6

32 5 0
                                    

Pagdating ko sa school, bumungad sakin ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa freedom wall. Hindi kona sana papansinin dahil baka isang pagbabash lang yon ng mga estudyante, ngunit narinig ko ang usapan ng dalawang estudyante malapit sakin.

"Sayang siya pre no."

"Oo nga. Ang ganda pa naman niya tapos matalino pa. Sayang lang talaga."

"Tsk tsk. Tara na nga at baka mahuli pa tayo sa 1st subject natin."

"At kailan kapa natakot mag cutting ha?"

Tumungin ako sa gawi nila, at umalis na sila. Sino ba yung tinutukoy nila? At bakit naging sayang? Nag aalisan na ang ibang mga estudyante na umaaligid sa freedom wall dahil malapit na ngang mag umpisa ang 1st subject. Eto na, chance kona ito. Lumapit pa ko para makita ang nakasulat doon.

"PRESIDENT OF STUDENT COUNCIL NATAGPUANG PATAY."

W-what? At mayroon pang mga pictures kung paano siya pinatay. Natagpuan ang katawan niya sa Dark Forest, which is nakakatakot.

"Kei!"

"Ay bakla kang nabuntis!"

Pagtingin ko si Sage lang pala. Bwisit na baklang ito! Gulatin daw ba ako. Binatukan ko nga ng pagkalakas lakas.

"Masakit yun Kei ha!" sabi niya habang hawak hawak ang ulo niya. Parehas kaming natahimik at humarap sa freedom wall.

"Hindi ko aakalain na muling mangyayari to." bulong niya habang seryosong pinagmamasadan ang mga larawan.

"Alam naba ang dahilan kung bakit siya namatay?" umiling lang siya bilang sagot.

"Tara na nga Kei, at late na tayo." Hinila niya ako papunta sa classroom at tama nga siya. Late na kami, dahil nandon na ang prof namin.

******

Ang buong school ay pinalibutan ng pagkadalumhati at takot dahil sa pagkamatay ng President ng student council. Sa canteen, sa library, sa hallway ay laging pinag uusapan ang nasabing issue. Haaaay. Ano bang meron sa forest na iyon?

"Kei. Hindi ako makakasabay sa pag uwi sayo ngayon."

"Bakit naman?"

"Sasamahan ko si Philease e. Kaya mauna kana ha! Kita nalang tayo bukas. Babay Kei!" sabi niya at nagmadali na siyang lumabas sa classroom. Bakit naman niya sasamahan si Philease? Kailan pa sila naging close?

Tsk. Inayos kona din ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom. Tinignan ko ang suot kong wrist watch at 4:30PM palang ng hapon, kaya naman naisipan kong mag computer muna sa computer lab na available for studying and research. Pagpasok ko medyo konti nalang  ang mga estudyante. Nilapag kona ang mga gamit ko sa baba at nagsimula ng mag computer.

Una kong sinearch ang Dark Forest in STIC University. Ang creepy ng isang picture na nakita ko. Madilim at sobrang daming puno, siempre forest nga diba. Ano kaba Kei. Nagtingin tingin pako ng ibang picture na tungkol sa Dark Forest. Nagbasa naman ako ng mga articles tungkol dito. Wala akong nakitang legit na mga articles tungkol dito. Ngunit may isang comment na kumuha ng atensiyon ko.

" PSRO : Sino mang pumasok sa Dark Forest ay mamamatay. "

What? anong trip neto? Then, bakit yung ibang pumunta ay hindi naman namatay? At sino ba itong PSRO na ito. Yung sa lotto?
PCSO yon Kei ano kaba. Ano ba tong naisipan ako at isearch ang tungkol dito. Haaays, nag inat ako ng katawan at napatigil ako dahil napansin ko na ako nalang palang mag isa ang nasa loob ng computer room. Hala pot---- dali dali kong pinatay ang computer at lumabas ng room. Napansin ko na mag gagabi na at 6PM na!

Holy shit diba. Bat ang dilim dilim na eh, 6PM palang! Lumabas nako sa school at naglalakad na papunta sa sakayan.
Ano bang meron ngayon at bakit wala ng masiadong tao sa hallway. Dali dali nakong laglakad ngunit parang nararamdaman ko na may sumusunod sakin.

Hindi kona iyon pinansin at pumunta nako sa sakayan ng mga jeep ngunit wala ng Jeep! Putangina, ano ng gagawin ko. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Sage.

"Ano ba bakla sumagot ka nga!" bwisit bakit hindi pa sinasagot! Bigla akong kinilabutan ng humangin ng malakas. Damnnnn!

"ASAN KA SAGE?! DITO PA AKO SA SCHOOL. WALANG JEEP! TAPOS PARANG MAY ANO DITO. SAGUTIN MO TAWAG KO!" sent message!

Naglakad ako papunta sa kabilang kanto, dahil alam kong may isang sakayan din doon. Sinubukan ko ulit siyang tinawagan ng tinawagan ngunit wala padin. Muli ko na namang naramdaman na may sumusunod sakin, tumigil ako at himinga ng malalim at tumingin sa likuran ko. Ngunit wala naman. Tumingin tingin ako sa paligid, at may nakita akong anino sa likod ng pader.

Shit shit shit. Bulong ko at minadalian kona ang paglalakad, naramdaman ko naman ang panginginig ng mga kamay at tuhod ko. Bigla biglang nag vibrate ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Agad ko ng sinagot dahil si Sage iyon.

"NASAAN KA?!" bungad niya sakin. Hindi ako makapagsalita dahil may naramdaman akong tao na nasa likuran kona ngayon. Nanginginig na din ang kamay ko dahil sa takot.

"N--nan nandito a-ko sa ano." napatingin ako sa harapan ko at hindi ko na alam kung nasaang lugar ako.

"Saan? Wag mong ibababa at ---" hindi kona narinig ang kasunod na sinabi ni Sage dahil may humawak sa leeg ko at nabitawan ko ang cellphone ko. Malamig ang kamay niya at tuluyan nakong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ka pweding maging ganyan Kei, lalo na at hindi maganda ang sitwasyon mo ngayon! Kailangan mong lumaban at tumakas!

"Si.. sino ka?!" mariing sabi ko kahit bakas na bakas ang takot sa boses ko. Naramdaman kong may kinukuha siya bulsa niya, alam kong panyo iyon na ipangtatakip sa ilong ko upang mawalan na malay kaya naman gamit ang siko ko at sinikmuraan ko siya at tumakbo ng mabilis. Paglingon ko ay napaupo siya sa sahig at mabilis na tumayo. Hindi kona alintana kung saan ako tatakbo basta makatakbo lang ako sa mga madaming tao.

Muntik naman akong mahimatay ng may humila sakin at dinala sa likod ng isang pader. Sisigaw na sana ako kaya lang tinakpan niya ang bibig ko. Ramdam ko ngayon ang hininga niya sa likod ko at hindi ko alam ang gagawin ko.

"Ssshhhh wag kang maingay. Si Sage to." narinig kong bulong niya at dahil doon tuluyan ng nanlambot ang mga tuhod ko, hinawakan naman niya ang bewang ko upang hindi tuluyang mapaupo. Ilang minuto kaming ganoon ang posisyon.

Inalis na niya ang pagkakahawak sa bewang ko at pagkakatakip sa bibig ko. Hinarap niya ako sakanya at biglang niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam ngunit sa pagkakataong iyon tuluyan nakong naiyak.

***

Can We?Where stories live. Discover now