"SANA"

252 4 0
                                    

Nang ikaw ay dumating sa aking buhay
Di ko mapigilan ang saya
Saya , Saya na sana maging akin ka
Saya , Saya na sana ako maging dahilan ng bawat pag ngiti mo
Nakalipas ang ilang araw , linggo at mga buwan.

At natupad ang aking mga "SANA"
Ngayon ang aking mga "SANA" ay panghahawakan ng matagalan ng ikaw ay kasama
SANA sa iyong mga SANA ay kasama rin ako.

SANA sabay nating ipagtibay ang relasyon na ito
SANA kasama ka sa aking pag tanda
SANA kasama ako sa mga PANGARAP MO.

Nakalipas ang Isang Buwan
Tayo ay MASAYA
MASAYA sa piling ng isa't - isa
MASAYA dahil akin ka na.

Pero sa pag dating ng Ikalawang Buwan
Hindi parin mapilit itago ang aking mga SANA na SANA Start lang Walang End.

At sa ikatlong buwan na tayo ay magkasama unti - unting nawawala ang Saya , Saya sa ating dalawa.

Naging masaya ka nga ba talaga?
Oh , Ako lang ang nag pilit na maging masaya ka
Hindi parin maubos ubos ang aking mga SANA.

Nakalipas ang ilang linggo , at mga araw
Ang DATING TAYO ay nauwi sa IKAW at AKO
Oo TAMA ang "DATING TAYO" ay ngayon IKAW at AKO na lang
Nakalipas ang ilang araw ikaw ay may bago agad? Agad mo kong pinag palit.

Ngayon sa'yo ko itatanong ang mga salitang binitawan ni Liza Soberano kay Enrique Gil sa "THE EX AND WHY'S" *Panget ba ko? Kapalit palit ba ko? Then Why!?*

Alam ko namang hindi mo papansinin at dededmahin lang yan eh dahil nga sa may bago ka na.
Pero teka BAGO? Siya na ba yung BAGO mo? Siya na ba talaga?

Mukhang sayo ay malinaw na ang lahat ngunit ETO AKO! nag mumukhang tanga nanatiling Umaasa , Umaasa na SANA kahit sa huling saglit SANA mahalin mo kong muli.

At sa pangalawang pagkakataon na "SANA" ipagtitibay ko na ang ating relasyon Pasensya ka na noong una nadala lang ako SANA maintindihan mo ko.

Mahal , Babe , Baby halo - halong tawagan natin noon ngunit WALA NA NGAYON.

Mag isa na lang akong nakakapit sa binitawan nating dalawang salita at pangarap para sa isa't isa
Naniniwala ako sayo na kahit may iba ka na SANA may puwang parin ako jan sa puso mo.

Yung mga pangako natin sa isa't isa sana man lang kahit minuto , segundo maalala mo na may binitawan at ipinangako kang salita ngunit "Sino na nga lang ba ako ngayon para sa iyo?" Baka nga PANGALAN ko na lang ang tanda mo at Limot mo na ang ating Pinag samahan at Ala - ala ng mag kasama.

Nasan ka na? Noon ay abot kamay lang kita pero bakit ngayon , Hindi na kita makita? Bumalik ka na , Dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang umaga na wala ka sa aking tabi. Na kikilos akong hindi ka kasama. Ayokong matulog mag isa at matapos ang gabi na hindi ka kasama.

Nasan ka na? Hindi lang ikaw kundi ang mga Pangako at Sumpaan natin noon , Nasan na ba?

At sa huling pagkakataon nais kong  malaman mo na "MAHAL KITA , MAHAL NA MAHAL PARIN KITA KAHIT ALAM KONG MAY MAHAL KA NG IBA"
Kakapit parin ako sa salitang "TAYO" kahit pa may "KAYO NA"
Kakapit parin ako kasi Baka "PWEDE PA".

Baka "PWEDE PA" na maibalik yung dati.

Mahal? Mahal na mahal kita kahit may mahal ka ng iba , Nandito lang ako handang mag hintay sa Muling Pagbabalik mo.

Hindi ko makakalimutan LAHAT , Mananatili sa Puso at Isip ko MAHAL. ☺

-mariannesabillosabado

Kathang likha ng IsipWhere stories live. Discover now