10

20 2 0
                                    

"Anong meron?"nagtatakang tanong ko kay Sage habang nandito kami sa field kasama lahat ng mga estudyante. Hindi ko alam kung bakit kami pinatawag dito, mukhang may mahalaga ata silang sasabihin.

"Kei. Kahit anong mangyari wag na wag kang mawawala sa paningin ko. Okay?" seryosong sabi ni Sage habang nakatingin sa mga officials ng school. Lalo tuloy akong nagtaka sa sinabi niya kaya tumango nalang ako.

"Hello, goodmorning everyone!" bati ni Mr. Saleves and assistant principal ng school. Sabi ko nanga ba! Siya talaga yung isa sa mga nakita ko noon na kasama ni Montemayor e! Hindi ako nagkakamali. Siya talaga yon! Tsk tsk tsk. Baka may affair silang dalawa?!

"I know, masiadong mabilis ang mga nangyayari. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Alam naman natin ang nangyari kay Ms. Chavez, the President of our Student Council right? Until now, detectives, police and officials can't find the reason of her dead that's why we decided na all of the students here will stay at dormitories for investigations. We already tell your parents and they've agreed. This is for the peaceful of our school so please cooperate. As of today, you may now go home to ready your things. Thankyou!" sabi niya at umalis na sa harapan ng mic. What? For petes sake! Ilang years ng hindi nagagamit ang mga dorms sa school. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or what! Kasi iniisip kona hindi kona makikita si ate for few days or weeks, but hell no. Kahit ganon siya, ate ko pa rin siya at mahal ko siya.

Napatingin ako sa mga estudyante, yung iba masaya, yung iba malungkot at yung iba naman walang pakialam. Haaays.

"San tayo pupunta?" tanong ko kay Sage na ngayon ay hatak hatak ako palabas ng school.

Pumasok siya sa Coffee Cafè na katabi ng school, nag order siya ng dalawang frappè at umupo kami sa gilid.

"Look Kei, wala kabang napapansin?" simula niya at uminom ng frappè niya.

"Saan naman?" Linabas niya ang papel at ballpen niya. At sinimulang mag sulat.

"Tignan mo, when Philease attend the school, month of August. Nakakapagtaka, dahil first of all alam natin na hindi na tumatanggap ng transfee students and school in the month of July. Then suddenly the TOP 1 of our school na siya rin ang President of SC is namatay." nilagyan niya ng exis ang SC president na nasa papel niya.

Wait- come to think of it na parang may connection talaga si Philease sa school na ito.

"Remember before? Yung namatay na estudyante sa dark forest?"

"Oh, Napano?"

"She's Philease cousin."

"WHAT? SO IT MEANS?"

"Ssshhh" tinakpan ni Sage ang bibig ko gamit ang kamay. Tumango tango siya at inalis ang kamay niya sa bibig ko.

"Tama ka ng iniisip na lahat ng nangyayari sa school e, may connection yung Montemayor na iyon." naiinis na sabi niya. Kaya naman hindi na ako nagpaligoy ligoy, sinabi ko sakanya na nakita ko noon si Philease na papunta sa office ng principal at kasama ang ibang officials.

"We need to think na maaring mangyari pa." napatingin ako sakanya at nakatitig siya sa akin na para bang naghahanap ng sagot sa mga mata ko. Nailang ako bigla. Umiwas agad ako ng tingin sakanya at ininom ang frappè na hawak ko.

****

"Okay Girls listen! The piece of paper that we gave to you is your dorm number. You may now go and find your room with your room mates." sabi ng isang official, tinignan ko ang hawak kong papel,

Room #250

"Anong room ka Kei?" tanong ng isa sa mga kaklase ko na si Riza, ang top 1 sa klase namin. Ang alam ko isa din siya sa mga student council ng school, hindi ko lang alam kung anong posisyon niya.

"Room #250." sagot ko at ngumiti siya ng malawak.

"We're the same! Tara na!" hinila niya ako upang hanapin ang room namin, nakakapagtaka lang dahil hindi naman kami madalas mag usap neto. You know I barely talk to others. Pero sige, kesa naman sa wala akong makausap sa girls dorm na to diba?

Pagdating namin sa room agad agad namin itong binuksan at inayos na ang mga gamit na dala dala namin. May tatlo itong kama, yung isa double deck tapos yung isa sakto lang para sa isang tao.

"Saan mo gusto Kei?" biglang tanong niya habang tinutupi ang damit niya at nilalagay sa cabinet.

"Kahit saan. Ikaw ba?" komportable naman ako matulog kahit saan, kahit mag sahig pako.

"Let's wait our roomate na muna." sabi niya at nginitian ako kaya naman tumango tango ako sakanya.

"Buti nalang talaga ika yung room mate ko! Hindi ko ata makaya kung ibang estudyante ang makakasama ko." sasagot pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Napatingin kaming parehas ni Rina and we saw her. WHAT?

Philease Montemayor will be my roommate?!

Kahit na shock na shock ako pinili ko pading wag ipakita sakanya.

"Omg. You'll be our roommate?" masayang sabi ni Rina na konti nalang e, magtatatalon talon na sa kama.

"Yes." sagot naman ni Philease at ngumiti ng plastic. Hay nako etong si Ate gurl ang galing galing makipag plastikan. Napairap nalang ako ng hindi nila nakikita, siempre hindi lang siya, dapat ako din no.

Dirediresto siya sa kama at agad nilabas ang mga gamit niya. Kaya naman no choice kami ni Rina na sa double deck kami. Sa taas ako tapos sa baba siya. Pagtapos ko ayusin gamit ko dali kong kinuha ang phone ko para itext si bakla.

To; Baklang Sageng

"Bakla! Ka room mate ko si ate gurl!"

Wala pang 5 minutes agad agad na siyang nagreply.

"Keep your eye on her!"

So, makakakuha kami ng sagot kapag binantayan ko siya?! Well, it's a good idea.

"Lalabas lang ako saglit." hindi pa sila pumapayag agad agad nakong lumabas sa room namin. Naglakad lakad lang ako kung saan saan hanggang sa napatigil ako dahil sa narinig ko.

"Hanggang kailan mananatili ang mga estudyante dito?"

"Hangga't hindi natatapos ang plano."

Hindi ko alam kung sino sila, pero sigurado ako na lalaki silang parehas dahil boses pa lang. Anong plano? Anong binabalak nila?

*******

PLEASE VOTE!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Can We?Where stories live. Discover now