Rhyme's POV
Pagdating namin sa venue naghanap agad kami ng vacant table, pero nakita naman namin agad ang Avengers kaya dumiretso na kami dun.
Muka palang ng mga to alam kong nagtataka na sila kung bat ako kasama ni Samuel.
May mga invited din na school mate namin, and I guess taga SOPA yung iba.
"Good Evening everyone, First of all, Thank you so much for coming here tonight. I'm sure, maappreciate ng anak namin ang presence nyong lahat dito. So, shall we start?" Mom nya yata yun. Kahit Mom nya sobrang friendly tingnan.
"Let's all welcome the Birthday celebrant, Seri Lee!"
Lumabas sya suot ang isang napakagandang gown.... Kasama si Jihoon.
"Hi everyone, I'm really glad na dumating kayong lahat sa special day na 'to. Let's all enjoy the night!!"
Nagsimula na ang party, lahat sila masaya. pero ako, No.
Si Jihoon kaya? for sure sobrang saya non. Muka namang okay na ang lahat sa kanya e. Ikakasal na nga sya diba?
Umalis ako sa table namin at nag ikot ikot.
Nakarating ako sa part na wala na masyadong tao.
"Look who's here."
It was Pinky and her friends.
"Sumabit ka pa talaga kay Samuel para lang makapunta dito? Pagkatapos nung ginawa mo kay Jihoon? My gosh Rhyme... ang kapal ng muka mo ha?"
Aalis nalangdapat ako pero bigla nyang hinila yung buhok ko at binuhusan naman ako ng drinks ng mga kaibigan nya.
"Ano bang problema mo sakin Pinky?!"
"Problema ko sayo? Lahat inaagaw mo! Kayo ni Samuel noon diba? Pagtapos ni Samuel si Jihoon naman?! Ngayong wala na si Jihoon babalik ka ulit kay Samuel?! Landiin mo na lahat ng Avengers!!"
Biglang nag init yung pisngi ko nang makatanggap ako ng isang malakas na sampal.
Alam kong malakas ako pero bakit hindi ako lumalaban? Bakit may luha ako?
Binuhusan nya pa ulit ako ng iniinom nya. wtf?
"You deserve all of that--"
"What's happening here?!"
Seri.
Lumapit sya sakin.
"What happened?
"Let's go, Rhyme"
Isinama nya ko sa loob ng bahay nila at pinapasok sa kwarto nya.
"It's better na magpalit ka muna and malinis yung mga itinapon nila sayo."
"Wala akong dala na extra--"
"Don't worry about that. Mapapahiram naman kita, kaya lang hindi 'to dress, nasa condo na kase halos lahat ng damit ko e."
(^ yan yung pinahiram ni seri. LOL super dyosa talaga nung outfit ni Jenjen dyan e. Maipilit lang na maisama dito 😂😂😂😂hahahahahaha.)
"Thank you so much, Seri."
"No problem. I hope maging friends pa tayo lalo and magsabay naman tayo minsan sa school. Ay, wait lang Rhyme ha? May kukunin lang ako sa cr"
Umalis sya saglit at naiwan ako mag isa sa room nya.
Jusq pano ko naman magagawang ibalik si Jihoon sakin kung ngayon palang sapak na sapak na sa muka ko na mas deserve nya si Jihoon? Bakit ba ang bait nya???
"Seri kanina ka pa hinahanap-- What are you doing here?"
"Uhm... Jihoon--"
"Hey Jihoon, sinama ko lang si Rhyme dito, tinapunan kase sya nila Pinky kanina drinks kaya pinagpalit ko muna sya. Isnt she pretty? Look! Bagay sa kanya diba?"
"She's.... Pretty"
"told 'ya! Kaya pala inlove na inlove sayo si Samuel e"
"Kanina ka pa hinahanap ng mga bisita mo Seri dapat siguro bumaba ka na."
"Oh. Sige, I'll go ahead na. Sunod ka Rhyme!"
Nauna syang umalis. Susunod na sana si Jihoon pero pinigilan ko sya.
"Please Jihoon, Let me explain."
"Explain? Explain what? Hindi pa ba malinaw yung nakita ko?"
"No. Jihoon, hindi ko ineexpect na gagawin ni Samuel yun. I had no idea na may balak syang ganun? At kung pinagdududahan mo yung nararamdaman ko sa'yo. Please, Wag. Yes, ako yung nagtetext noon. NOON! Mahal ko pa si Samuel, Noon! Pero Jihoon, nagbago lahat yun. Totoong mahal na kita, Jihoon."
"Ano bang sinasabi mo?"
"Tingin mo ba isusuot ko 'tong peke mong kwintas araw araw kung si Samuel parin yung mahal ko? Tingin mo ba--"
"Stop! Hindi mo ba alam kung anong mangyayari mamaya?"
"Yun lang, Jihoon. Yun lang"
"I still love you, Rhyme. pero hindi ko alam kung mapipigilan pa ba 'to lahat e."
Tumalikod na sya at umalis. Narinig ko ang mga sinabi nya. Pano nga ba mapipigilan 'to? Muka namang wala na din akong magagawa e.
BINABASA MO ANG
Hugot | Park Jihoon ✔ [Editing]
Fanfiction"paano ba mapansin ni ex?" Gwaproduce #1 | Completed: 170504 - 170529 | WANNA ONE AU