Andito ako sa bintana ng kwarto ko at heto na naman nakatingin sa buwan at tahimik na pinagmamasdan ito. Sa bawat segundong lumilipas na nakamasid ako dito mas nararamdaman ko lang yung sakit na idinulot niya sa akin.
'Kailan ba titigil 'tong sakit?'
Nanlabo ang buwan, hudyat na nagbabadya na namang lumabas ang mga luhang pilit kong pinipigilan. Mga ala-ala ng nakaraan na pilit kinakalimutan pero tila'y nanadya ang aking utak. Habang hinahayaan kong dumaloy ang aking mga luha ay bumabalik ako sa nakaraan na amino'y parang kahapon lang. Nakaraang pilit akong pinapatay sa sa sakit.
"I love you but I can't lose her. That's why I'm breaking up with you."
Bakit hanggang ngayon masakit parin? It's been a year since that heart breaking scene happened. Why can't I just move-on?
Humagulhol ako sa iyak habang pinagmamasdan parin ang buwan. Hangga't maari ay kailangan kong manahimik. Tulog na ang mga tao. Hindi ko dapat sila maabala.
"B-but how about me? You'll just left me hanging?"ppp0ph
Muli ay binalikan ko ang pangyayaring 'yon. Kahit sobrang sakit na patuloy ko paring inaalala ang araw na yun.
"Yes I love you but what if I choose you and let herself from dying? She's depressed and traumatized Breanne! Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kanya." Kasabay ng pagkasabi mo noon ay ang pag-ugong ng kulog. Sakto sa pag-ulan ang paglandas ng luha ko.
"You love me right? Why not me? I need you Sawn! I need you more than I need myself! Bakit hindi ako na lang? Wala ka na bang pake?" Humina ang boses ko at nanginginig na dahil sa pag-iyak ko isabay mo pa ang ulan.
"But she need me more than you will! Yes I love you but no, I can't choose you over her." Tuluyan mo akong tinalikuran at iniwang nanginginig sa lamig dahil sa ulan.
"I HATE YOU!" Hindi ko kinaya ang sakit na nararamdaman ko noon kaya natumba ako sa daan. Wala na akong pake sa mga taong nakakakita sa akin. Sobra-sobra pa sa pagkakapahiya ang nararamdaman ko ngayon ang dinaramdam ko.
No one knows what I feel. No one cares about me. No one loves me. No one. Bakit kasi ang hirap? Ang hirap-hirap niyang kalimutan.
Why I can't just move-on and stop holding on?
Why I can't just forget about him and find another man?
Why I can't let him go and love myself from now on?
Why I can't love without even hurting?
Why it can't be JUST LOVE and NO PAIN anymore?
WHY?
•••
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Iminulat ko ang mata ko para maabutan pa ang pagsikat ng araw at tamang-tama lang dahil kakapakita pa lamang ng Haring ito.
Napangiti ako ng makungkot. Bagong araw na naman ang sumikat pero hanggang ngayon wala paring nagbabago sa akin. Pati sa nararamdaman ko. Siya parin. Mahal na mahal ko pa rin siya.
Bumangon ako sa higaan ko at sinimulan ng gawin ang dapat. Pagkatapos ay bumaba na ako para maghanda sa pageehersisyo. Eto ang exercise ko tuwing umaga. Ang ikutin buong subdivision namin ng nakabisikleta.
"Morning Bree. Aalis ka na? Kumain ka muna." Nginitian ko si mama atsaka bumati pabalik.
"Pagbalik ko na lang po, Ma! Bye."
"O sige anak. Mag-iingat ka ah." Niyakap ko siya at tsaka umalis.
Si mama ang nanay na napaka-over protective pero hahayaan ka sa lahat. Basta masunod lang ang hiling niya. Suportado niya ako sa lahat ng gusto kong gawin. Dahil nag-iisa lang akong anak. Ang papa ko naman ay nasa ibang bansa. Sa Korea---kung saan ito ang maituturing kong paraiso. Hindi ko alam pero nainlove ako sa ganda nito. Makita ko lang ang Sakura kahit picture lang gumagaan pakiramdam ko. Pero hindi pa ako nakakarating doon. Kaya naman pangarap kong mapuntahan at malibot ang paraiso ko.
Nakarating ako sa South Wing ng subdivision, kung saan naroroon ang hile-hilerang Pine trees. Walang nakatira dito dahil hindi pumapayag ang anak ng may-ari ng subdivision. At hindi ko alam kung bakit pero nagpapasalamat na rin ako sa pagtutol niya dahil kapag nararating ko ang lugar na ito nawawala panandalian ang lungkot/galit o kung ano pang nararamdaman ko.
Bumaba ako sa bike at naglakad-lakad saglit. Dinama ang sariwang hangin na hinahaplos ang puso ko. Lumapit ako sa ika-7 Pine tree sa gawing kaliwa at umupo saglit doon. Ito kasi ang paborito kong Pine tree dito.
Kinuha ko ang DLSR ko at nagpicture.
'May bago na ulit akong maitatagong memory mula sa punong ito.'
Pinagmasdan ko lang iyon hanggang sa makaramdam na ako ng gutom. Bumalik ako sa bisikleta ko at umuwi na ng bahay.
"I'm home!" Dumiretso ako sa kusina para sana makita na ang breakfast pero hindi ko inaasahan ang makikita ko doon. Hindi pagkain kung hindi bisita.
Siguro sa pag-sigaw ko kaya napalingon sila sa gawi ko.
"Oh anak, andito ka na pala." Pumunta siya sa akin para humalik pero umiwas ako.
'Bakit mo ito ginawa Ma?'
Nagtatanong ang mata ko nang humarap ako sa kanya. Siya naman ay hindi makadiretso ng tingin sa akin.
"I'm sorry anak."
Ang mga katagang yan ang huli kong narinig bago siya tuluyang umalis sa kusina. Ako naman ay hindi makaalis sa kinatatayuan habang naiilang sa tingin niya.
Maraming tanong ang namumuo sa isip ko tulad ng 'Bakit siya andito?' 'Bakit pa siya bumalik?' 'Anong kailangan niya?' Pero alam kong masasagot ko lang ang mga iyon kung kakausapin ko siya. Ang tanong makakaya ko ba? Lalo na't bumabalik sa akin ang lahat. Lahat ng nararamdaman ko sakanya noon at ngayon ay naghahalo-halo.
Pilit kong nilalabanan ang emosyon ko. Ayokong makita niya ako ulit na ganitong kahina. Ayokong malaman niyang siya parin. Ayoko. Tama na ang isang beses. Isang beses na katangahan.
'Kayanin mo Breanne Arquino! Pangako, pagkatapos nito babaguhin ko na ang lahat. Buburahin ko na siya sa ala-ala ko. Kakalimutan ko na siya! Tama na ang isang taong sakit. Hindi siya karapat-dapat sa isang tulad ko.'
YOU ARE READING
Stitches
HumorI loved but I get hurt. I get hurt but I'm moving on. I'm moving on because of him. He who STITCHES the deep wound in my heart.