Gusto kita salitang gusto kong bitawan kapag kaharap kita
Ngunit ako'y natatakot dahil isa lang naman akong hamak na kaibigan sayo.Alam kong mayroon kang ibang nagugustuhan
Alam kong malabo kang mag kagusto sakin
Alam kong hanggang kaibigan lang ang tingin mo sakin.Pero kahit ganun pa man hayaan mo akong gustuhin ka
Kahit alam kong meron ka ng iba.Meron ng siya na nag papasaya sayo
Siya na bumubuo ng araw mo
Siya na nag papangiti sayo.Sino lang ba kasi ako?
Isa lang naman akong hamak na kaibigan
Kaibigan mo na handang makinig palagi sayo
Handang pasayahin ka sa tuwing wala siya sa tabi mo.Kahit pa alam kong meron ka ng siya
Nag mumuka pa rin akong tanga.Hindi ka na iba sa akin
Special ka sa akin.Huwag ka mag alala di mo naman kailangang mag kagusto pabalik sa akin
Hayaan mo lang na pasayahin kita habang wala siya.Gusto kita!
Gusto kita kahit meron ka ng siya
Gusto kita kahit may nag papasaya na sayo
Gusto kita kahit alam kong malabong gustuhin mo rin ako pabalik.Nag ka gusto lang rin ako tao lang rin ako.
Pasensya na pinilit parin kitang gustuhin kahit alam kong kaibigan mo lang ako.
-mariannesabillosabado