Ang kapangyarihan ng isang Dragon Star ay naiiba sa lahat.
Makapangyarihan ang sino man na magtataglay nito. Dagdag pa
sa kasulatan, gagana lamang ang nasabing kapangyarihan kapag
naramdaman na ng tagataglay nito ang tunay na pag-ibig sapagkat
ang Dragon Star ay isang kapangyarihang isinumpa ng dahil sa bawal
na pag-ibig. Sa kaharian ng Starrasia, malas kapag babae ang magiging
anak ng reyna kaya naman lahat ay nag-aabang para sa kapanganakan
nito. Inaasahan ng lahat na lalaki talaga ang magiging anak sapagkat
kung babae man ay walang awang papatayin ito ng hari mismo.
Sa takdang panahon at sa nakatakda sa propesiya, ang sariling
anak mismo ng hari ang kikitil sa kanyang buhay.
Tatlong tao lang ang nakakaalam sa rebelasyong ito,
ito ay ang reyna, punong babaylan at ang pinuno ng keepers.
BINABASA MO ANG
ZODIAC SIGNS EVOLUTION
FantasyPara sa mga normal lang na tao, ang mga bituin sa langit ay nagsisilbing ilaw sa gabing madilim kasama ang buwan bilang punong ilaw. Pero para sa Kaharian ng Starrasia, lalo na sa mga Tarrans, ito ay hindi lamang mga ilaw........kundi ito ay simbol...