Limang araw na simula noong ipnagtabuyan ako ng magaling kong Nanay. Joke.
Limang araw ko ng kasama ang bipolar na bampira. Sa limang araw na iyon ay hindi ko alam kung nasasaniban ba siya. Minsan kasi mabait siya, minsan namam ang sungit-sungit. May time pa na minsan hindi siya namamansin kaya naisip ko siguro may saltik lang talaga siya sa ulo.
Tulad na lang noong ipinaghanda niya ako ng pagkain akala ko magtutuloy-tuloy na yun pala kaya ako pinakain dahil ako pala ang paghuhugasin niya ng pinagkainan namin. Okay lang naman sa aking maghugas lalo't na marunong naman ako pero DUH--- pati ba naman kanya? Nakakadiri kaya!
Yung spoon and fork na ginamit niya na may laway; dahil sa isa akong dakilang madidiriin at maarte itinapon ko yung kutsara at tinidor na ginamit niya at hindi niya alam yun.
Kaya secret lang yun-------
"What the...! Why the hell are the spoons and forks I used were on the trash?"
WALA nga palang sikretong hindi nabubunyag.
Nilingon ko ang nag-aalburutong bampira sa gawi niya pero mabilis ko ring ibinalik ang paningin ko sa ginagawa dahil I swear! Nagiging pula na ang mga mata niya at lumalabas na rin ang mga pangil niya at handa na siyang mangagat-- pero sa imagination ko lang 'yun kasi NAPAKASAMA NA NG TINGIN NIYA SA AKIN.
Lalo akong napayuko sa kinauupuan ko ng dumada na naman siya.
d><b
"Kaya pala nangungunti ang mga kurbyentos dito dahil tinatapon mo lang at hindi mo hinuhugasan. Tss, hindi na siguro dapat akong magtaka kung bukas o sa makalawa ay ubos na ang mga kutsara at tinidor dito."
Woah! Srsly? Straight na Tagalog yun ah! Astig!
'Erase. Erase. Erase.'
Ano bang iniisip ko? Tss.
"E-eh kasi nandidiri ako dun sa nga ginagamit mong kumbyertos. M-may laway mo kasi e."
Mula sa pwesto okay narinig ko pa ang malakas na buntong-hininga niya at tsaka humarap sa lababo at ipinatong ang dalawa niyang kamay doon.
Natakot naman ako sa maaring isipin niya na isumbong ako kay Mama kaya agad ko siyang nilapitan.
"U-uyy, sana hanggang atin na lang ito. H-huwag na sang m-makarating pa kay Mama. Hindi ka naman s-sumbungero diba," umaasang sabi ko sa kanya.
"Hindi makakarating 'to if we will make a deal."
Agad binalot ng kaba ang dibdib ko.
"D-deal? A...no namang deal yan!?"
~~~
"Argh! I hate this man!" Naiinis na bulong ko habang naglilinis ng buong bahay. OO! Tama kayo ng naiisip!
Para lang hindi makarating kay mama ang kabalustagan ko pinaglinis niya ako ng buong bahay habang siya ayun nagpapakasarap sa labas. Umalis na lang bigla na wala man lang pasabi. Para tuloy akong katulong niya lang.
GRRR~
May araw din ang bampirang yun sa akin.
Ipinagpatuloy ako ang pagpunas sa sahig habang nagtatagaktakan ang mga pawis ko mula sa noo.
Lumipas ang mga oras at malapit ko ng matapos ang mga gawain. Hirap na hirap ako dahil unang-una HINDI NAMAN AKO SANAY SA PAGLILINIS! Pero wala akong magawa kung hindi ang sundin siya dahil ayokong mabulyawan ni Mama. My gawd! Bulyawan na ako ng lahat! Wag lang ang nanay ko! Sensitive kasi ako pagdating sa mga binibitawan na mga salita ni Mama.
Lumipas pa ulit ang ilang oras at dumidilim na rin ang kalangitan. Habang nagwawalis sa mini sala ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Malamang andiyan na yung bampira~
Sinulyapan ko siya saglit at nakita ko ang dalawang maliit na supot sa kaliwa niyang kamay. Hindi man ganoon kalinaw ang plastic ay bumakat doon ang mga plastic spoon and fork. Natigilan tuloy ako saglit at napatawa na lang sa isip.
'Pfft... Haha. Buti naman nakaramdam siya na never kong huhugasan ang mga kutsara't tinidor na gagamitin niya.'
'Pero bakit yung plato niya nahuhugasan mo?' sabat ng kabilang bahagi ng isip ko.
'Aba't sumasabat ka pa! Hmm ewan ko rin. Malinis kasi---'
Naputol na lang ako sa pakikipagtalo sa isip ko nung marinig ko siyang magsalita.
"You're not done yet? Tss. I thought you'll be done before I went back here." Sabi niya habang naglalakad papunta sa kusina at nilagpasan ako.
Grrr~ Ang lakas magreklamo, 'kala mo naman marunong maglinis.
"Eh kung ikaw kaya ang naglilinis?Duh~" patol ko naman habang binebelatan siya noong tumalikod siya saglit.
Nagpatuloy na lang ako sa pagwawalis para matapos na ako. GOSH! Kanina ko pa gustong mahilata.
"Well if I know, I know house hold chores better than you."
"Edi subukan natin ngayon! Ikaw lahat ang tumapos sa mga ginagawa ko para magkaalaman na!"
HA-HA! Mautak to brad!
'Payag ka na pleaseee!' Sabi ko sa isip ko habang patagong nagcross fingers.
"Tss. Okay I'll do it---"
"YESSSS!"
"I'll do it but not today. Can't you remember? We have a deal in case you forgot."
"ARGH! I HEYT YOU!"
Pagkatapos kong maglinis ay agad kong tinungo ang kwarto at nahiga doon.
"Ahh... Ang sarap sa feeling."
Ilang sandali pa akong nagpahinga bago tuluyang bumangon at saka nagpasyang maligo na.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas ako at nagtungo sa kusina. Doon naman ay naabutan ko siyang nagluluto.
'Tss di ko akalain na marunong talaga siyang magluto.'
Umalis ako sa kusina bago pa niya mapansin na naroon ako. Pinuntahan ko ang laptop ko at saka ulit naghanap ng trabaho.
Scroll...
Scroll...
Scroll...
Tinggg~
Isang notification ang nakapagpatigil sa akin sa pag-s-scroll.
'Galing sa email ko...'
Binuksan ko yung notif at halos lumuwa ang mga mata ko sa nabasa.
What the heeeeck!!?
Paano nangyari tooo!!?
Kailan???
Saan???
Grrr~ mukhang alam ko na kung sino ang may pakana nito.
Aish! Matitikman niya talaga ngayon ang galit ko!

YOU ARE READING
Stitches
HumorI loved but I get hurt. I get hurt but I'm moving on. I'm moving on because of him. He who STITCHES the deep wound in my heart.