"Kathryn, sa totoo lang, mahal na mahal kita. Sa dinadami na nagkagusto sa akin, ikaw lang ang napili ko."
"Daniel.." sabi ni Kathryn habang nakangiti. Nganga palang si Kath nang biglang.
"HOY DANIEL! GISING NA! ANLAKASLAKAS NA NGA NG ALARM MO HINDI KA PA NAGISING SA GANYAN KALAKAS?!" sabi ni manang Gilya.
Siya ang katulong namin.
"Manang Gilya naman oh! ang ganda ganda ng panaginip ko sisirain mo naman sa sigaw mo po!"
Sabi ko habang nagkakamot ng ulo.
"Bakit? napaginipan mo na naman ba ang true love mo? na ayaw mong sabihin kung
sino sya?" Sabi nya.
"Hindi po! Hindi po! ang napaginipan ko po yung.... yung ano po..." Sabi ko habang nag-iisip ng palusot.
"Ano?" sabi nya. "Yung chocolate po, umulan! lakas nga ng ulan na chocolate eh! ang sarap nga po! sana po nangyari na po!" sabi ko.
Napangiti na lamang siya at sinabing "Oh sige, maligo ka na nga at nakahanda na ang pagkain sa baba. baka ma-late ka pa sa school mo."
Lumabas na lang siya bago pa ako magsalita.
Pagkatapos nun, naligo na ako bumaba, kumain ng almusal, nagtoothbrush at lumabas na papuntang school.
Ako na yung nagdrive papuntang school. Hindi ko talaga matanggal sa isip yung sinabi ko sa panaginip ko.
Sayang! Kung hindi lang ako iginising ni manang Gilya malalaman ko yung sinabi niya.
Nakarating na ako sa school at lumabas ng kotse.
Andaming babaeng nakaabang sa labas ng kotse.
Yung iba nga, nagpapaganda nga eh!
"HI! PAPA DANIEL! GUSTO MO, LABAS TAYO MAYA?" sabi ng isang babae.
"Sorry, pero busy ako mamaya. May lakad pa ako. Maybe next time na lang." Sabi ko.
Kinuha ko ang bag at naglakad patungong hallway.
Nakita ko si Lia. Nakaupo siya.
Nakatunganga lang siya parang ang lalim ng iniisip! Linapitan ko siya at umupo ako sa tabi nya.
"Parang may problema?" sabi ko. "Wala." sabi naman niya.
Eto si Lia Alyson Rhian Calvaderos Ferera. Masyadong mahaba ang pangalan niya may third name pang nalalaman!
Siya yung bestfriend ko na matagal ko ng kilala bago pa man ako mag-artista.
Nagkakilala lang kami nung hinabol siya ng aso ko. Paano ba naman kasi, sabi ko wag siyang tatakbo.. eh antigas ng ulo, yun! hinabol ng aso! anlayo ng narating nga eh! nakita ko na lang sya nasa taas ng puno nun. HAHA.
"Lia, kilala kita. Ano problema mo?" sabi ko.
"Wala nga eh!" Sabi nya. "Badvibes ka naman. halata na may problema ka eh!" sabi ko habang tinitignan siya. Hindi siya makatingin sakin.
"Sige na. oo! may problema ako. Si Mommy at Daddy maghihiwalay I meant, magdidivorce sila! Pinilit ko silang ipagbati pero ayaw.." Bigla na lamang tumulo ang luha niya at niyakap ko na lang siya. Umiyak siya pero hindi naman sa sobrang lakas.
BINABASA MO ANG
Soon to be MISIS Padilla (Kathniel) :'>
FanfictionAlam mo yung mahirap pag mahal mo ang isang tao? Yung hindi ka niya mahal.. Oo.. Naranasan ko na yun.. Pero andito parin siya sa puso ko.. Siya si Kathryn Chandria Bernardo. At siya lang ang babaeng nimahal ko..Matagal na akong umaasa na magiging a...