Chapter 4: [At the Hospital]

73 2 0
                                    

(sa hospital, sinisisi ni bryan si james sa nangyari kay steph.. galit na galit si bryan..)

JAMES: Kasalanan ko ito eh, kung hindi ko sana siya hinayaang tumakbo ng ganun ganun at kung tiningnan ko lang ng mabuti ang dinadaanan niya hindi sana siya naaksidente.

BRYAN: Kasalanan mo nga! Ang tanga tanga mo kasi! Hindi ka marunong magalaga!

JAMES: Dre, hindi mo kase alam kung anong nangyayari. Kung tutuusin ikaw nga yung dahilan kung bakit siya nagkaganito ngayon. Hinahanap ka niya, nagpasama siya sa akin para hanapin ka. Sa sobrang excited niya na makita ka tumakbo siya at yan nga. Pinagalala mo siya dre.

BRYAN: Ako pa ngayon ha? Wag ka ngang maka-dre jan!

JAMES: Yun naman talaga yung dahilan! Sana lang hindi ka na nagpahanap! Ano bang ginagawa mo doon sa basketball court ha? Ano bang ikinagaganyan mo?

BRYAN: Osige, andito na naman tayo! Aaminin ko na! May gusto ako at mahal ko na si Steph matagal na bago pa kami maging magbestfriend. Wala lang akong sapat na lakas ng loob para sabihin sa kanya kasi alam ko masasaktan lang ako at baka masira pa pagkakaibigan namin. Pinili ko ito kasi dito kami tatagal at dito din kami sasaya at mas magiging maayos. Nakita ko sila ni Steven kaninang umaga magkasama kaya nagselos ako at piniling magisa para wala akong mapagbuntungan ng galit ko. Alam mo naman ako basketball lang puntahan ko. Si Trisha lang yung nagiisang may alam na gusto ko si Steph. Ngayon? Naiintindihan mo na ba? HA?

(napatahimik si james sa nalaman niya.. hindi niya na alam yung gagawin niya.. inisip niya ano naman meron kela steven at steph? naguluhan na din siya sa nalaman niya..)

JAMES'S POV: Hala! Si Bryan? Si Steven? Mga tropa ko yun. Ano ba naman yan! Ako kase may kasalanan nito eh. Diba sinabi ko na kay Steph na  maraming nagkakagusto sa kanya. Pero bakit ganito gulat na gulat ako. Siguro dahil na rin mga tropa ko yung nagkagusto sa kanya kaya ganito ako ngayon. Ewan ko rin kung bakit ako ganito. May gusto ba ako sa kanya o wala? Hindi ko alam.. Isa lang gusto ko mangyari, sana maligtas si Steph..) 

(dumating ang mama at papa ni steph.. maiyak iyak na ito sa nangyari sa anak) 

STEPH'S DAD: Anong nangyari sa anak namin, iho? Asan si Trisha?

BRYAN: Natapilok daw po si Steph sa bato. Tumatakbo daw po kasi siya kasama ni James.

STEPH'S DAD: Ano namang ginagawa nila? Bakit sila magkasama?

BRYAN: Hindi ko po alam, pupuntahan daw po nila ako. May bibigay daw po sa akin nagpasama daw po siya kay James.

STEPH'S DAD: Ganoon ba? Salamat sa pagdala sa kanya dito ng maaga. Sana ay maging maayos siya.

BRYAN: Oo nga po eh. Sana nga po.

STEPH'S DAD: Asan na ba ang anak ko?

BRYAN: Andoon po sa loob si Steph.

STEPH'S DAD: Oo sige, salamat iho!

BRYAN: Walang anuman po! Kabutihan lang din po ni Steph, iniisip ko.

STEPH'S DAD: Ano ka ba niya ha?

BRYAN: Bestfriend niya lang po ako.

STEPH'S DAD: Ah, kaya pala. Salamat sa pagaalaga sa anak ko.

An Unexpected Love. :"> ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon