Chapter 3: Diyaman10

2 0 0
                                    

3Ps and A Goat

Okay. Ang grupo namang ito ay binubuo ng mga tatlong malalaking babae (hindi naman sila mataba, chubby lang) at isang medyo kinulang sa timbang. Solid itong apat na 'to. Wala akong masyadong masabi. Isa-isahin na kaya natin sila.

Jiane Marielle Santos. Matangkad ang babaeng ito. Morena. Siguro kung mayroon kang mapapansin agad sa kanya regardless kung babae or lalaki ka man ay ang voluptuous niyang hinaharap. Siya nga pala ang Third Highest Distinct Honor namin. Medyo competitive din siya pero she shows it in a subtle way. Yayamanin din itong si Jiane kasi anak lang naman siya ng isa sa mga well-known businessmen in town.

Rhealyn Anne Sampilo. Siiiiingkiiiiit! May lahi atang Koreana ang babaeng 'to kahit wala naman talaga. Miyembro din siya ng Team Breshes (as in samahan ng mga may bakod ang ngipin, braces ba). Siya nga pala ang arch enemy ni Jennica Salvador. Hindi ko nga din alam bakit gigil na gigil sila sa isa't isa. For all I know, they always have something to say to each other. Minsan, nakakasabay ko pag-uwi si Rhealyn at nagkukwentuhan kami.

Elize Antonia Santacera. Si Elize lang naman ang Corps Commander ng CAT 1 Unit Class Aquila ng school namin. Hanep diba? Siya yata ang ikalawang naging babaeng Corps Commander sa CAT 1 history ng school namin. Unique ang accent ni Elize. Distinguishable talaga siya kapag nagsasalita kasi parang may tono siya.

Rexha Maine Mariano. Catwoman. Iyan lang ang masasabi ko. Charr. Magaling sumayaw itong si Rexha. Ang flexible pa. Alam mo yung kapag may kailangang magsplit sa dance presentation niyo, siya na agad ang iaalay niyo. Kung hindi lang tao itong wangis ni Rexha baka rubberband na talaga ang tingin ko sa kanya. Siguro yung most unforgettable time na nakita siya naming sumayaw is noong Grade 7 kasi ang galing niya talaga mag-improvise ng steppings especially kapag contemporary ang sinasayaw niya. #BleedingLove

Nice. Nakilala niyo din ang 3Ps and a Goat. In case you're wondering, 3Ps stands for 3 Pigs. Ipapaliwanag ko muna bakit naging ganito ang squad name nila (sila din naman ang gumawa ng squad name nila). Kapag pinagtabi niyo silang apat, sina Jiane, Rhealyn at Elize ay halos magkakapareho ang hulmahan ng katawan na medyo chubby. Si Rexha lang talaga ang naiiba sa kanila kasi medyo slim naman siya. Siya ang Goat. Bakit Goat? Magaling kasi si Rexha manggaya ng tunog na 'Meeee-meeee-meee' ng mga kambing. In addition, solid sila kasi siguro andiyan si Rexha. Ayon kasi sa nakikita ko, parang siya ang peacekeeper ng grup at ang tatlo naman ay the kind of people that really speaks up their mind kaya there's not a secret to keep sa kanilang apat.

JJPC

Ang JJPC ay isang acronym na siya ring pangalan ng squad na ito. Mula ang JJPC sa first letters ng mga members nito. Para silang kulay ng Nips kasi iba-iba talaga ang personalities ng bawat isa sa kanila na hindi ko maeexplain with this sentence alone. Kilalanin na kaya natin sila?

Julie Mariz Barcelona. Siya ang unang J. Tulad ni Elize, aliw na aliw din ako sa accent ni Julie. Tapos ang bilis pa niyang magsalita na minsan naiisip ko daig pa niya yata si Eminem. Naturally curly din ang buhok ni Julie. Parang Lion King din ang ganap ng buhok niya hindi nga lang kasingbongga ng kay Cheska. Hindi ko alam kung bakit pero everytime na magsasalita si Julie parang may something talaga na nakakatawa. I can say na isa siya sa mga class clowns ng Grade 10 - Diamond.

Jamila Faith Forteza. Siya naman ang ikalawang J. Siya rin ang masasabi kong 'shy type' na kind of person hindi dahil sa hindi siya masyadong nagsasalita kundi maingay lang siya kapag komportable siya sayo. Siya siguro ang opposite ni Julie sa pagsasalita kasi kung gaano kabilis magsalita si Julie eh medyo malumanay naman si Jamila.

Ma. Princess Loujille Demafeliz. Call her Princess not Maria. Siya kasi ang 'P' sa JJPC. Sabi niya baka magkamag-anak sila nina Wayne at isa pa naming kaklase kasi pareho silang Demafeliz ang apelyido. Nickname niya pala ay 'Miss Universe' (not literally pero you can call her that kasi siya'y confidently beautiful with a heart). Tsaka si Princess din 'yung taong ang liit-liit pero ang bawat pilantik ng dila niya, karunungan ang dala. Matalino din kasi si Princess. Kapag kasama mo siya para ka na ring may kasamang minion (yung mga kulay yellow na hugis TicTac tapos nakajumper at sobrang cute!).

Carter Lucy Casimiro. Siya naman ang letter C sa JJPC. Habulin din ng mga boys si Carter. Syempre. Cute (yung cute na parang synonymous na din sa 'pretty'). Matangkad (hindi yung tangkad na katulad nang kay Czar, sakto lang). Matalino (magaling din 'to sa Math). Tsaka, photographer ba ang hanap mo? Si Carter dapat ang lapitan mo. Photojournalist kasi siya. Kung di siguro kaibigan ni Carter si Princess, malamang official photographer siya nito. By the way, siya nga pala 'yung bumiyak sa puso ni Elmer. (Bagong biyak na buko made with real fruit juice, Nesfruta Buko why not? *tok tok* Coconut!). Syempre, hindi pa man din siya siguro ready pa para sa mga 'romantic relationships' kaya tinanggihan niya muna si Elmer sa kabila ng efforts nito na ligawan siya noong Grade 8.

JJPC. Julie. Jamilla. Princess..
and Carter. By the way, there was a time noong Grade 9 na maraming nagalit kay Carter kasi all-out na lumabas talaga ang pagka-spoiled brat niya. I think that goes with the fact na only child siya. Syempre, todo kampi din ang mga kasquad niya. However, Grade 9 was the time also na narealize niya din na kailangan niyang baguhin nang kaunti ang attitude niya which is aawwwweeesooooooome! Naglevel up na ang kabaitan ni Carter! Another by the way ulit, this year, nagkaroon ng away ang 3Ps and a Goat with JJCP. Guess what kung anong pinag-awayan nila? You know naman, the typical petty fight tungkol sa group project. Malalaman niyo din iyan mamaya.

* * *

Author's note

Readers, readers, readers!

Hindi pa din nagtatapos dito ang pagpapakilala sa mga members Diyaman10. Anong masasabi niyo sa 3Ps and a Goat? May mga animal sounds din ba kayo na kayang gayahin tulad ni Rexha? Ano kaya yung mga pinagsasabi nina Jennica at Rhealyn against each other?

Sa JJPC naman. Paano kaya magsalita si Julie? Ano kayang mangyayari sayo kapag tinawag mo na Maria si Princess? For sure, madami na sa inyo gusto na maging friend si Carter. Who would turn down a friend na magaling kumuha ng pictures? Haha. Just kidding.

Anyways, kilalanin naman ninyo ang iba pang squads sa Chapter 4: Diyaman10 :)

Don't forget to comment, share and vote. :)

Where to find me:

Facebook: Learns Millondaga dela Llave

Instagram: amazing_ldrxx

My Junior High School BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon