" PAGPILI "

277 2 0
                                    

Pagpili?
Yan ang palaging gumugulo sa isip ko
Kung Ikaw ba o Siya?
Kung sino ba sa inyong dalawa?

Pero kahit pumili ako sa inyong dalawa
Sana parehas nyong maintindihan na kailangan
Isa lang talaga!

Parang sa ibang bagay na gusto natin
Gusto natin dalawa ,
Gusto natin lahat
Pero bawal kasi dapat isa lang palagi!

Sa pagitan ng Ikaw o Siya
Ako ay naguguluhan.

Gusto kita , Pero Mahal ko siya
Di ko alam bakit ang gulo
Gulong gulo na ako.

Walang kahit sinong makakaintindi sa nararamdaman ko
Dahil ang tao ngayon ,
Ang alam lang nila ay ang mang husga

Ang hanapin ang mga mali o panget na iyong nagawa
Maging mabuti ka man sa kanila
Pag lipas ng araw limot na nila
Pero ang mali , Hindi hindi ganon kadali!

Ang pagpili ay lagi nating ginagamit sa araw - araw
Pero itong sitwasyon na'to
Bat ang hirap mamili?

Sa pag gising mo
Kailangan mamili ,
Kung kailangan pa bang tumayo o ,
Bumalik na lang sa kina hihigaan mo?

Kung kailangan bang pumorma o
Kahit hindi na.
Kung pipili ba talaga? o
Bahala na!

Ang Gulo , Ang Gulo Gulo!
Bakit ganito?
Kailangan pa ba talagang mamili?

Oo, Kailangan kase ,
Kailangan isa lang palagi
Dapat palaging isa lang.

Kahit may masasaktan ,
Kailangan talaga isa lang
Ang Hirap , Ang Gulo!

Pwede bang sumuko na lang ,
Pwede bang itigil lahat ng ito
Pwede bang tama na!
Pero hindi , Hindi pwede lahat ng nais kong gustuhin.

Bakit ganon?
Ang unfair ng mundo
Kailangan palaging mamili
Kailangan ba talaga yun?

Sa pagitan ng Ikaw o Siya
May pag kukumparang nagaganap
Pero ayaw kong ang pag kukumpara na iyon
Ang maging basehan sa aking pag pili.

Pasensya na sa inyong dalawa
Pero sa pag pili na aking gagawin
Ay kailangan , Isa lang talaga!
Kung Ikaw ba o Siya?

Ikaw!
Ikaw na parating nanjan para sa akin
Ikaw na hinding hindi ko kayang mawala sa aking paningin
Ikaw na gusto ko!

At Siya?

Siya!
Siya na parati ring nanjan para sa akin
Siya na kapag mag kasama kami feeling ko safe ako
Siya na mahal ko!

Bakit ganito ang mundo?
Bakit binibigyan ka pa rin ng pag pipilian
Kahit may nauna ka ng gustuhin
Bakit ang gulo , ang gulo ng mundo?

Ayaw kong makasakit ng feelings
Pero kailangan may piliin
Kase kailangan Isa lang!

Sa pagiging tanga ko sa aking nakaraan
Ayaw kong maulit pa itong muli
Kaya pakiusap tulungan mo ako
Ibigay mo sa akin ang taong dapat sa akin.

Ang taong aking pipiliin
Ang taong handa akong tanggapin
Ang taong di ako bibilugin sa matatamis na salita
Ang taong susuklian ang pag mamahal ko.

Kasi ganun naman talaga dapat diba
Sa pag mamahal dapat may tiwala kayo sa isa't isa
Kaya Ikaw ,
Ikaw ang pipiliin ko!

-mariannesabillosabado

Kathang likha ng IsipWhere stories live. Discover now