EPILOGUE

1.5K 67 103
                                    


Dahan dahan kong dinidilat ang mga mata ko. 


"Hala shet kinakabahan ako!!!!!!"

"Jusko Daehwi. Sabagay, paa nga ng manok hindi mo mahawakan e!"

"Natatakot lang ako baka mamaya--"

"Its official. Hindi ka Ninong!"



"BITAWAN NYO YANG ANAK KO!!!! MAPAPAHAMAK YAN SA INYO E. Mga bwisit kayo. Hindi pa nga nakikita ng mommy nya e!" 


Boses ni Jihoon yun, sigurado ako.


Pagdilat ko, nakita kong buhat buhat ni Jihoon ang Baby namin. Yes, Tama ka friend! Kanina kanina lang malaki pa tong tyan ko, ngayon OMAIGAAAAHD


"Hon, gising ka na!!"

"Obvious ba?" 


Inilagay nya sa tabi ko yung Baby. Hala ang cute naiiyak ako ;;


"So, anong pangalan ng baby nyo?" Dongmyeong


Nandito din pala ang ibang members ng Art-ista at Avengers. 


"Mag suggest kaya tayo?!" Hyungseob

"Hindi magandang idea yan--" Sungwoon


"Daewhi magandang pangalan" Daehwi

"Mas maganda kung ang pangalan ng Baby boy nyo, Seongwoo. Lumalaking gwapo yung mga may ganyang pangalan e. Tingnan nyo nalang kinalabasan ko diba?" Seongwoo

"watdaef?" Daniel

"Seobseob nalang kaya? Para malapit sa pangalan ko!" Hyungseob

"Ikaw nalang kaya iseobseob ko?" Taehyun

"Uhm... Maganda kung unique ang pangalan nyan!" Hyunbin

"Ano bang naisip mong pangalan hyung?" Kenta

"Yung Unique nga!!" Hyunbin

"Kaya nga hyung, anong pangalan nga?" Euiwoong

"Tsk! Ano sapakan nalang oh?! Yung unique nga e!!" Hyunbin

"Ano ngang pangalan?" Dongmyeong

"Huta ano ulit ulit??" Hyunbin

"Lumayas ka dito Hyunbin! Magigising yung baby sayo!" Dongho

"You know what guys, Let the parents decide!" Guanlin

"Yan! Agree ako dyan!" Jinyoung

"May naisip na ba kayong pangalan ng Baby nyo?" Sungwoon


Napatingin ako kay Jihoon. Hindi namin napagusapan kung anong ipapangalan namin sa Baby namin. 



"Okay, I will let you decide, Ra. basta sa second baby ako ang magpapangalan."


Nagisip ako bigla. Gusto ko lumaki syang kasing cute ni Woojin :) Pero gusto din naman since baby boy sya, may kukunin din ako sa pangalan ng daddy nya.




"Wooji. This is Baby Wooji." 


--


After 4 years...


"Guanlin hyung! Mag asawa ka na din kase para may baby ka na!" 


"No, Tito Seonho. I will always be Tito Guanlin's baby! Right, Tito?"


"Hutek kaya ayokong kinakausap yang batang yan eh! Nagdididikit kase kay Guanlin e!" 


Simula nung dumating sa buhay namin si Wooji, dumadating din araw araw ang mga Tito nya na walang tigil sa pakikipaglaro at pagaalaga sa kanya. Lalong lalo na si Guanlin. Ayan tuloy, kahit ako di ako natutuwang kausapin tong anak ko, Jusko. Mag english ba naman araw araw. Duh. Limited lang english ko no!


"Seonho kausapin mo kase!" Sigaw ko kay Seonho dahil kanina pa sya nakahiga sa lapag at tinititigan lang si Wooji, Hindi nya kase makausap e HAAHAHAHAHA


"Osige try ko." Tumayo sya at lumapit kay Guanlin at Seonho...



"Baby Wooji...."

"Hmm... Yes?"

"Uhm... Is... You... is... eat ice cream?!!! you want?"


Tumingin naman si Wooji kay Guanlin.

"Tito, what did he say?"

"Okay, I'll translate it for you. Tito Seonho said: Do you want to eat ice cream?"

"Yes!!! Let's go Tito Seonho!!!!"


Tumakbo silang tatlo palabas ng bahay.


"Mawawalan pa yata tayo ng anak"


Natawa naman ako sa sinabi ni Jihoon.


"Subukan nya lang itakwil tayo." Natawa rin naman si Jihoon.


Maya maya pa ay mabilis na pumapasok si Wooji sa loob ng bahay papalapit samin ni Jihoon.




"Mommy, Daddy. This is for you. I love you both... Forever"



***

OKAY. IT'S OFFICIAL. TAPOS NA TAPOS NA TALAGA! :)) Thank you ulit! Please abangan nyo yung susunod na Story sa Gwaproduce Series!! Abangan nyo kung sino! I-uupdate ko yung details dito para makita nyo!! THANK YOU GUYS!!

Hugot | Park Jihoon ✔ [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon