150 14 1
                                    

Baekhyun

Nagising ako sa katok sa may pinto ko kayat nakabusangot akong napabangon.

"Ano na namang kailangan mo yoda!!!?"-bungad ko agad pag bukas ko ng pinto.

Alam ko namang si chanyeol yun kasi kami lang naman ang tao dito sa bahay.

"Yoda what?!"-patanong na tanong sakin ni chanyeol kaya't nagising ang diwa kong natutulog.

"Ah hehe ano wala yun. Bakit ka ba nandito?"-pagsegway ko.

"Magluto kana ng almusal, nagugutom na ko"-deretso nyang sabi at bigla na lang naglakad paalis.

Naiwan naman akong naka tulala dun. Napa-blink pa ko ng ilang ulit sa sinabi nya.

"ANO AKO!? YAYA MO!?"-galit kong sigaw sa kanya.

"I GOT MY PHONE NEXT TO ME BYUN!!"-sigaw nya rin pabalik sakin.

"Sumbongero talaga"-irita kong sabi sa sarili ko at pumasok sa banyo para mag ayos ng sarili at bumaba na.

Pagbaba ko ay nakita ko si chanyeol na may katext sa cp nya.

Hindi naman nya naramdaman ang presensya ko kaya't dahan dahan akong lumapit sa kanya at nakiusyoso sa tinetext nya.

"Anna?"

Wala sa sariling nasabi ko pala ang nabasa ko, dapat sa isip lang yun eh.

Napalingon naman sakin si chanyeol ng nakataas ang kilay.

"Why are you here?"-tanong nya sakin.

"Ah hehe to naman! Sowry na! Sino ba si anna?"-pagtatanong ko.

"None of your business!"-irita nyang sagot sakin.

"SUNGIT!"-sigaw ko sa kanya sabay karipas ng takbo sa kusina para magluto na.

Nang matapos akong magluto ay tinawag ko na si chanyeol.

Tahimik lang kaming kumakain ni chanyeol. Wala naman kasi kaming pag-uusapan, isa pa hindi kami close no!?

Nasa kalagitnaan palang kami ng pagkain eh, tumayo na sya.

"San punta?"-tanong ko bago pa sya makaalis ng tuluyan.

Nilingon naman nya ako.

"Remember the rule number one?"-tanong nya sakin.

"Walang pakealamanan alam ko. Sige layas na, wag kana sanang bunalik hmp"-pagtataboy ko sa kanya na ginawa naman nya.

Pagkatapos kong kumain ay ako na rin ang naghugas ng pinagkainan.

Beep beep*

Hinuba ko ang suot kong gloves at tinuyo ang kamay ko bago ko dukutin ang cellphone ko sa may bulsa ng pantalon ko.

luhanding baklang usa

Baek wer ka?

Napangiwi naman ako sa text ni luhan. Paano ba natatagalan ni sehun itong gagang to?

'Nasa bahay, bakit?'

Pagrereply ko.

Wala pang ilang minuto eh nakapagreply na agad ang gaga.

Naupo ako sa sofa sa may living room.

luhanding baklang usa

Ay bongga, nasa labas na ko ng bahay nyo. Buksan mo na dali! Naiinitan ako ditey 😨😨😨

"Aba aba!?"

Napairap na lang ako bago tumayo at pagbuksan ng pinto si luhandi.

Pagbukas ko eh naka cross arms ang gaga.

Arrange Marriage (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon