayan mo. Mas mahal ka namin ng papa mo ako. Osige, magi-ingat ka ha!

STEPH: Yes, Ma! Bye! *kissed her mom and dad*

(Patakbong umalis ng bahay nila si steph at nagmamadaling sumakay papunta sa kanyang eskwelahan. After 10minutes, nakarating na siya. Hindi naman gaanong malayo ang kanyang paaralan. Pagkapasok sa room nila, nakita niya na halos kakaunti na lang yung mga kaklase niya noon at puro iba na. Pero marami pa rin siyang friends kaya medyo nabawasan na din yung hiya niya at sinubukang magka-confidence sa sarili. Maraming kumausap at nag-hi sakanya...)

--

SANA PO MAGUSTUHAN NIYO ITONG KWENTO KO. ENJOY READING! ^_______^ 

SANA ABANGAN NIYO YUNG NEXT EPISODE. SALAMAT! ;) :X :* 

An Unexpected Love. :"> ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon