Rhyme's POV
2 months.
2 months nang ginugulo ni Jihoon yung tahimik kong buhay. Pero I'll admit. Masaya akong kasama sya SHYEETT LANDI AMAN DIZ GURL
Sa araw araw na kasama ko sya hindi sya nawawalan ng isang pamatay sa kabulukan na pick up line, na kahit gasgas na, naeenjoy ko parin. Kahit nakakairita, patuloy ko paring sinasagot ang bawat message na lumalabas sa messenger ko galing sa kanya. Ewan ko ba, may sapi yata tong si Jihoon, kahit anong gawin nya napapatawa lang ako.
"Bilisan mo babe!"
"Tigilan mo nga ako sa kakababe mo!"
Kanina nya pa ko hinihila -.-
"San ba kase tayo pupunta?"
Nakarating kami sa open field ng school. sa gitna.
"Upo dali!"
Umupo naman ako sa damuhan katulad ng sinabi nya. At ganun din yung ginawa nya. 5:45 PM na kaya medyo lumulubog na yung araw.
"Pikit ka dali"
Napatingin naman ako sa kanya. Medyo nasisinagan ng palubog na araw yung muka nya pero nakikita kong nakangiti sya. Hindi nakakasawang titigan.
"Sabi ko pikit"
Di ko alam kung ano nanaman balak nito e
Naramdaman kong papalapit sya sakin
"Close your eyes! Ooops bawal sumilip!"
Yayakap yata sya-- No.
Naramdaman kong may kinabit sya sa leeg ko, Necklace. At ang matindi. Kiniss nya yung noo ko after. quingina muka ba kong nanay nya?
"ano na rhyme? dito ka na ba matutulog? dilat na!"
adik ba to? kala ko ba bawal dumilat. tsk tsk
"Kiniss mo pa ko sa noo, ginawa mo pa kong nanay mo!"
"San mo ba gusto?"
"Tanga??? syempre sa-- teka nga ano ba! Maiba nga tayo, baket may ganto ganto pa?" tinuro ko naman yung kwintas na nakakabit sa leeg ko. Napansin kong medyo namula sya, what? nahihiya ba sya? cute.
"Ano... ano lang yan..."
"Ano? Ano? aalis ako, sige"
"Ano kase.... fake lang yang silver na yan. silver silveran lang yan. pero.... basta itabi mo lang yan. Lagi mo yang susuot para kahit mag isa ka, pag suot mo yan kasama mo parin ako. Dont worry, hindi ka mangangati dyan, sinigurado ko naman dun sa binilan ko na ok yan. Subukan nyang lagyan ng rashes yang balat mo lagot sya sakin."
Laging ganto. Napapangiti nya ko sa mga ganyang bagay. akala nya wala lang, pero sobra akong natutuwa, mas lalo nyang pinaparamdam sakin na mahalaga ako sa kanya. Don't worry Jihoon, konting tiis nalang. Papahirapan muna kita :)
"Thank you. Hindi mo alam kung gano mo ko pinapasaya, araw araw."
Alam kong hindi sya sanay, pero this time. ako ang unang yumakap sa kanya.
"Thank you so much, Jihoon"
***
Sunday.
I have nothing to do today except for, sleeping, checking my phone, eating (repeat)
Dahil wala akong magawa I've decided to stalk Jihoon on Facebook :>
BINABASA MO ANG
Hugot | Park Jihoon ✔ [Editing]
Fanfiction"paano ba mapansin ni ex?" Gwaproduce #1 | Completed: 170504 - 170529 | WANNA ONE AU