Chapter 1: Hi Ness

93 4 13
                                    

I checked the time. 9:30 PM. Nakahiga ako ngayon sa kama at nakatitig sa kisame habang nanonood naman ng Ang Probinsyano si Mama, Papa at ang kapatid ko. Nais ko munang mapag-isa. Hindi ko alam kung bakit pero ang dami kong iniisip ngayon. Maraming tanong ang nais kong hanapan ng kasagutan. Umuulan pala ng diamonds sa Saturn at Jupiter. Kung ipinanganak kaya ako sa isa sa dalawang mga planetang iyon, mayaman na ba ako? Kung ang puno kaya ang natumba sa ulo ni Isaac Newton sa halip ng apple na nalaglag sa kanya, gaano nalang kaya kakapal ang mga aklat na pinag-aaralan natin ngayon tungkol sa Physics? Bakit kaya hindi ako crush ng crush ko? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Ang totoo niyan, ni isa sa mga nabanggit ko ay hindi ko naman talaga naiisip ngayon. Ang tunay kong iniisip ngayon ay kung papaano ko gagawing makabuluhan ang mga nalalabing kong araw sa school.

Kung iniisip ninyo na marahil ay titigil na ako sa pag-aral, nagkakamali kayo. Tatlong araw nalang kasi magmomoving up na kami sa Grade 11. Magiging graduate na ako ng Junior High School (JHS) at magiging newbie sa Senior High School (SHS). Para sa iba, isa itong nakakalungkot na senaryo. Bakit? Akala mo kasi tatapak ka na sa kolehiyo, 'yun pala may dagdag pa na dalawang taong kalbaryo. Ang dalawang karagdagang mga taong ito ay alinsunod sa pagpapatupad ng K-12 Basic Education Curriculum sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Pero para sa akin, hindi ito karagdagang kalbaryo. Mas maituturing ko lamang itong karagdagang transitional stages towards bigger adventures. Isa itong paghahanda patungo sa pagtahak natin sa realidad ng buhay.

Sabi ng section adviser namin, magtatapos daw ako with high honors (Yes! I'm gonna have to say hi to my silver medal.) specifically with second highest distinct honor. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil sa halos isang libong estudyanteng gagraduate sa JHS sa paaralan namin ngayong school year ay pumangalawa ako sa pinakaoutstanding o malulungkot ba ako dahil lilisanin ko na ang institusyong kumupkop sa akin sa loob ng apat na taon. Magkakawatak-watak na din kaming magkakaklase kasi lilipat na 'yung iba ng ibang paaralan at kasama ako sa mga estudyanteng lilipat. Si Mama ang may gusto na lumipat ako (na sinuportahan pa ba naman ni Papa. Hayy.) sa kadahilanang may plano na daw siya para sa akin at hindi ako interesadong pag-usapan talaga ito. Ipinaglaban ko namang gusto ko munang mamalagi sa paaralang nakagisnan ko for SHS pero minsan, sadyang wala ka na talagang magagawa kapag ang mga magulang mo na ang nagdecide.

Ay.

Teka.

Hindi pa pala ako nakapagpakilala.

Hi (insert wave here).

I'm Lioness. Yep. Iyan talaga ang pangalan ko. Lioness as in babaeng leon. Minsan naririnig ko ang iba, tinatawag nila akong Leonidas (siya'y isang Spartan leader ayon sa kasaysayan ng Greece) o kaya naman Lionessi (as in Leonel Messi kapag pinaghalo ang first name at last name ng football player na iyon). Actually, ang buo kong pangalan ay Lioness Devon Reigh de la Cruz y Marasigan. Ang haba, 'di ba? Hindi ko talaga alam kung bakit ito ang ipinangalan sa akin ng mga magulang ko. At sa mga maiikli ang pangalan diyan, you don't know the pain ng mga taong may pangalang kasinghaba ng traffic sa EDSA. Ang hirap ng buhay kapag ganito kahaba ang pangalan mo lalo na kapag nagkaroon surprise quiz dahil ang iingay ninyo. 'Yung nakakatawang moment na your teacher is about to state the first question pero ikaw, hindi ka pa tapos sa pagsusulat ng pangalan mo. At naranasan ko na 'yan nang ilang beses. Ang mabuti pa ay tawagin 'nyo na lamang ako bilang Ness. O Lia. O Nessie (kahit na nagiging kapangalan ko na sa katawagang ito ang water horse sa Loch Ness). Ness. Ness nalang siguro para maikli. Sixteen years old na ako and I'm planning to take the Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) strand sa ilalim ng Academic Track (Magaling ako sa Science pero katamtaman lang ang level ng mathematical ability ko. Balang araw kasi, ako'y magiging professor na magtuturo ng Chemistry o Physics sa isang prestihiyosong university kaya STEM ang napili ko).

Sabi nga nila, ang huli mong taon sa high school ay ang magiging pinakamasaya. Eh kaso, hindi na ito ang magiging huling taon sa high school dahil may dalawang taon ka pang natitira. Bagkus, ito ay tinatawag nang Grade 10 or tenth grade, ang ikaapat at huli mong taon sa Junior High School. At sa tingin ko, mas appropriate ang term na 'wild' para sa school year na ito rather than 'pinakamasaya'. Ang taong ito ay naging 'wild' sa kadahilanang ang daming nangyari na hindi talaga inaasahang mangyayari. #ExpectTheExpected. Punong-punong ito ng drama. At ang dami ring lumitaw lalo na ang mga tunay na kulay (hindi skin color ha? What I mean is ang 'tunay na ugali') ng mga kaklase ko kapag pinaliguan ng sandamakmak na stress at pressure. Marami ang nagwagi at mayroon ding mga hindi masyadong sinuwerte. Nagkaroon ng malalakas na tawanan at minsa'y matinding kalungkutan. May mga hinusgahan na kalauna'y tinanggap din ng lahat. Basta. Masyado itong masalimuot kaya nga naturingan kong 'wild'. Ngunit kung nais ninyo, ito ay aking sasariwain para sa lahat.

Ito ang kwento ng huling taon ko sa JHS. Ito ay kuwento 'nyo rin. Ito ay kuwento ng mga estudyanteng nagsipag, nagsunog ng kilay, maagang pumasok sa eskwela, nagkacrush, nagmahal, nasaktan, nagmove on, gumanda, nangopya, nagcutting class, nahuli sa pagpasa ng requirements, nagkalat, napagalitan ng teacher, naglinis ng classroom. Ito ay kuwento ng lahat, lahat ng nakaranas na maging isang tunay na estudyante.

* * *

Author's note

Hey mga minamahal kong readers!

So, nakilala nyo na si Ness? What do you think of her? What are your thoughts about her? Bilang isang estudyante, magkapareho ba kayo ng sitwasyon? Nakakarelate ka din ba sa kanyang nararamdaman ngayon?

Anyways, let me know about your thoughts through your comments. See yah on Chapter 2. :)

Where to find me:

Facebook: Learns Millondaga dela Llave

Instagram: amazing_learnsieeee

My Junior High School BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon