Trio Tagapayo
Ano 'to? Face to Face lang? Saan si Tyang Amy? Joke lang. Ito nga pala ang squad na kapag kailangan mong maaninag ang liwanag, lapitan mo lang sila. Advices about love and friendship naman ang hatol nila sayo. You wanna talk about your feelings? Lapit ka sa kanila. But here's the catch. Medyo may pagka-isip bata nga lang sila. Not to say na immature but parang sila 'yung set ng mga taong baka hindi mo gustong bigyan ng mga mabibigat na responsibilidad during group projects. Anyways, let's proceed to getting to know them better.
Joanah Venice Villa. Short. Short-tempered. Alam mo 'yung sanay na sanay siya na nakukuha agad ang gusto niya kasi bunso? Ganoon talaga siya. Moody. Super moody. 'Yung ang bait-bait niya kanina kaya sabi niya siya na gagawa ng project niyo tapos an hour later, ayaw na daw niya. Siya rin 'yung classmate ko na uunahin pa yata ang gala kaysa sa schoolworks niyo dahil lang nangako na siya sa mga kasama niya sa galaan. Pfft. There were so many times na ang daming gawaing nacompromise kasi parang ikaw pa talaga ang mag-aadjust sa kanya. On the good side, she's the kind of friend who's very inclusive. Hindi ka makasabay sa kanila for lunch at Jollibs (as in Jollibee) kasi may baon ka naman at hindi na sakto ang budget mo? She'll plead everyone if pwede silang makachip in ng amount to make up for your lunch para lang makasama ka nilang makakain. Napakagenerous ni Joanah as a friend.
Klea Margarette Bernardo. Siya nga pala ang kaklase kong matangkad pero ang boses parang taong kinulang sa height. Ang cute ng boses! Parang wala nang bukas kung tumawa din si Klea. Pulang-pula pa. Talented itong si Klea sa songwriting! Syempre! Mana 'yan sa tito niyang si Dennis Bernardo, isang local artist sa probinsiya namin. Tahimik siya pero kapag backbencher ka at seatmate mo siya, wala pang thirty minutes ng klase eh madami na kayong nagawang kalokohan.
Christine Maurice Castañeda. She's your future reality star. Bakit? Athlete. Beauty queen. Matalino din kahit papaano. Mabait pa. Siya 'yung taong mafoforsee mo na balang araw ay baka sumali ng PBB. Pero I must say, never din naforsee ni Tin (you can call her Tin nalang, for short) ang sarili niya sa mga ganoon. Ang gusto niya maging doctor, heart doctor. A cardiologist. Nainspire siya ng tatay niya na isa ring successful doctor. I must stress ulit na mabait siya. Sobrang gentle niya magsalita at seldom siyang magsalita ng bad words.
Silang tatlo ang Trio Tagapayo. Speaking of feelings, medyo sensitive sila. May masabi ka lang na hindi naman masyadong 'intense', nasasaktan na agad sila. Joanah will obviously go vocal about it while Klea will keep it to herself. It's a good thing that they have Tin kasi napakaunderstanding niya.
Tropang Potchi
Hindi ito isang TV show. Isa itong squad. 'A thorn among the roses'. That is how I'll describe this gang. In a bunch of girls, there's this one guy. Nandito din sa squad na ito ang dalawa pa sa mga 'math whiz kidzz' ng klase namin.
Maria Salvacion Generosa. Ang old school ng name niya noh? Nung nagpaulan ng katalinuhan sa Math, sumilong yata kami tapos si Alva (Alva for short para makasave tayo sa space) ay sumugod naman na may dala pang sabon at tabo. Alam mo 'yung feeling na isang explain palang ng mga lessons sa Math ay gets niya agad habang kami naman napapakamot nalang ng mga ulo namin. Si Alva din pala ang taong hindi mo makokopyahan kapag may exam sa kahit anong subject. Hindi naman sa madamot siya or competitive. Sadyang naniniwala lang talaga siya na kung gusto mo makuha ang isang bagay, paghirapan mo at gawin mo talaga ang lahat ng makakaya mo sa tamang paraan.
Juna Rowan Gadot. Hindi siya si Wonder Woman. Sadyang kaapelyido lang talaga niya si Gal Gadot, ang artistang kasalukuyang gumaganap bilang Wonder Woman. Iconic talaga 'yang si Juna. Paano ba naman, buong team niya ang tinawag for cheers and yells but the crowd goes like, "Juna! Juna! Juna!". Honestly, hindi ko talaga alam kung saan din nagsimula ang pagkafamous ni "Juna! Juna! Juna!" Tangkad overload din itong si Juna. Baka nga makuha niya din ang role as Wonder Woman kapag nag-audition siya dito.
Patriz Jane Gutierrez. Siya ang other half ni Alva and by 'other half', I don't mean na lover. Other half here means na parang twin niya, not sa looks but sa mathematical abilities. Nung bumaha kasi malakas ang ulan ng katalinuhan sa Math, kasama siya ni Alva, nagbabackstroke sa baha. Madalas akong magpaturo din sa kanya sa Math kasi mas naiintindihan ko siyang mag-explain kaysa kay Wayne or kay Alva. Patch (for short, again) is one of those die-hard fans ng KathNiel na kilala ko. One time, sinabi kong hindi naman ganoon ka pogi si Daniel Padilla aba'y binatukan ba naman ako. Hayy. Si Patch talaga. By the way, siya nga pala ang nakabihag sa puso ni Czar. Kung alam niyo lang kung gaano ka special si Patch para kay Czar. Yun nga lang, kaibigan lang talaga ang tingin ni Patch sa kanya.
Dane Allie Palma. Siya naman ang resident hiphop dancer namin. Kapag nakikita ko si Dane, naririnig ko yung counting. Tug tug takz! Tug takz! Tug tug takz! Tug takz! Maliit na babae lang iyan pero halimaw kapag nasa dance floor na. Siya yung makikita mo nalang na sumasayaw kahit wala namang music. May steady boyfriend din siya na nasa upperclass.
Lois Marxia Valencia. Medyo floater itong is Lois kasi I'm not really sure kung may squad ba talaga siya pero I'll just put her here since sila naman ang palagi niyang kasama. Idol ko ang handwriting ng babaeng 'to. MapaIntermediate pad, mapaManila paper, mapaIndex card, mapaBlackboard, consistently maganda ang sulat kamay niya. Samantalang ako, ang ganda nga ng sulat ko sa usual na papel, parang inararo naman ang handwriting ko kapag pinasulat na ako sa Blackboard.
Archie Klye Sultan. He's the thorn among the roses. Let me clear the air once and for all. Straight si Archie. It's just that he enjoys the company of the girls more kaysa sa boys. Stapler? Gunting? Bondpaper? Scotch tape? Paper tape? Packing tape? Double adhesive tape? Kumpleto niyan si Archie. Kung school supplies lang naman ang pag-uusapan, nagtutunggalian kami diyan. Haha. Swiftie din siya at avid fan ng Victoria's Secret Fashion Show (parehas kami!). Ang iconic kaya ni TayTay! Tsaka, about the VS Fashion Show, ang ganda ng mga wings nila! In love na in love kami ni Archie with WINGS! Idagdag mo pa ang mga naggagandahang mga models na rumarampa. Kung yung iba, puno ng drawing ng mga mata ang likod ng notebooks nila, yung kay Archie naman puno ng mga pakpak. Artist din si Archie at kasali siya sa classroom-based special squad namin na Kapisanan ng mga Artisans (I'll explain this later).
Alva. Juna. Patriz. Dane. Lois. At Archie. Sila naman ang members ng Tropang Potchi. By the way, nagmimix ang ibang squads katulad na lamang ng Trio Tagapayo at Tropang Potchi. Kumbaga, parang sister squads din sila.
* * *
Author's note
Hello guys!
Hindi pa din nagtatapos dito ang pagpapakilala sa mga members Diyaman10 (mga isang Chapter nalang siguro, hehe). Anong masasabi niyo sa Trio Tagapayo? I'm pretty sure nakikita niyo din ang sarili niyo sa kanila kasi sometimes, you also wanna talk about your feelings.
Kamusta naman ang Tropang Potchi para sa inyo? Sana all matalino sa Math katulad nina Alva at Patch. For sure, may kilala din kayong katulad ni Dane. Tamang Tug tug takzz lang! Hahaha. Drop a comment din if katulad ka ni Archie na 'thorn among the roses' din.
Anyways, kilalanin naman ninyo ang iba pang squads sa Chapter 5: Diyaman10 :)
Don't forget to comment, share and vote. :)
Where to find me:
Facebook: Learns Millondaga dela Llave
Instagram: amazing_ldrxx
BINABASA MO ANG
My Junior High School Blues
Novela JuvenilMeet Ness. Katulad ko, at baka katulad mo rin, siya ay isang estudyante. Ilang araw na lamang ay magtatapos na siya sa Junior High School. Isa sa mga gabi ng mga nalalabing araw na iyon habang siya ay nagpapahinga, napaisip siya kung paano niya gaga...