READ A/N!!!!First of all, THANK YOU!! Simula nung sinimulan ko tong story na to, talagang sinuportahan nyo, And TODAY, 1 year na simula nang matapos ang journey ni Rhyme at Jihoon, and YES, Saktong birthday ni Jihoon natapos ang Story na to. And guess what? Hanggang ngayon may napapasaya parin 'tong story na to, Di nyo alam kung gano nyo rin ako napapasaya, kung hindi nyo alam, bawat Comment nyo dito inoopen ko talaga 😂 super naappreciate ko kayong lahat!!
Pangalawa, Dahil nga cinecelebrate natin ang 1st year ng story at Birthday ni Jihoon, I'M POSTING A SPECIAL CHAPTER :)
At Pangatlo, "Ano nga palang nangyari pagtapos magkita ulit ni Rhyme at Jihoon dun? Pano nagka Wooji?"
Ang sagot....
-
"7 years kitang hinintay... 7 years kong hinintay na dumating 'tong araw na 'to, na mahahawakan ko ulit ang kamay mo... Rhyme... I never stopped loving you... I'm sorry sa nagawa ng Mom ko noon, Pinagsisisihan nya na yun, She's actually waiting for you to comeback too, to apologize for what she did before... Wala na kong makitang hadlang satin... Now, Pwede ka ba ulit kumapit sa mga kamay ko, at hindi na kailanman bibitaw?"
"I missed you so much Jihoon!!! I will never let go of your hand, ever again... I love you... and Happy Birthday."
"Thank you... I love you too"
"Ew talaga!!!!"
"Ew daw pero paulit ulit mong pinapanuod yung video ni Ra at Jihoon! qaqo lang Seonho?" Daniel
Hindi ko alam na vinideo pala nila kami ni Jihoon nung araw na yon. 2 weeks na simula nung bumalik ako at magkabalikan din kami ni Jihoon. Masaya, MASAYANG MASAYA. Akala ko pagbalik ko dito simpleng buhay lang ulit, Walang Jihoon. Mga kaibigan lang. Akala ko pagbalik ko dito, Kasal na si Seri at Jihoon, grabe si Sanha pa pala ang makakatuluyan nya at may anak na sila... speaking of that child... Hiyang hiya ako nun. Sino ba naman kasi ang hindi mag aakalang anak ni Jihoon yung baby? Pero buti nalang...
Nasa isang resort kami ngayon kasama ang buong Avengers at Art-Ista Org.
"Babe" Napatingin ako kay Jihoon nang bigla nya akong tinawag, mahina lang pero sapat na para marinig ko.
"Bakit?"
"Basta, Tara."
Dinala nya ako sa isang cottage na malayo sa kanilang lahat.
"Upo ka dyan" Masaya nyang utos sakin. Hindi ko alam kung ano nanamang pakulo ang iniisip nya pero sumunod naman ako.
Tumayo sya sa likuran ko at naramdaman kong may isinuot sya sa leeg ko. Necklace...
May naalala ako...
"Close your eyes! Ooops bawal sumilip!"
Yayakap yata sya-- No.
Naramdaman kong may kinabit sya sa leeg ko, Necklace. At ang matindi. Kiniss nya yung noo ko after. quingina muka ba kong nanay nya?
"ano na rhyme? dito ka na ba matutulog? dilat na!"
adik ba to? kala ko ba bawal dumilat. tsk tsk
"Kiniss mo pa ko sa noo, ginawa mo pa kong nanay mo!"
"San mo ba gusto?"
"Tanga??? syempre sa-- teka nga ano ba! Maiba nga tayo, baket may ganto ganto pa?" tinuro ko naman yung kwintas na nakakabit sa leeg ko. Napansin kong medyo namula sya, what? nahihiya ba sya? cute.
BINABASA MO ANG
Hugot | Park Jihoon ✔ [Editing]
Fanfiction"paano ba mapansin ni ex?" Gwaproduce #1 | Completed: 170504 - 170529 | WANNA ONE AU