Black condition

0 0 0
                                    

***

Nakarating na ang mga Grande sa mansiyon bumaba na si Don Juan at Kristina sa kotse,,pero naiwan si Monica at Doña Helen,dahil nag-usap pa sila tungkol sa nangyari kanina sa party...Nang masigurong bumaba na ang driver sinimulan nang kausapin ni Doña Helen si Monica



Hindi pa nagsisimula si Doña Helen sa pagsasalita halos kaba na ang bumabalot kay Monica,dahil alam nito ang ugali ng ina na mapagsik,mapanakit,at strikta...bumalik na naman sa isipan niya ang nangyari sa kanya noong Grade School siya na sinaktan siya ng mama niya dahil sa pakikipaglaro sa mga anak ng trabahador noon sa University of Knowledge pati na rin kay Rodrigo.... Kaya wala pa mang sinasabi si Doña Helen ,halos tumulo na ang luha niya sa kanyang mga mata



"Don't cry Monica you looked immature, remember 17 years old kana, please act mature ...an adult"

"I'm sorry mom"

Tuluyan na ngang tumulo ang luha ni Monica


"Pero,I don't want to waste your tears iha....we continue it,"


Tumindi pa ang kaba ni Monica nang hawakan siya ni Doña Helen sa mukha

"Mommy,please!!"

Hindi na nakasalita pa si Monica dahil nilamutak na ni Helen ang bibig niya


"Monica I want you to know,layuan mo ang mga Marques ilang ulit ko ba uulit-ulitin na hindi maayos ang gusot ng pamilyang yon"

Humagulgol na si Monica kaya binitawan na siya ni Doña Helen


"Monica lumayo kana kay Rodrigo.... dahil ang mga karibal mo ay parang mga Leon .....tahimik kapag nakaharap mo,pero pag tumalikod kana nakahanda silang kainin,kalabanin,traydurin ka at higit sa lahat patayin ka"


Lumabas na si Doña Helen sa kotse kaya naiwan na lang si Monica na patuloy pa ring umiiyak

***


Nakarating na ang mga Marques sa kanilang mansiyon na katapat lang ng mansiyon ng mga Grande. Halata pa rin kay Rodrigo ang pag-aalala kay Monica

"Ano na kayang nangyari sa kanya"

Pumasok na siya sa mansiyon at tinanong siya ni Doña Esmeralda

"Rodrigo do you have a
problem??,pansin ko simula nang umuwi tayo tahimik ka??"

Hindi nakasagot si Rodrigo,dahil nakatulala siya sa kaiisip kung anong nangyari kay Monica....Kaya kinalabit na lang siya ni Esmeralda para maagaw ang atensyon niya

"May problema ka anak???"

Sa puntong ito sumagot na si Rodrigo

"Ahhhhh...mom kasi wala siguro pagod lang ito,kaya pupunta na po ako sa kwarto"


Pagtapos yumakap kay Doña Esmeralda umakyat na si Rodrigo sa kwarto

***

Halos isang oras rin si  Monica sa kotse,, bago siya lumabas siniguro niya munang maayos siya...tinanong siya agad ng kasambahay


"Mam Monica,,may ginawa na naman ba ang mommy niyo sa inyo?"


Hindi nalang sinagot ni Monica ang tanong...niyakap na lang niya ang kasambahay

"Wala po ya,,sanay naman na ako na ganito si mommy sa akin...matutulog na po ako"

Umakyat na si Monica sa kwarto.Pero hindi pa rin natahimik si Doña Helen sa nangyari kanina  sa party kina Monica at Rodrigo,habang humihithit ng yosi with a glasses of wine halos magngitngit siya sa galit

"Alam mo Juan yang anak mo pagsabihan mo,napakatigas ng ulo ilang beses ko nang sinabi stay away from the Marques clan"

Sinagot nalang siya nang patulog na si Don Juan

"Pwede bang tigilan muna si Monica ,gusto niya lang makipagkaibigan sa binata"

"Talaga lang ha Juan,,Friends on our rival,,para kana ring nagpapasok ng predators on your own territories,,please Juan Grande kahit ngayon lang naman use your common brain"


***


Nasa kwarto na si Rodrigo gaya ng sinabi niya kay Doña Esmeralda,dapat matutulog na  siya pero hindi niya pa ring maiwasang isipin si Monica tungkol sa nangyari.



Kaya kinuha nalang niya ang bag niya sa may couch.Binuhos niya ang laman sa kama,,lahat-lahat notebook,ballpen,pati kalat at etc


"Bat sobra ang notes ko dapat eight lang to ha"


Inusisa niya lahat ng notebook at napansin niya nga na hindi sa kanya ang isa


"Ha....bat nandito tong notes ni Monica??"


Naalala na lang ni Rodrigo na ipinahiram pala ni Julia sa kanya ,ang bestfriend ni Monica... Binuksan niya ang notes kaya nalaglag ang mga nakaipit na papel,umagaw sa atensyon niya ang isang papel na may pangalan nila ni Monica


"Nakakatawa naman tong si Monica ....naniniwala sa Flames,at saka married daw kami"


Sabay tawa si Rodrigo,pagkatapos  niyang maayos ang bag....nagpasiya na lang siyang matulog




***
End of Chapter 2:Black Condition
***

*Julia-Monica's bestfriend

GemIniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon