Chapter 8

5 0 0
                                    

Ilang araw na lang at pasukan na. Nakapag-enroll na ulit ako at ready na ang mga gamit ko pero mukhang yung katawan ko hindi pa handa. Alam ko naman kasing magiging mahirap ang sem na ito dahil pangtatlo na. Hays. Pero fighting lang! Para sa future.

Malapit na ako sa bahay nang makita kong may kotse sa harapan ng gate namin. Nakabike lang naman ako lagi kaya hindi na kailangan magcommute. Bumaba ako sa bisikleta ko nung nasa unahan ko na ang kotse---magarang kotse.

"Maaa! Andito na po---" huminto ako sa pagsasalita dahil sa nakita ko.

*insert Chinito (chorus) by Yemg Constantino*

Sa sala, andun si Mama at 'yung bampira habang masayang nagtatawanan.

Pinagmasdan ko si Mama at talagang todo hagikhik siya. Nalipat naman ang tingin ko kay bampira at ayun natameme sa ganda ng tawa niya. Mula sa pwesto ko dito sa pintuan, kitang-kita ko ang mapuputi at nagkikintabang ngipin niya habang tumatawa at ang mga mata niya---halos hindi na makita.

Nabalik ako sa reyalidad nang marealize ko kung anong nangyayari sa akin.

'Oh my gawd, Bree? What are you thinking? Ngayon pinagpapantasyahan mo na ang bampira na 'yan?' Sabi ng kaliwang bahagi ng utak ko.

'Eh ano naman? Masama ba 'yun? Malay mo. Ang gwapong chinito na bampira pa yan ang makatulong sa pagmomove-on ni Breanne,' Sabi naman ng kanang bahagi ng utak ko.

MAYGAWD?! NABABALIW NA BA AKO?

Sabay ng pag-iling ko ang pagkapansin sa akin ni Mama kaya naman napalingon siya sa akin.

"Oh anak? Andiyan ka na pala? Eto namang baby ko hindi nagsasabi---" pinutol ko ang sasabihin pa ni Mama nang makalapit siya sa akin.

"Ma naman. Matanda na ako tapos baby parin? 'Di na bagay." Bulong ko.

Eto namang si Mama ginaya ako. Bumulong rin.

"Asus ang baby ko naman. Nahihiya ka lang matawag na baby sa harapan ni Edward ey." Sabi ni Mama na ikinapula ng mukha ko.

"Maaa! Hindi ah. Sige po akyat na ako." Napalakas ata ang pagkakasabi ko nun kaya napalingon siya.

Matapos kont marinig na sumang-ayon si mama ay umakyat na ako sa kwarto at nagpalit ng damit.

'Hmm. Ano kayang bagay sa akin? Magde-dress ba ako? Ayy para namang---'

"What the eff, Bree? Seriously? May pinagagandahan ka ba?" Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa salamin at hawak -hawak ang plain na kulay white dress sa kamay ko. White off shoulders dress.

Inilingan ko ang sarili ko. Seriously? Matino pa ako. Huhu.

Ibinalik ko ang dress sa walk-in closet ko at pumunta sa selection ng mga pambahay na damit ko. Kumuha ako ng plain Adidas pajama at culture shirt.

'Tsk, okay na nga to.'

Matapos kong makontento sa itsura ko ay bumaba na rin ako. Gawd. Ngayon na lang ulit ako na-concious sa istura ko. Kay... Nevermind.

Yeah. Hindi ko man siya nababanggit nitong nga nagdaan, aminado naman akong he's still stuck on my mind

And in my heart.

"Oh anak, ang bagal mo namang magbihis. Halika na dito. Kumain ka na." Salubong sa akin ni Mama nang makababa ako dito sa dining area. Nakita ko rin doon si bampira na prenteng nakaupo sa left side ng table habang si mama naman nasa center table.

"Ahh ehh, may g-ginawa pa kasi ako mama. Hehe.'' Sabi ko habang nahihiya dahil sa kaabnormalan ko.

"Ahh sige, maupo ka na at kumain." Ginawa ko nga ang sinabi ni Mama.

Gawd. Hindi ko yata kakayanin pang tumagal dito. Nasa harapan ko lang siya at grabe na ang pagkailang ko. Minadali ko ang pagkain. Wapakels kahit mabulunan. Basta makaalis lang agad ako sa harapan niya okay na. Hindi matahimik kaluluwa ko e.

Tsaka nagtataka na ako ah. Bakit kasi siya pumupunta dito? Close ba talaga sila ni Mama? Oh talagang may secret affair lang sila? Eww. Para namang kadiri yun, aish hindi pala parang! Kadiri talaga!

Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Mama.

"Bakit po?"

"Maupo ka muna, Anak. May pag-uusapan tayong tatlo." Sabi ni Mama. Kinabahan ako. Sinunod ko si Mama.

Pinatili kong kalma ang sarili. Hays. Ano naman kayang balak ni Mama na pag-usapan namin? At kasama pa ang lalaking ito.

Bumalik ako sa sarili ko nang marinig kong tumikhim si Mama. Napatingin ako sa kanya at doon ko lang siya nakitang sumeryoso. Halata naman kasing napakacool na nanay ni Mama at napakajolly kaya hindi ko inaasahang magiging seryoso siya. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Breanne, mahal kita anak at hindi kita itinatakwil." Huminto saglit si Mama. Habang ako naman ay nagtatakang tumingin sa kanya. Itinatakwil? What the...?

Kahit dinadagsa na ng mga daga ang dibdib ko nanatili akong tahimik. Hanggang sa magpatuloy ulit si Mama.

"Ako at ang mom ni Edward ay magkaibigan simula highschool hanggang ngayon. I know anak, hindi ko nasabi sa iyo o naikwento man lang and I am so sorry dahil doon. So ayun magkaibigan nga kami. Noong nasa fourth year college na kami at malapit na kaming magtapos we promise to each other na kailangan naming kalimutan ang isa't-isa hanggang sa magkaroon kami ng anak na nasa legal age na. Sounds ridiculous, right? At noong isang araw lang nagkita ulit kami. Doon ko lang nalaman na she already has a son which is 20 years old na si Edward yun at sa akin naman ay ikaw, 18." She paused again and drink for a while.

While me? I don't know what to react. Gawd. Its frustrating me.

"At dahil nasa legal age na nga kayo, we decided na kailangan niyo ng bumukod. Iyan ang dahilan kung bakit we need to forget each other until we already had a legal age daughter/son. Hmm. Yeah baliw nga kami tulad ng iniisip niyo. Ahaha."

Baliw nga talaga sila. Seriously? Kailangan kong--- I mean kailangan naming bumukod?

"But why?" Tanong ko.

"Para matuto kayong tumayo sa mga sarili niyong paa. We were doing this dahil naranasan na naming kung gaano kahirap ang maging independent. Kailangan namin tong gawin dahil dadating rin naman ang panahon na maiiwan kayo. Kailangan namin 'tong gawin para hindi na kayo umasa sa mga pamilya niyo. Don't worry anak. Nakahanap na kami ng matitirhan niyo. I know mayaman sina Edward pero hindi dahilan yun para hindi siya matutong tumayo sa sarili niyang mga paa. Hmm tsaka, bayad na rin lang ng tuition fee mo sa buong sem Bre. Po-problemahin nyo lang ngayon ay yung kakainin, pamasahe, at bayad sa apartment na kinuha namin. So it means na kailangan niyong magtrabaho. Bawal na humindi. We're doing this for your own good. And Edward, all your cards were cut.


And you'll be living in one roof."



***



WAHHH. KAMUSTA NAMAN ANG BUHAY MAG-ASAWA--ESTE BUHAY INDEPENDENT NG DALAWA NATING BIDAAA?

ABANGAAAAAN.

XOXO,
MAXIMAAA





StitchesWhere stories live. Discover now