Chapter 1

22 4 2
                                    

Nilakasan ko ang loob ko at tinignan rin siya ng diretso sa mata.

'You can do it Breanne.'

Ilang segundo rin ang naging titigan namin ng siya na ang bumawi. Naglakad ako palapit sa mesa at naupo sa kaliwang bahagi ito. Siya naman ay nasa naharapan ko.

'Be formal, act normal.' 'Yan lang ang gagawin mo Breanne.'

"Uhm gusto mo muna bang kumain?" Pinilit kong hindi mautal dahil alam kong sa isang pagkakamaling yun mawawala lahat ng lakas ng loob ko.

Kukuha na sana ako ng fried rice at bacon para ilagay sa plato niya pero sabay naming nahawakan ang sandok. Nasa ibabaw ang kamay niya habang nadadagaan naman nito ang akin. Gawd. Bakit kailangan pang mangyari ito? Nakaramdam ako ng kuryente sa kamay ko kaya agad kong binawi ito.

'Now, I think its more akward than earlier.'

"A-ah sorry. Sige mauna ka ng kumuha." Napatingin ako sa kanya na nakayuko at tila'y nag-iiwas ng tingin.
Bumutong hininga muna ako bago kumuha ng pagkain.

"Uhm Kamusta?" Muli ko siyang tinignan at nginitian.

"Eto nakakahinga pa rin naman. By the way, whats brought you here?" Sumubo ako ng isa habang naghihintay sa sagot niya.

Napansin kong yumuko siya bahagya kaya pinasadahan ko siya ng tingin. He's still the old Sawn I knew. Mas gumwapo lang siya ngayon. Pero mukha siyang stress dahil sa mga dark spot niya sa ilong na siya.

Napatigil ako sa pagsipat sa kanya nang tumingin siya sa akin atsaka nagsalita.

"May hihingiin kasi ako sayong pabor Bree. Alam ko hindi na dapat ako nandito at humihingi ng pabor dahil malaki ang kasalanan ko sayo pero kailangan e. Si Haide, may taning na ang buhay niya--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita kasi aaminin ko mas lalong nadadagdagan ang sakit.

"A-ano yun?"

Huminga siya ng malalim habang hindi inaalis ang paningin sa akin kaya naman lalong naghahalo-halo ang nararamdaman ko at pati na ang nararamdaman ko, bumabalik.

Ang mga mata, na kung saan una akong nahulog.

"Gusto niyang magkabalikan tayo."

•••

Malalim na ang gabi pero hanggang ngayon hindi parin ako dinadalawa ng antok. Binabagabag parin ako hanggang ngayong ng mga binitawan niyang salita.

Tumayo ako at lumapit sa kabinet. Inabot ko ang box kung saan nasa itaas nito. Kinuha ko ito at dahan-dahang dinala sa higaan ko.

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago ko binuksan ang kasing laki ng karton ng TV. Alam ko nasa oras na buksan ko ito hindi ko na naman kakayanin. Muling babalik ang lahat sa nakaraan. Kung saan noon ay tanging masasayang ala-ala lang ang natira.

Sa pagbukas ko ay muli kong nakita ang mga bagay na matagal ko ng kinalimutan. Mga bagay na mula sa kanya.

Kinuha ko ang scrap book kung saan tanging kami lang ang naroroon.

Sa pagbukas ko ay bumungad sa akin ang unang pahina kung saan nakalettering ang combine name namin.

"Brawnne Memories"

Hinaplos ko ito at isang patak ng luha ang tumulo dito.

"Bakit hanggang ngayon mahal na mahal parin kita?"

Nagpatuloy ako sa pangalawang pahina kung saan naroon ang pinakaunang stolen picture ko sa kanya.

"Ang ganda dito Eleonore!" Hindi ko napigilang hindi mapasigaw sa tuwa nang makita ko kung gaano nakakaakit ang lugar nato. Andito kami ngayon sa Blossom's Garden kung saan punong-puno ito ng bulaklak at paru-paro.

"Sabi ko naman sayo magugustuhan mo ito e. Happy friendship day Bree!" Nilingon ko siya matapos sabihin iyon. Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Happy friendship day Eleonore. Weyt Kailangan mapicturan ko ito!" Kinuha ko ang DLSR ko sa bag at isinabit sa leeg ang hawakan nito.

Picture dito.

Picture doon.

"Done!" Tinignan ko isa-isa ang mga nakunan ko habang nakangiti pero nawala iyon nang may makuhanan akong lalaki.

'Ang gwapo!'

Nakasideview ito habang parang inaabot ang isang paru-paro nang nakita.

'Gosh, crush ko na siya.'

Napangiti na lang ako ng malungkot. 'Yun yung time na una ko siyang nakita at the same time naging crush.

Itinuloy ko ang pagtingin habang umiiyak.

"I miss you a lot Paru Ko." Bulong ko sa hangin habang bumabalik sa nakaraan.

Muli kong ibinalik ang mata sa kahon at yung butterfy bracelet naman ang kinuha ko.

Naalala ko kung paano, kailan at saan niya ibinigay ito.

Malamig ang klima noon nang pumunta akong muli sa Blossom's Garden. Pagkarating na pagkarating ko doon ay siya agad ang unang hinanap ng mata ko. Nandoon siya sa isa sa mga bench kung saan unako siyang nakita. Agad akong tumakbo sa kinaroroonan niya ng tahimik.Balak ko siyang isuprise!

Nang makalapit ako ay tinakpan ko ang mata niya at bumulong, "Pikaboo! Haha."

Tinanggal niya ang kamay ko at humarap sa akin. "Paro, ginulat mo naman ako! Halika nga dito." Hinila mo ako at niyakap.

"Namiss mo lang ako e kaya ka nangchachansing. Haha. I missed you too, Paru." Tsaka ko siya niyakap pabalik.

"Happy first monthsary Paro. I love you so much. Thanks for making my life happier than I'd ever knew. Thank you for making my life more shining than ever. Thank you for coming in my life, my own butterfly." Habang sinasabi mo yan hindi ko alam na kusa ng tumulo ang mga luha ko. Pinunsan mo yun bago mo isinuot sa akin ang bracelet na ito.

"This is the symbol of my love for you Bree. My own butterfly."

Tears are keep on flowing while I am reminiscing all of that happy memories.

'I just want you to know that meeting you is the one that I would never regret. Thanks for coming into my life too Sawn. I will never regret everything about you. Because meeting you by chance is the happiest event that I should treasure forever. I love you so much My Paro. I hope that the right time would come and when it happend I hope that we can finally get our happy ending. I wish when that right time comes we can be together of just love, no more unwanted feelings.

If it takes time, I would be gladly to wait. Cause nothing is unworth it when it comes to you.'

Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim.

'Pero noon yun, Sawn. Noon handa akong gawin lahat para sayo, kaya kitang ipaglaban pero sinayang mo lang. Iba na ang sitwasyon eh. Nasaktan mo na ako ng sobra-sobra. Natauhan na ako. This time I am giving up and I want you to let go of me like how I will let you go now.'

StitchesWhere stories live. Discover now