1

676 22 1
                                    

" Hinila niya ang kamay ko at niyakap sabay sabing,  ' I like you too. I don't want you to see me as your friend,  I want you to see me as your man. ' Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.  Kailan pa? Bakit? Akala koba hindi ako? Ang daming tanong na gusto kong itanong sakanya pero nangibabaw ang kaligayahan sa puso ko. I hug him back. "

Sinarado ko ang librong binabasa ko. Ang cheap. Mag bestfriend tapos mag- iinlove sa isa't isa.  Ang common masiado ng istorya. Tumayo nako at lumabas ng Cafeteria. Habang naglalakad ako ng may naramdaman kong may umakbay sakin.  Sa bigat palang ng kamay niya alam ko naman kung sino siya

"Hoy bakla alisin mo yang kamay mo baka hindi nako tumangkad sa sobrang bigat niyan." Sabi ko sakanya at tinabig ang kamay niya. 

"Tumatalon ka naman pag new year kaya okay lang." Dali dali ko siyang binatukan.

"Gago." Nagmadali nakong naglakad papunta sa classroom namin.  Siya lang naman ang isa sa mga close friend ko.  Si Sage,  minsan kasi ang daldal niya kaya tinatawagan ko siyang bakla. Tsaka nung panahong ayaw niyang pagupit ang buhok niya mukha kasi siyang bakla noon kaya nasanayan kong tawagin siyang bakla.

"Bad mood ka? Meron ka?"

"OO.  Kaya lumayu layo ka sakin ngayon!" Sigaw ko pero biro lang at umupo sa upuan ko.

Tumahik nalang siya at umupo sa tabi ko. Akala ko hindi na niya ako kakausapin ng magsalita siya.

"May nagugustuhan ako. " bulong niya sakin.

Hinarapan ko siya. Tinignan ko siya sa mata at nakita kong nakatingin din siya sakin.

"Hindi nako magtataka ang daming gwapong nag aaral sa school. " biro ko at umiwas ng tingin.

"Hindi. Maganda siya. "

"Oo. Pag ginawang babae?"

"Gago. " sabi niya at binatukan ako. Aba masakit yun. Baklang to hu. Babatukan ko din sana siya ng dumating ang prof namin. Tinignan ko siya ng masama at nagbelat lang siya. Bakla talaga! Pasalamat siya at nakaligtas siya sakin. Inirapan ko siya nag nakinig nalang ako sa boring kong prof.

"Pano mag doorbell ang unggoy?" Hirit ni Sage habang naglalakad kami papuntang terminal ng mga jeep.

"Magdoorbell ka jan." Turo ko isang gate na may doorbell. Sinamaan niya ako ng tingin at hinila pisngi ko. Tinapik ko ang kamay niya dahil magsisiopao pisngi ko. Bwisit.

"Nagjojoke kasi ako."

"Hindi halata. Pero paano ba?"

"Edi king-kong~~" ginaya pa niya ang tunog ng doorbell.  I look at him with my poker face look habang siya tawa ng tawa.

"Last mo na yan." Sabi ko at tumawa. Ewan ko kung bat ako natawa sa joke na corny o sa tawa niyang masaya.

"Uy tumawa din siya. Benta?"

"Dalian mona jan baka wala tayong masakyan na jeep!" Naglakad nako ng mabilis.

"Oh lima pa,  lima pa,  lima pa!" Sigaw ng caller. Dali dali na kaming sumakay habang medyo maluwag pa ang jeep. Ang init!

"Bakla ang init."

"Hot ako. Teka may polbo ka na namuo sa noo mo Kei." What? Kinuha niya ang panyo niya at pinunasan ang noo ko. Tae ang bango ng panyo niya.

"Bakla bat dimo agad sinabi. Pero infairness ang bango ng panyo mo. Ano downy niyo?"

"Ngayon ko lang napansin e. Antibak to yung kulay pink. Try mo din gamitin."

"Tubol. Hahahahaha."

"Dalawa nalang oh,  kaliwa't kanan pa." Sigaw ng caller pero medyo masikip na dito sa kaliwa.

Can We?Where stories live. Discover now