STARRASIA

24 3 0
                                    

Hindi nila alam kung ano pa ang pwedeng gawin ng hari maliban 

sa mga ito. Pati ang mabait na Reyna Regine ay naging tagasunod din 

ng hari sapagkat wala rin itong sapat na kapangyarihan upang labanan

ang mga masamang pinagagawa ng hari sa mamayan. Minsan ng

iniligtas ng reyna ang isang magsasaka sa kapahamakan dahil sa 

labis na paniningil umano ng hari sa naging bunga ng mga pananim nito

na siya namang ikinagagalit ng magsasaka na nauwi sa pag-aaklas nito.

Hindi nagustuhan ni DEMUS pag-aklas ng naturan kaya pinahuli niya ang 

magsasaka at kinulong. Ilang araw din ay hinatulan ito ng parusang kamatayan

dahil sa hindi pagsunod nito sa gusto ng hari. Doon na sinubukan ng reyna 

na iligtas ang magsasaka. Pero sa kasamaang palad ay hindi rin nagtagumpay

si Quenn Regine sapagkat may nakakita sa kanya na pumunta siya sa kulungan 

at nagsumbong sa hari. Namatay ang magsasaka ng hindi man lang nakamit 

ang hustisyang dapat niyang makamtan. Dahil sa pag-aakmang tulong na ginawa 

ng reyna, kinulong siya ng hari sa kwarto niya ng isang linggo. Walang pagkain, tubig 

o anumang binigay dito. Napalabas lamang ng maaga ang reyna dahil nagkasakit ito. 

Walang pinapanigan si Haring Demus, wala rin siyang kinatatakutan. 

Pati nga ang kanyang sariling asawa ay  kaya niyang parusahan, paano pa kaya ang 

mga TARRANS? 




ZODIAC SIGNS EVOLUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon