Ang mga bituin sa langit ay nagsisilbing ilaw sa gabing
madilim kasama ang buwan bilang punong ilaw para sa
mga taong lupa o mga normal lang na tao tulad natin. Pero
para sa kaharian ng Starrasia, at para sa mga TARRANS ( tawag
sa mga taong nakatira sa Starrasia ) ito ay hindi lamang mga ilaw
kundi ito ang mga kaluluwa sa milyun-milyong tao na naisilang na
sa kaharian. Representasyon ng sangkatauhang naghihirap dahil sa
mahigpit na pamumuno ni Haring Demus. Kaya naman unting unti
ng nawawala ang minsay makislap na mga bituin sa langit. Kapag kasi
namatay na ang isang tao sa kaharian na ito ay mawawala rin mismo
ang kanilang kabiyak na bituin. Sa maikling salita, bawat tao sa
Starrasia ay mayroong sariling bituin sa langit. Ang sangkatuhan
sa kahariang ito ay matagal ng naging sunod sunuran sa mga utos
ng kasalukuyang hari. Takot din kasi sila na pagigisingin ng hari ang
matagal ng natutulog na maalamat na itim na dragon, higante, ogre
at iba pang halimaw na naging bato na nuon dahil sa isang magiting
at makapangyarihang mandirigmang babae na kabilang sa tinatawag
nilang "The Legendary Star Signs". Hindi lang sa mga ito, takot din ang
mga tao sa hari sapakat maalamat ang mga angkan ng DEVONSHIRE.
Simula ng pamamahala pa lamang ng mga angkan na ito, walang sinuman
ang nangahas sa pagsuway ng kanilang mga ginintuang kautusan.
Author's Note: HEYY!!! yow..wazzup men? hihihi..so yes. ... :) I'm back. really..really back.
I just continue writing this story para matapos na to and the other one too. :)
So please do vote, :* comment :* and paki add ng story na to :* kung nagaganahan
po kayong magbasa. :) Follow me too. :* @sumemeshi
Thank you and God bless. Enjoy reading anyways.
BINABASA MO ANG
ZODIAC SIGNS EVOLUTION
FantasyPara sa mga normal lang na tao, ang mga bituin sa langit ay nagsisilbing ilaw sa gabing madilim kasama ang buwan bilang punong ilaw. Pero para sa Kaharian ng Starrasia, lalo na sa mga Tarrans, ito ay hindi lamang mga ilaw........kundi ito ay simbol...