Hello! Haha, grabe yung author nyo ubod ng tamad. ilang buwan pa bago mag update XD Sorry ^^V Pramis magbabawi ako :)) malapit na kasi bakasyon eh. <3
So enjoy po! :)
Eto na yung UD. Comnment nlng kayo or post nalang kayo sa message board ko kung gusto nyong magpadedicate :D
_________________________________________________________________________________________________
[Hana's POV]
"Ayan kunin mo yan, pati ayon" Pagtuturo ko sa iba't ibang colored papers, cartolina at iba pang paper crafts.
Sumunod naman si Gelo sa pinag-uutos ko pagkatapos ay binili narin namin yung iba pang kulang.
"Gelo oh, heto yung pambayad. Hintayin mo lang ako dito ah, may bibilhin lang ako sandali." Pagpapaalam ko sakanya.
"Saan ka bibili pres? malapit lang ba dito? Nako, baka iwanan mo ko dito pres ah! Hindi ako marunong umuwi mag-isa.." natawa naman ako sa sinabi ni Gelo. Nasa SM kasi kami atsaka si Gelo kasi ang kasama ko ngayon sa pagbili ng mga kakailanganin naming supplies para sa gagamitin sa Meeting de avance, atsaka sya yung naatasan na samahan ako dahil sya yung secretary kaya nasa kanya yung listahan ng mga bibilhin.
"Hahaha, wag ka mag-alala. Dito lang ako sa loob ng bookstore, hindi kita tatakasan no." Nakita ko namang napanatag sya at sinenyasan nya ako na bilhin ko na yung dapat kong bilhin.
Hindi naman talaga ganoon kaimportante yung bibilhin ko, actually nakakita lang ako ng cute na keychain habang namimili kami ng mga gamit na gagamitin.
Pumunta ako doon sa may section ng mga Handycrafts kasi doon ko nakita yung keychain. Hugis Doughnut kasi sya <3 Hart hart. Hahahahaha!
kukunin ko na sana yung keychain kaso pagkakuha ko nito ay bigla itong nalaglag, pupulutin ko na sana ito ng may pumulot nito para saakin.
"Hyun.." yan lang ang tanging nasabi ko dahil hindi ko alam na nandito rin pala sya. para hindi mahalata na nagulat ako ay nginitian ko nalang sya.
"Eto oh." inabot nya sakin yung nahulog na keychain. "Mahilig ka pala sa doughnut, Hahaha!" medyo nagtaka naman ako kung bakit nya ako tinawanan.
"Anong nakakatawa dun?"
"Hahaha, wala lang. mukha ka kasing doughnut.. ang laki kasi ng mukha mo! Hahaha" nagpunas pa sya ng mata nya dahil nangingilid na yung luha nya sa kakatawa nya.
"Tss, ang payat payat ko nga eh! Hmmp."
aalis na sana ako ng hawakan nya yung braso ko. "Uy joke lang, Hahahahaha. Ay kumain ka na ba? Tara libre kita" pagkasabi nya non ay with matching pakindat kindat pa.
"Tss, tumigil ka nga. di bagay sayo, atsaka ummm ano eh, may kasama ako eh. Babay!" binelatan ko sya, sabay umalis rin ako agad dahil nakalimutan kong may kasama pala kong BABY, este si Gelo. baka isipin talaga nun na iniwan ko talaga sya.

BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Cassanova
RomansaThis is an ONGOING series. Copyright © 2013 by Raskreia. All Rights Reserved. No to plagiarism. Meet Hana Eidelweiss L. Velasco na ayaw na ayaw talaga sa mga boys especially sa mga CASSANOVA BOYS dahil sakanyang 'experience'. But what if one day na...