Bes? anong nangyari

2 0 0
                                    

          Dating tayo pero walang tayo

Bes naalala mo pa ba yung dating tayo?
Yung bonding dito bonding doon?
Yung mga oras na tayong dalawa lang?
Yung araw na nagkakilala tayo?
Tanda mo pa ba? o nalimot mo na
Pinapaalala ko baka kasi bumalik tayo sa dati
At para masbi mo minsan sa sarili mo
May kulang ata sakin, Parang my mali sa mga nakaraang araw ko
Hindi ko alam na hahantong tayo sa ganito, Hindi ko maisip na baka wala na lang ako para sayo, Hindi ko mawari kaya ka nagkakaganyan kasi may priority ka ng pinanghahawakan
May pinagdamot ba ako? May pagkukulang ba ko? o baka naman nalimot mo na ang sang tulad ko
Pero bhest naalala ko wala palang tayo
Kaya wala akong karapatang icomplain sayo lahat ng nararamdaman ko
Alam mo ba kung anong nararamdaman ko habang sinusulat ko ang talumpati ko sayo? malamang hindi kasi basura lang naman ako sayo
Basura na dinadaan daanan mo lang, Basura na kailan man hindi magiging mahalaga ang bawat presensiyang pinapadama ko
Bes mas mahalaga ba siya?
Bes mas kaaya aya ba siya?
Para iwan mo nalang ako sa isang eskinitang madilim
Hindi mo ba natatandaan na ako ang tumulong sayo para mapalapit ka sakanya?
Ay pano mo nga pala matatandaan kinalimutan mo na ang sating dalawa
Ayoko na, Tama na, Hindi ko na kayang balikan ang mga ala ala nating dalawa
Kaya titigil na ko at maghahanap ng para sakin ng magisa
Pero umaasa ako Bes na lahat ng pangako mo tutuparin mo ng walang alinlangan at wala ni isang pagsisisihan
Tandaan mo bhest ang halaga mo ay mas higit pa sa isang mamahaling relo
Ang mga ala ala nating dalawa ay itatago at tatanggapin ko nang naging Past nalang kita


............... Ayoko nang maging REBOUND PA😞

............... Lalo na pag wala siya 😥

Poems & QuotationWhere stories live. Discover now