(nakarating na din si steph sa kanila..)
HER MOM: Anak! Nakauwi ka na. How was your day?
STEPH: It is fine, Ma! Pahinga na po muna ako, gawa na din ng mga homeworks mamaya.
HER MOM: Sige anak! Kaen ka na lang dyan.
STEPH: Thank you, Ma!
(diretso paakyat si steph sa kwarto niya at nagbihis.. kinuha niya ang cellphone niya. 5text message agad narecieve niya. 2texts galing kay bryan, isang text kay trisha, isa din kay steven at isa galing kay james.. binasa niya ito..)
"Steph, sorry kanina ha! Ang pilit ko kasi masyado eh. Sana wag ka na magalit sa akin. Alam mo naman na ikaw lang iniisip ko. Ayaw ko mapahamak ka kase bestfriend kita. Ikaw lang bestfriend kong babae na ganto. Ikaw lang gusto ko maging kaibigan kaya ayoko mawala ka. Sorry talaga. Hayaan mo next time hndi na ako magpipilit. Pero thanks sa pagpiling ako makasama mo sa 1st day ng school kahet na nakasama mo din si Steven. Salamat! Bukas ulit!" -text ni Bryan. double send pa.
"Steph, thank you kanina kase kinausap mo na ako. Sana ganun na lang ulit, hindi yung kapag wala ka lang kasama o nabo-bored ka na. Thank you ulet, sa uulitin." -text ni Steven.
"Bes! Punta ako jan sainyo! Boring dito eh. Iniwan nila ako. Wala sila mama. Pwede ba?" -text ni Trisha.
"Magandang Hapon!" -text ni James.
(hindi alam ni steph kung GM lang ba o sadyang tinext siya ni James. si james ang una niyang nireplyan sa lahat..)
"Magandang Hapon din!" -text niya kay James.
"Sige bes! Pahinga sana ako eh. Pero sige.. antayin kita." -reply niya kay trisha.
"Salamat dn steve kasi hndi mo ko hinayaang magisa kanina. Opo basta lapit ka lang." -text niya naman kay steven.
at sa kanyang bestfriend na si bryan, "Ok lang, bry! Hindi naman talaga ako galit eh. Nainis lang ako. Ayoko lang din na magalit ka at magalit sila mama kaya ganun yung naging ugali ko. Sorry kung nagtaray nanaman ako. Hndi na mauulit yun. Salamat kanina sa paglibre, pagdala ng bag at pagsama sa akin sa whole day. Thank you ng marame."
(maya maya dumating na si Trisha.. pinatuloy siya ng mama ni steph at pinaakyat sa kwarto. andun si steph nakahiga at parang tulog na..)
TRISHA: Bes! Uyyy! Andito na ako.
STEPH: Ayy! Sorry bes. Nakatulog ako.
TRISHA: Oks lang! Ano na?
STEPH: Wala! Pahinga muna! Nakakastress eh!
TRISHA: Oo nga eh. Grabe mga nangyayari. Haha. Musta 1st day?
STEPH: Oks naman. Ito naman, parang hindi ikaw kasama ko ah. Ok lang naman.
TRISHA: Kayo kaya ni Bryan palaging magkasama. At si Steven? Ano yun? Tapos na kayo diba?
STEPH: Oo nga, kayo kayo pa din. Hala! Wala nang malisya yun sakin. Basta friends na lang kame! Ewan ko na lang sa kanya. Tama na nga yun! Wala nang kami nun. Tagal na din yun.
TRISHA: Mabuti naman kung ganun. Wala daw muna boyfriend sabe ni Tita ha! Pero ang daming nakapaligid na boys. Ano yan ha?
STEPH: Hala. Dami ba yun? Si Steven at Bryan lang naman. Mga friends ko na lang sila noh!
TRISHA: Pero may SOMETHING sila sayo.
STEPH: Ano yun? Wala ha!
TRISHA: Wala daw, sus!
BINABASA MO ANG
An Unexpected Love. :"> ♥
Novela JuvenilMeet Steph. Simpleng babae na may pagkamataray at suplada pero maraming nagkakagusto. Tatlong lalaking makikilala niya at papangarapin na makamit ang matamis na "oo" ni Steph. Pagsisihan niya kaya yung naging desisyon niya o maging masaya siya dito?