Chapter 5: [Steph's Birthday]

75 3 0
                                    

(iniuwi na si steph sa bahay nila.. pilit pa rin nilang pinapaalala kay steph ang lahat.. hindi pa rin siya makapasok dahil nga sa nangyari. hindi nawala ang mga kaibigan niya sa tabi niya.. unti unti na ding bumabalik ang mga alala ng nakaraan sa kanya..)

(AFTER 5MONTHS)

March 3, 2012: 3 days more, birthday na ni Steph. 14th, birthday niya. (siyempre, hindi nawala ang mga matatalik niyang kaibigan.. mahal na mahal yata siya ng mga ito. yung mga classmate niya at other close friends. Sa dami ba naman ng kaibigan niya? hindi magiging maganda ang birthday niya, siyempre bongga! akala mo, eighteen birthday na.. pinapasaya siya ng mga magulang niya para makalimutan ang mga bad memories na nangyari sa kanya..)

2 more days, 1 more day, IT'S STEPH'S BIRTHDAY. 

(invited lahat walang hindi pumunta. andami kasing nagmamahal sa kanya kaya ganun pero siyempre, hindi mawawala dun sila bryan, james, steven, michael, trisha at iba pang other friends niya na super malapit sa kanya.. nang araw na ring iyon, may narinig si steph galing sa audio.. boses ni bryan..)

"Stephanie Lee, nagiisang bestfriend ko! BEST, sorry kung naging torpe ako. hindi ko kase alam kung paano ko masasabi na mahal kita pero hindi bilang kaibigan mas higit pa dun yun. Alam mo, mas pinili kong ganito kasi alam ko dito tayo tatagal. Iniisip ko rin na baka kapag umamin ako sayo, malayo na yung loob mo sa akin o hindi kaya, iwasan mo na ako. Masasaktan ako nun. Hindi ko pa naman kaya na wala ka. Nasanay na ako na ikaw palagi kong kasama na ikaw lang. Sorry din sa inasta ko kanina, kung hindi ako naging ganun hindi sana nangyari sayo yan. Nakita ko kasi kayo ni Steve na magkasabay bumaba ng jeep. Di ko naiwasan yung selos at galit yata pinili kong magisa. Hindi ko alam na hahanapin mo pala ako at eto pa ang mangyayari. Selos ko kasi eh. Katorpehan din. Nagaway pa kami ni James dahil sayo. Ewan ko ba sayong babae ka, ang daming nagmamahal sayo. Hindi ko alam kung ano na ba? Kung may chance ba ako sayo? Ewan ko! Mahal na mahal na mahal kita, Stephanie. Sana nararamdaman mo yun. Hindi ko man kayang sabihin pero siguro naman napapakita ko. Ganito talaga ako eh. Isang dakilang TORPE. Pagpasensiyahan mo na ako! Basta sana maalala mo na ako/kaming mga tao sa paligid mo. Tutulungan kita!"  

(nagulat si steph at maging si bryan..)

*FLASHBACK*  (naalala ni bryan yung sinabi niya kay steph habang natutulog.)

BRYAN'S POV: San galing to? Ang alam ko, si steve lang ang nagiisa na andoon sa kwarto sa ospital noong araw na sinabi ko yon. siguro nirecord niya ito at siya ngaun ang may pakana ng lahat ng to. Pero pa-thank you ko na din sa kanya para maamin ko na lahat lahat.

(lumapit si Steph kay Bryan. at nagtanong tungkol dito.)

STEPH: Bry, ano yung narinig nating lahat? Ikaw ba yon? Mmm-mahal mo ako? 

BRYAN: Ay, hindi! Baka si Tita, yung mama mo! (pangbabasag ni bryan..)

STEPH: Bry naman eh. Serious kasi! Totoo lahat yun? San ba galing yun?

BRYAN: Oo, steph. Totoong totoo yun. Yun na yun ang sinabi ko nung nasa ospital  at natutulog ka.  Siguro kay Steven kasi siya lang yung nadoon nung time na yun, baka nirecord niya at ayan plinay ngayon. Ano steph? May chance ba ha? 

STEPH: Ayyynakooo bry! Birthday ko oh? Gaganyanin mo ako? Papahirapan mo ako? Ganun? Di pwedeng pasahayahin mo naman ako ngayong araw? No worries please?

BRYAN: Osige na nga! Mahal naman kita eh. Ayokong mahirapan ka. I love you, Ms. Stephanie Lee.

STEPH: Mahal din kita, BILANG BESTFRIEND ko. :)

An Unexpected Love. :"> ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon