105 [end]

1.6K 67 204
                                    


7 years later...

Los Angeles, California 11:00 pm (USA ST)

"Yes Dad. Nasa airport na ko ngayon... I told you already, Okay lang na hindi mo ko mahatid diba?.... Yes Dad, I promise. Okay.... I love you"

Wow. After 7 long years makakabalik na rin ako ng Pilipinas. I guess nakamove on na ko sa lahat ng nangyari noon. Malamang kasal na sila. Malamang masaya na silang namumuhay ngayon.. Baka kasama ang mga anak na pinapangarap ko para sa amin dati.

I dont have any connections with any of them since that day. I've never talked to anyone in the Philippines except from my mom. Kahit sa mga kaibigan ko. 




Manila, Philippines 4:30 am (PST)

Its been a while since the last time na tumapak ako sa Manila. 


7 years... 



"Rhyme Jung" 


Nabasa ko ang pangalan ko, malamang sya na yung driver na pinadala ni mama para sunduin ako. 


"Kayo po ba si Kuya Dino?"

"Ms. Rhyme Jung? Opo. tara na po."



Ang saya bumyahe kapag madaling araw. Walang traffic. Walang kastress stress! Parang LA ang Manila kapag madaling araw. 


"Ilang years po kayo dun ma'am?"

"7 years po. Ganun parin ang Manila no?"

"Wala naman din pong halos nagbago dito. May mga bagong tayong building at mga kainan lang dyan sa tabi tabi. Ganun parin."



5:30 am

Dumating ako sa bahay ng 5:30 am.


"Anak! Namiss kita!" Niyakap kaagad ako ni mama pagdating ko.

"Namiss din kita ma, syempre"

"Gumanda ka yata lalo? Yan ba nadudulot ng LA?" Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Nako ma. Matagal na kong maganda" 

"Hay nako, magpahinga ka na muna sa kwarto mo. Inayos ko yun lahat..."


Umakyat ako sa kwarto ko. Ganun parin ang amoy, Ganun parin yung ayos. Hihiga na sana ako sa kama ko nang mapansin ko ang isang bagay sa study table ko.


Necklace...


"Ano... Ano lang yan..."


"Ano? Ano? aalis ako, sige"


"Ano kase... fake lang yang silver na yan. silver silveran lang yan pero... basta itabi mo lang yan. Lagi mo yang susuot para kahit mag isa ka, ag suot mo yan parang kasama mo parin ako. Don't worry, hindi ka mangangati dyan, sinigurado ko naman dun sa binilhan ko na ok yan. Subukan nya lang lagyan ng rashes yang balat mo lagot sya sakin." 

Hugot | Park Jihoon ✔ [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon