5

45 5 0
                                    

Pagdating ko sa bahay, as usual. Pinaglinis na naman ako ng magaling kong ate.

"Kailangan mong humanap ng trabaho pagtapos mo ng highschool! Hindi pweding ako nalang palagi ang magpapaaral sayo hanggang sa magcollege ka! Kung pwedi lang at wag kana mag college!" sigaw niya sakin habang naghuhugas ako ng mga plato.

"Bakit? Ano bang sabi ni Mama?" ang alam ko kasi, ang sabi nila sakin noon. Patuloy padin sila magpapadala ng pera kay ate para sa pag aaral ko.

"Hindi na sila nag papadala! Tapusin mona nga yan! Ang dami mo pang dada e!"

Haaaay. Wala nakong magawa kundi tapusin ang ginagawa ko para nadin makapagpahinga ako.

Matutulog na sana ako ng mapansin ko ang sketchbook ko 3 years ago. Binuksan ko ito at muli kong nakita ang mga larawang ginuhit ko noon kasama siya. Nakita ko na naman ang maganda niyang ngiti. Bigla ko na naman naalala ang malalang trahedya na nangyari noon na hirap na hirap kong kalimutan.

******

Flashback-

"Hindi moba talaga ako sasamahan?" sabi ni Hesh habang hawak hawak ang kamay ko.

"Hindi Hesh e. Pinapauwi kasi ako kaagad sa bahay ngayon. May sakit kasi si Papa." sagot ko sakanya at mukhang naiintindihan naman talaga niya yung sitwasyon ko.

"Sige na nga! Ako nalang mag isa." kahit na sumang ayon siya, may tampo padin sa boses niya.

"Babawi ako sa susunod, promise. Tapos pupunta na tayo don sa Wicked Snow na sinasabi mo." nakuha ko na naman ang kiliti niya.

"Oo na. So, mauna nako ha? May bibigay ako sayo bukas Kei!"

"Ano naman yun?"

"Basta! Masusurprise ka."

"May surprise surprise kapang nalalaman jan ha. Sige na, baka mahuli kapa sa pupuntahan mo. Ingat ka ha!"

"Mag ingat ka din bestfriend!" sigaw niya sakin at kumaway na palayo. Napailing nalang ako at ngumingiti habang tinitignan siya palayo.

We're in grade 7, siya yung una kong naging bestfriend. Since elementary, ang saya lang kasi hanggang ngayon magkasama padin kami. Though, hindi ko lang siya nasamahan sa pupuntahan niya ngayon, dahil pinagbibilis nako ng magulang ko na umuwi at walang magbabantay kay Papa dahil aalis sila.

---

Kinabukasan, excited nakong pumasok sa school dahil ibabalita ko kay Hesh na magttransfer yung crush niya nung Elementary kami sa school namin.

Kaso - hindi ko alam kung ano magiging reaction ko pagpasok ko sa school. Unti unting nanlalambot ang tuhod at buo kong katawan.

"Isang Grade 7 student, natagpuang patay sa Block #4 sa Barangay Lupa. Siya ay nagngangalang Heshy Cruz, 13 na taong gulang."

Nakita kong dumadami na ang mga estudyante na nanunuod sa malaking screen sa harapan ng school namin, kung saan laging nagpapalabas ay mga balita.

Nakita ko ang larawan, habang patuloy na nagsasalita ang reporter. Hindi to maari. Hindi yun si Hesh. Hindi to pweding mangyari. Naramdaman ko nalang na unti unting tumutulo ang luha ko at nakita ko ang isang sketchbook na hawak hawak ni Hesh. Unti unti nakong napahagulgol sa harapan na school namin at wala nakong pakialam sa mga dumadaan at nakakakita sakin.

Tinignan ko ang cellphone ko, nakaoff ito at binuksan ko. Nakita ko ang daming missed call at text message ni Hesh sakin.

"Kei! May binili ako para sayo! Hulaan mo kung ano."

"Kei? Bat feeling ko may sumusunod sakin kanina pa. Hahahahaha."

"Hindi ka na naman nagrereply! Wala ka na namang load no?!"

Lalo akong humagulgol ng mabasa ko ang ilan sa mga text messages niya.

Dumating sa punto na, kailangan kong pumunta sa burol niya. Kaso-

"WALANG HIYA KA! IKAW! IKAW ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT NAMATAY ANG ANAK KO! KASALANAN MO KUNG BAKIT SIYA NAWALA! KASALANAN MO ANG LAHAT! KASALANAN MO!" sigaw ng mama niya sa harapan ko kasabay ng pagsampal niya sakin.

Wala akong magawa kung hindi umiyak at tanggapin ang lahat. Lahat ng mga sinasabi nila. Kasi, kasalanan ko nga. Ako. Ako, yung may kasalanan kung bakit siya nawala. Hindi ko siya sinamahan nung araw na yon. Hindi ko siya nirereplyan. Hindi ko nasagot lahat ng mga tawag niya. Sobrang sakit. Bakit siya pa yung nawala. Bakit? Hindi ba pweding ako nalang, kasi ako yung madaming problema sa buhay. Bakit yung taong nagpapasaya pa sakin yung nawala? Bakit yung taong laging nanjan para sakin ang nawala?

End of Flashback-

Muli na naman akong naiyak. Itong sketchbook nato ang bigay niya sakin. At puro siya lang ang laman nito. Mula noon, lumipat ako ng school. Ngunit, hanggang ngayon, sinisisi ko padin ang sarili ko kung bakit siya nawala. At feeling ko lahat ng tao kinamumuhian ako. Kaya't hindi nako naghanap pa ng ibang kaibigan, hanggang sa makilala ko si Sage.

Can We?Where stories live. Discover now