BABT at Socialites
Upang mas maging kasabik-sabik ang inyong pagsubaybay sa aking pagsasariwa ay dapat kilalanin muna ninyo ang mga taong nakasama ko sa school year na ito. Meet Grade 10 - Diamond. Pero we prefer to call ourselves as 'The Langkabelcxz'. Kami ang set of students na bumubuo pinakamataas na section sa buong Grade 10 class. Ang mga naturingang matatalino ngunit hindi alam ang definition ng 'wave'. Ang section na hate ang lahat ng subject teachers nila maliban kay Ms. Zennie Gaudencio (ang Math teacher namin) at Mr. Peter Ventura (ang teacher namin sa Edukasyon sa Pagpapakatao for the Third at Fourth Quarters). Ang mga estudyanteng willing magskip ng isang klase para makapractice ng kanilang performance para sa ibang subject. Kami rin 'yung mga makikilala mong paulit-ulit mang pagsabihang 'Umayos-ayos kayo dahil kayo ang cream of the crop at tinitingala kayo ng lahat', eh nagagawa paring magkopyahan at nakakalimutang sumunod sa prescribed haircut.
Katulad ng isang tipikal na klase ay naghahangad din kami ng 'unity', kaso hindi talaga maiiwasang magkaroon ng kanya-kanyang mga squads or grupo na kung minsan ay nagmimistulang mga cliques in a smaller community which is ang classroom. Tara. I'll introduce you to the different squads na bumubuo sa aming section:
BABT
First stop ay ang BABT. Hindi ako sure kung ano talaga ang ibig sabihin ng BABT pero ipagpalagay nalang natin na ito ay nangangahulugang Beauty And Best Tayo. Ang grupong ito ay binubuo ng mga kalalakihang hindi man masyadong lapitin ng mga girls ay nakakabawi naman sa pamamagitan ng pagiging matinik sa sipnayan at mga batikan sa paglalaro ng League of Legends. Sila rin 'yung mga lalaking nasindak sa MAPEH teacher namin noong Grade 9 kaya nagchange program at naging mga archers.
Wayne Henri Demafeliz. Siya ang leader at founder ng BABT. Siya rin siguro ang true embodiment ng salitang 'perfect'. Bakit? Kasi nasa kanya na ang lahat (well, halos lahat). Matalino (lampas 100 siguro ang IQ nito, siya rin pala ang First Distinct Honor namin, Top 1). Gwapo (na siyang mapapatunayan ng maraming babaeng nagkakacrush sa kanya, hindi lamang sa loob ng school kundi pati na rin sa labas, sa bawat lupalop na mapupuntahan niya). Taglay ang talento sa pagsulat at kasanayan sa sports (talent overload, may nanalo na). Maprinsipyo din siya at iyon ang pinakahahangaan ko sa kanya. Naks naman. Uwi na tayo. Ginalingan na ni Wayne eh. Ang masasabi ko lang siguro sa kaklase kong ito ay may kwenta siyang kausap (depende sa topic) at kung ano man ang mga nararating niya, deserve na deserve niya ang mga ito (dahil true blue genius ang batang ito at pinaghihirapan niya talaga ang mga bagay na gusto niyang makuha).
Renz Monteclaro Jr. Siya ang taong minsan may love life pero madalas iniiwan. Eh sa dami ba naman ng mga babaeng nilalapitan ni Renz, ano pa bang masasabi ko? Pero, nakiramay kami sa latest niyang heartbreak kay Avery (Ouch. Pinaasa kasi ng babae. #UnrequitedLove). Gifted din ang taong ito sa sports specifically Badminton at high jump (ang taas tumalon ni Renz, bet na bet for chinese garter). Mahilig din mag-isip si Renz, 'yung tipong fixed na ang pagkakaintindi 'nyo sa isang Physics problem pero pepestehin niya kayo dahil may iba siyang pagkakaintindi dito.
Elmer Theodore Cabañero. Ang BABT member naman na ito ay jelly-filled, este healthy pala. Mayaman ang isang ito (lahat naman siguro ng kaklase ko). May-ari sila ng isang buillding na matatagpuan malapit sa plaza. Mabait si Elmer ngunit tulad ni Renz ay minsan ding nawasak ang puso niya ng isang babae na amin ring kaklase (mamaya ko na ikukuwento ang tungkol dito).
Czar Sampuego. Si Czar? Socially awkward siya. Hindi masyadong nagsasalita at lagi pang nakaslouch. Tahimik lang yang naglalaro ng Mobile Legends sa smartphone niya pero teka lang. Siya rin ang bininyagan naming 'Human Calculator'. Sino ba naman ang makatatalo sa mental solving powers ni Czar? Minsan nga, naisip namin na ang glasses na suot niya ay holographic kung saan nagfaflash ang mga formula at answers sa isang Math problem. Kung totoo man iyon, hanep di ba? Isa ring Math whiz ang nakabihag sa puso ng tahimik naming Czar at makilala 'nyo rin siya later (classmate din namin ang girl na ito).
BINABASA MO ANG
My Junior High School Blues
Novela JuvenilMeet Ness. Katulad ko, at baka katulad mo rin, siya ay isang estudyante. Ilang araw na lamang ay magtatapos na siya sa Junior High School. Isa sa mga gabi ng mga nalalabing araw na iyon habang siya ay nagpapahinga, napaisip siya kung paano niya gaga...