3

252 10 0
                                    

"Bakit ba naging kaibigan kita?" Tanong ko sa isip ko habang nakikita ko silang dalawa na nag-uusap,  habang nakapatong ang kamay sa baba ko.

Almost 2 years na kaming magkaibigan ni Sage, masaya kasi hindi nako naghanap pa ng ibang kaibigan dahil sakanya.  Masiado akong nakuntento. Tinignan ko ang mga kaklase ko na may kanya kanyang grupo may nag uusao ng seryoso at yung iba naman nagtatawanan.

Ano ba,  bat ang tagal ng professor namin ngayon? Halos late na siya ng 15 minutes e. Matutulog nalang sana ako ng biglang kumulog tyan ko. Hindi pala ako nag breakfast kaninang umaga.

"Sage. Ayaw mong kumain?" Tanong ko sa katabi ko habang kinakausap si Philease.  Hindi man lang siya humarap at patuloy parin sa pakikipagkwentuhan. Aba,

"Hoy Sage. Samahan mokong canteen." Kinalabit at sinundot ko balikat niya kaso wala pa din. Bwisit

"Sage." Bulong ko sa tenga niya kaso tumawa siya ng tumawa dahil sa usapan nilang dalawa.  Kaya tinaas ko kamay ako tinulak siya ng malakas muntik na masubsob sa desk ni Ms. Transferee. Muntik nako maghalakhak dahil sa mukha niya. Haahahahahah

"Problema mo?" Sabi niya at sabay harap sakin ng may pagkainis at seryoso.

"Gago kasi.  Kanina pa kita tinatawag hindi ka humaharap." sabi ko at tumawa sa harapan niya.

"Bakit ba kasi? Nakikita mo namang may kausap ako." Ang sunget ng baklang to. Umayos siya ng upo sa tabi ko.

"Mag papasama sana ako sa canteen?"

"Hindi kaba marunong pumunta ng canteen? Ano ka? Transferee din?" Aba? Tinitigan ko siya sa mata at inirapan ako ng bakla. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano kaya binatukan ko ulit siya.

"ANO BA KASI KEI!" biglang sigaw niya at hinawakan kamay ko sakto naman na tumahimik ang buong klase at nakatingin samin. Natahimik ako bigla at walang masabi. Bakit? Kinabig ko yung kamay ko na hawak hawak niya tsaka dali daling lumabas ng classroom at pumuntang rest room.

Dafuq. Alam naman niya yun e. Alam niya na ayaw kong sinisigawan at tinitignan ng madaming tao. Napatingin ako sa kamay ko na nanginginig at dali daling hinugasan ito. Hindi ako sanay na sinisigawan niya. Ang weird pero ewan ko.

Pagtapos ko mag ayos diretso akong cafeteria. Umorder ng pagkain tsaka umupong mag isa sa sulok. Buti nalang at wala pang mga estudyante. Nag umpisa nakong kumain ng nakita kong nanginginig pa mga kamay ko.

Bigla akong nakaramdam ng inis ng maisip ko na dumating lang yung babaeng yon e, biglang nagbago si Sage. Napailing iling siguro naman nay dahilan siya no.

"Anong drama mo?" sabi ng nasa side ko at biglang umupo sa harapan ko.

"Ulol mo." sabi ko sabay irap sakanya.

Napatingin siya sa kamay ko na medyo nangingig pa at hinawakan ito. Hindi ko alam kung ano magiging reaction ko. Dati kapag nag aaway kami, pag nakita niyang nanginginig kamay ko hahawakan niya ito hanggang sa mawala. Pero ngayon bat naaawkward ako?

"Sorry na bes!" biglang sabi niya ng pabaklang boses.

"Tanggg-------" muntik nako mapamura buti tinakpan niya bibig ko.

"Kagago ka bakla." bulong ko nalang at tinabig kamay niya sa bibig ko at tumawa ako ng malakas.  Naconfirm kona ba? HAHAHAHAHAAHAHAH.

"Oh tama na! Nagjojoke lang ako. Pinapatawa lang kita." Sabi niya at naging seryoso ang mukha samantalang ako tawa padin ng tawa parang nag eecho yung boses niya na pangbakla sa isip ko.  Uhhhh kinilabutan ako bigla.

"Hindi ka kakain?" yaya ko sakanya at tinapos kinakain ko.

"Patapos kana tsaka kapa mag yayaya?" Iritang sabi niya sakin.  Hahahahaahah!  Ang pabebe ng baklang to.

"Osige tara na. Tapos nako e."

"Halata nga." Tumayo nako at pagtayo niya, inakbayan ko siya kahit na sobrang tingkad ko sa mga paa dahil ang tangkad niya.

"Ako nangangawit sayo." sabi niya habang nag lalakad kami pabalik ng classroom.

"Okay lang yan." tinapik ko ulo niya at diniin kamay ko na nakaakbay sakanya. Habang naglalakad kami biglang dumaan sa harapan naman si Philease.

"HI PHILEASE!" bati ko sakanya at nginitian siya. Ngumiti naman siya pabalik sakin at naglakad palayo.

"Kailan kapa bumati ng ganon Kei?"

"Kanina lang hindi mo nakita?" Pinitik niya noo ko at tumunog.

"Aray. Masakit yun ha." Hininas himas ko noo ko at tinignan siya ng masama.

"Sage." tawag ko sakanya at tumigil kami sa paglalakad.

"Cutting tayo?" Tinitigan ko lang siya at hinihintay pagsagot niya.

"Tara? Mukhang wala naman akong gagawin ngayon. Matagal tagal pa naman yung Intramural." sabi niya at hinila ako papunta sa main gate ng school.

"Bat dito tayo lalabas bakla?" Hindi niya ako sinagot at pinigilan agad kami ni manong guard.

"Kuya guard.  May inuutos po teacher namin at kailangan na namin magmadali ngayon. Kilala niyo po ako diba?" Magalang na sabi ni Sage at hinarap Student Council ID niya. Hindi na nag alinlangan si Manong guard at pinalabas kami.

"Naks! Edi ikaw na!" sabi ko habang naglalakad kami palabas.

"Siempre ako pa. San pala tayo pupunta?"

"Karaoke tayo bakla?!"

"AYOKO!"

"Dali na. Libre mo." hinawakan ko braso niya at kinaladkad.

"Oo na. Wala nakong magagawa e. Kaya wag mona akong kaladkarin Kei." Napatawa nalang ako sakanya tsaka binitawan siya. Hindi naman kalayuan yung K-HUB dito sa school kaya pweding sakyan ng jeep.

"Magjejeep tayo?" tanong niya at tinignan ako, tumango naman ako bilang sagot.

"Ayoko. Cab nalang. Pupunuin payan oh tapos ang init." Ang arte talaga,  ayaw pagpawisan e.

"Osige. Ikaw din naman magbabayad e." Hindi nako nagreklamo at sumakay kami ng cab.

"Wala ba kayong pasok?" Biglang tanong ni manong driver at mukhang sinisilipan kami sa front mirror niya. Nagtinginan naman kami ni Sage.

"Meron po." sagot ko.

"Eh bakit hindi kayo nag aaral? San ko nga kayo ihahatid?"

"K-Hub po." sagot ko naman.

"Nako kaya talagang mga kabataan iba na ngayon."

"May pinapabili po kasi yung teacher samin." sagot ni Sage.

"Ano?  Sa K-Hub kayo pupunta tapos may pinapabili dito, ano namang bibilhan niyo dito? Diba kantahan dito?" Nagtatakang tanong ni Manong driver at muntik nako tumawa ng malakas.

"Yung karaoke po." Sagot ko sabay bumaba na kami at nagbayad tsaka di na namin hinintay pagsagot ni Manong Driver.

******

Can We?Where stories live. Discover now