Chapter 3: [2nd Day Of School]

50 1 0
                                    

(at 4:00 ng umaga tumunog na yung alarm clock ni steph.. agad na siyang bumaba. nagluluto na sila para sa kakainin ni steph. Mahal talaga nila si steph.. naligo, nagbihis, kumaen at pagsapit ng 6:00 ng umaga pumasok na ng eskwelahan si Steph. Habang nasa jeep, nakasabay niya si Steven.. tinawag ito ni  steven..)

STEVEN: Hi, Steph!

STEPH: Oh, hello!

STEVEN: Ganitong oras ka pala pumapasok?

STEPH: Oo eh. Ikaw din pala?

STEVEN: Yup. Gusto mo sabay tayo palagi?

STEPH: Ikaw bahala! Pero kasi minsan hinahatid ako ni papa sa school kapag pumapasok siya ng work niya.

STEVEN: Ah, ganun? Text na lang kita. Text mo na lang din ako!

STEPH: Sige sige.

STEVEN: Thanks!

STEPH: No Problem.

STEVEN: Lapit na pala sa school. Tara na!

(bumaba na sila ng jeep. inalalayan siya pababa ng jeep ni steven.. nakita sila ni bryan.. obviously, nagselos si bryan sa dalawa.. inis at galit naramdaman niya nung araw na iyon.. badtrip na badtrip at parang di na siya makausap at maintindihan. hinatid ni steven si steph sa may classroom niya at pagkapasok doon ni steph ay dumiretso na ito sa kanyang room.)

STEVEN'S POV: Ang baet pa rin at siyempre ang ganda pa din ni Stephanie. Super simple pero maganda talaga. Sipag magaral. Mabaet, ang honest niya, ang galang, lovable, friendly may pagkasuplada at maldita minsan pero kapag badmood lang siya nun. Mahal ko pa din siya. Hindi mawala yun. May chance pa kaya ulet kami? Sana meron pa! Ang enggot ko kase eh pinakawalan ko pa noon pero tama lang siguro yun. Naintindihan ko naman yung side niya. Kung saan siya masaya doon na din ako. Mahal ko naman siya. Sana mapuntahan ko siya mamayang uwian..

Sa classroom nila Steph:

STEPH: Hi, bes! Asan si Bryan?

TRISHA: Ewan ko! Bakit mo naman siya hinahanap aber? 

STEPH: Wala! Masama bang hanapin ang bestfriend mo?

TRISHA: Pero himala!

(Biglang dumaan si James at binati si Steph.. natigil ang usapan ng dalawa..)

JAMES: Hi, GoodMorning Steph!

STEPH: GoodMorning dn, Hello. Ayy, James!

JAMES: Oh, bakit?

STEPH: Nakita mo ba si Bryan?

JAMES: Oo. Andito siya kanina eh. Ewan ko na kung nasaan siya ngayon. Iniintay ka kaya nun kanina pa. Bakit? 

STEPH: Hindi ko pa kase siya nakikita eh.

JAMES: Bakit miss mo na ba? Ayiiiie. (pangaasar ni James..)

STEPH: Hindi ah. Nagaalala lang kasi ako sa kanya.. Magstart na klase wala pa din.. (pagdeny at pagaalala na sabi ni steph..) 

JAMES: Ayy! Worried ka nga!

STEPH: Syempre, bestfriend ko yun. Ikaw kaya hindi ka magaalala sa kaibigan mo?

JAMES: Magaalala syempre.

STEPH: Yun naman pala eh.

JAMES: Lika samahan kita, hanapin natin. 

STEPH: Sige, tara!

(Nagpaalam si steph kay trisha na sasama siya kay james para hanapin si bryan.. hindi sya makita kanina pa, magstart na din yung klase.. pumayag naman si Trisha..)

TRISHA: Sige bes! Ingat kayo ha tsaka wag na kayo palate.

STEPH: Oo, bes! James, tara na! 

JAMES: Sige! Saan naman pupunta yun. Kanina ang ganda pa nga ng mood niya excited na makita ka eh tapos biglang ayan na..

STEPH: Excited makita ako? Bakit?

JAMES: Ewan ko dun! Loko yun eh..

STEPH: Ganun! San kaya siya pwedeng pumunta dito sa school.. (nagiisip si stephh..)

 JAMES: Oo nga eh. Ano ba mahilig gawin nun?

STEPH: Ayy, tama! Magbasketball. Tingnan natin sa basketball court.. (nalakasan ng loob at parang excited si steph na makita si bryan..) 

JAMES: Ang baet mo talaga steph. Kaya ang daming naiinlove sayo eh.

STEPH: Naiinlove? Wala naman akong alam eh?

JAMES: Akala mo lang yun.. Basta malalaman mo din sa huli.

STEPH: Ganun? Kilala mo? (nacurious si stephh..)

JAMES: Ewan ko eh.. Basta! (sabay ngiti kay Steph..)

STEPH: Hala, ano nga?

JAMES: Basta! Tara na! Baka mamaya ano na nangyari kay bryan..

STEPH: Ayy, oo nga pala. Tara! 

(tumakbo papuntang basketball court si steph at parang sobrang excited na makita si bryan.. nagmadali na din si james ng biglang natapilok si steph sa may bato sa gilid na malapit sa basketball court.. nataranta si james.. nakita niya si bryan doon sa basketball court na naglalaro magisa.. tinakbo niya ito at sinabi na napahamak si steph. dali dali si bryan at binuhat si steph at dinala sa clinic pero dinala din siya sa ospital.. tumama yung ulo ni steph.. maraming dugo, tarantang taranta na yung dalawa. tinawagan ni james ang mama at papa ni steph.)

JAMES: Hello! Mama po ba ito ni Steph?

STEPH'S MOM: Oo, iho. Bakit? May nangyari ba?

JAMES: Huwag po kayo mabibigla! Naaksidente po si steph kanina lang sa school. Natapilok po siya sa may bato habang tumatakbo siya hindi niya namalayan.

STEPH'S MOM: Ano na nangyari sa anak ko? Asan siya? 

JAMES: Nasa ospital na po siya. Punta na lang po kayo doon. 

STEPH'S MOM : Sige, Salamat iho! Teka saang ospital?

JAMES: Sa St. Lukes po, Tita! 

STEPH'S MOM : Oo sige iho! Salamat ng marami.

(natataranta ang lahat.. lalong lalo na si bryan..) 

--

ANO NA KAYANG NANGYARI KAY STEPHANIE LEE? SANA PO NAGUGUSTUHAN NIYO PA DIN ANG TUNE NG STORY. ABANGAN NIYO PO ANG NEXT CHAPTER. MALIGTAS KAYA SIYA O MATULUYAN NA. KEEP ON READING. THANK YOU ;) :*

An Unexpected Love. :"> ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon