9

20 2 0
                                    

I think, ako ata ang nahihibang at feeling? Nababaliw na ako kakaisip sa ginawa ni Sage kahapon. Nakakainis tuloy. Mukha akong lutang dahil doon.

"Okay, guys please come to my party tomorrow!" narinig kong sabi ni Philease at tumahimik ang buong klase. Walang pa ang prof namin kaya naman maingay pa kami.

Tumayo si Philease at binigyan kami ng tig isa isang invitation.

"Hope y'all will come." masayang sabi niya at bumalik na sa pwesto niya.

Sa likod ng card may nakalagay na

To: Ms. Kei Alielle

Binuksan ko ito at masasabi ko na pang mayaman talaga ang party niya.

"You're now invited to attend Miss Philease Montemayor's 18th birthday at Villa Montemayor's resort. August 29 2017 at exactly 6:00PM.

Hoping you to go there. Please come!"

Tapos may picture pa niya na nakaformal dress. Wao. It's a resort so ibig sabihin it's a swimming party? tapos gabi pa. Tinago ko nalang ito at hindi na pinansin dahil wala naman akong balak pumunta. Kinuha ko nalang ang sketch pad ko at nag umpisang mag drawing.

"Good to know that you cameback to your old self." tinignan ko kung sino yung nagsalita and it's Chace na nakaupo na pala ngayon sa tabi ko. Nginitian ko lang siya at tinuloy ang pagddrawing kay Philease na may pagkalakilaking sungay.

"Mahilig kaba sa brutal scenes?" siguro napansin niya na mukha ng devil ang dinodrawing ko HAHAHAHA. Ewan koba bat ganito ang nafefeel ko kay Philease, parang ang bait niya pag tinitignan pero sa loob loob e sobrang sama. Sabi nga nila nasa loob ang kulo. Tsk tsk

"Teka! Parang kilala ko yang dinodrawing mo! Si Phi--" hindi na niya natuloy ang pangalan ni Philease dahil agad agad kong tinakpan ang boses niya. Makareact to ang oa oa e. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan sabay alis ng kamay ko sa bibig niya. Hindi padin siya nagsasalita at mukha ng istatwa dahil sa hindi pa siya gumagalaw, anong trip neto?

"Ingay mo kasi." sabi ko at iniwan siya doon.

*********

"Bakla san tayo pupunta?" tanong ko sakanya, dahil kanina pa niya ako hinihila.

Tumigil kami sa paglalakad ng mapansin kong nasa gilid kami ng school kung saan pinapark ang mga bicyle at mga motors.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ko, sa halip na sagutin ko iyon, hinagis niya ang isang helmet na kulay mint green sa akin na sakto ko naman nasalo.

"Dali, suotin mona yan tapos sakay na." sabi niya, tinignan ko siya na naka helmet na at nakasakay na sa motor kaya naman no choice nalang ako kung hindi sumakay.

"Umaasenso kana bakla ha!" sabi ko at hinampas ang balikat niya.

"Hawak mabuti Kei. Hindi nako marunong magmaneho neto!" sabi niya na siya namang kinagulat ko at hinawakan ng mahigpit ang balikat niya.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay at pinalupot sa bewang niya sabay pinaandar ang motor ng mabilis. Seryoso, shook padin ako sa ginawa niya.

Habang tumitingin ako sa dinadaanan namin, napansin ko na papunta kami sa lugar nila. Don't tell me pupunta kami sa bahay nila?

Tama nga ang nasa isip ko. Tumigil kami sa garahe nila.

"Wag kang mag alala. Kaninang umaga pa umalis sina Mama para sa business meeting sa HongKong." sabi niya habang inaalis ang helmet sa ulo niya. Inalis kona din ang akin at bumaba sa motor.

"Anong gagawin natin?"

"Basta!" Hinila nalang niya ako papasok ng bahay nila, pagpasok namin, dinig na dinig ko ang sobrang lakas na rock song na nagmumula sa kwarto ng kapatid niya. Wala nga ang parents niya. Ngayon ko lang namalayan na nasa harap na kami ng kwarto ni Sage.

Abaaa? ANONG BINABALAK NETO?!

"BAKLA! ANONG BINABALAK MO HA?!" sigaw ko sakanya, para marinig niya dahil nagmistulan ng BAR ang sa lakas ng tugtog.

"WAG KA NGANG MAG ISIP NG KUNG ANU ANO DYAN. FEELING NETO." sabi niya at ngumisi. Binuksan na niya ang pinto at hinila ako sa loob.

Isa lang ang masasabi ko, ang linis. Sobrang linis. White yung pintura at sobrang lawak. May study table pa, tapos may piano na katabi neto. Just WOW. Sa ilang years na magkasama kami ni Sage, ngayon lang ako nakapunta sa kwarto niya.

Hinawakan niya ang balikat ko at tinulak sa harapan ng computer.

"Anong gagawin?"

"Try to talk to your parents Kei." seryosong sabi niya. Napahinga ako ng malalim dahil miss na miss kona sina Mama. Binuksan niya ang computer at dali dali akong nag open ng facebook.

"Maliligo lang ako." sabi niya at umalis na.

Sakto naman na naka online si Mama at chinat siya na mag uusap kami through skype, pumayag naman siya agad dahil wala din daw siyang ginagawa sa oras nato.

"M..ma--" nauutal na tawag ko sakanya, hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sobrang namimiss kona siya.

"A..anak." tuluyan ng tumulo ang luha ko kasabay ng pagtulo ng luha ni Mama. Sobrang nangayayat siya at ang putla putla niya. Mayroon din siyang suot na scarf sa leeg na siyang pinagtaka ko dahil ayaw na ayaw ni mama ng may sinusuot sa leeg niya e.

"Ma. Miss na miss kona kayo." gustung gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

"Miss na miss kona din kayo anak. Kamusta kana? Pagpasensyahan mona si Mama ha." sabi niya at pinupunasan ang luha sa pisngi niya. Umiling ako sakanya at nagsalita.

"Okay lang yon ma. Sana makauwi kana, kayo ni Papa dahil sobrang sabik nako na makita kayo."

"Makakauwi din kami jan. Basta pangako mo sakin na mag aaral ka ng mabuti ha."  tumango tango ako sakanya.

"Nasaan pala si Papa?"

"Hinatid niya ang boss namin dito sa meeting nila. Teka, nasaan ka? Wala kaba sa bahay?" mukhang napansin ni mama ang loob ng kwarto ni Sage.

"Wala ma. Nasa bahay ako ng kaibigan ko." ngumiti naman siya sakin bilang sagot. Nginitian ko din siya.

"Ma-----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang mag brownout. Hala pota?

"Sage?" tawag ko kay Sage. Wala akong makita dahil sa sobrang dilim. Tapos mukhang wala pa si Sage dito sa kwarto niya. Tumingin ako sa paligid at naramdaman kong bumukas ng pinto.

"San ka Kei?!" narinig kong sigaw ni Sage kaya naman tumakbo ako papunta sa gawi niya at hinawak hawakan ang katawan niya. Tangina---- BAKET?!

BAKET?! BAKIT?! BAKIT?! Naistatwa kami parehas dahil sa nahawakan ko lang naman ang katawan niya na walang damit. Yung ano abs niya na sobrang tigas. Tangena, nag init ang mukha ko sa kahihiyan at napaupo nalang. JUSKO PO.

******

Can We?Where stories live. Discover now