Dear Diary,
Hello diary, naks! Lakas maka-diary.Napulot lang kasi kita kanina. I was defecating, o ha? Inglis diary! Inglis yan. Ibig sabihin nyan dumumi o nagpopo. Ahihi! In case lang di mo alam. Okay mabalik nga, so ayun nasa banyo nga ako nagbabawas ng makita kita. Kinabahan bigla ako diary, hindi yun dahil sayo kundi dahil ubos na pala yung tissue este tubig sa balde. Nakalimutan ko palang umigib nun, pero dahil nakita diary, nakaisip ako ng bright idea. Ahihi! Gagawin na sana kitang pamunas ko pero di ko ginawa diary. Naisip ko kasing sayang ang bawat pahina mo kung gagawin ko yun, kaya ayun hindi na lang muna ako nagpunas. Ahihi! Minsanan lang naman diary.
Jokeee! ^^V Hindi ako si Pipay ha? Hindi naman ako ganon. Basta napulot kita somewhere down the road. Naisipan kong gumawa ng diary kase nga diba? Uso! Katulad nung diary ni Eya na ngayo'y ginagawa ng movie, yung diary ni Pipay ng gwapong author na si Sic na nakapublished book na, tsaka yung diary ng walang ngipin na ang bida'y si Bonita. Lahat sila may diary tsaka lahat sumikat at nagkaroon ng lablayp. Malay natin isang araw.... AKO DIN! Hihi!
(* tok tok tok * -- joke ^^V wala kaya kaming pinto. )
Ano ba Aly?! Yung sinaing mo, kasing itim mo na! Ano ng kakainin ko ngayon ha! Peste ka talagang bata! Kahit kailan talaga wala kang kwenta! Lumayas ka dito sa pamamahay ko! Layas! Layas!" kahit gaano pa kagaling magrap si Gloc 9 at Abra, wala paring tatalo sa alaska este ke Tiya Dora, ang tiyahin kong may mala-machine gun ang bunganga.
"Ngayon na po ba Tiya?"
"At aba't! May gana ka pa talagang magtanong?! Alangan namang ipagpabukas pa kita! Ang gaspang naman ng pagmumukha mo! Umalis ka na dito, naalibadbaran ako sa pagmumukha mo!" sumusobra na talaga tong gurang na to diary. Wagas kung makalait!
"Wow naman PO tiya! Nahiya naman ako sa kapal ng bilbil mo. Try mo magpatimbang, siguradong wasak ang timbangan dahil sa taba mo PO." may respeto ako sa mga matatanda diary pero hindi sa gurang na baboy na to. Walang araw na hindi ako sinisigawan, pinapagalitan, inaapi at nilalait ng tiya kong to. Pasalamat sya may katiting pa kong respeto at kahit papano'y utang na loob sa kanya dahil sya yung kumupkop sakin nang pumuntang underground sina Inay at Itay para dun na matulog.
" B-bastos kang bata ka! Talagang ginagalit mo ko! Hayop ka talaga!"
"Cute na pusa o cute na aso? Aling hayop PO?" sagad na sagad na talaga ko sa ugali ni Tiya Dora diary. I was 10 years old back then, nagbabana't ng buto na ko, ako mismo yung kumakayod sa araw-araw para may makain ako. Ang ikinaitim pa ng budhi nitong si Tiya, sakin pa sya humihingi ng perang pangsugal nya diary. Mana nga sya sa pangalang DORA, napakalakwatchera!
"Anong kyot kyot ang sinasabi mo dyan? Hoy Aly BangBang, wag kang assuming! Tsaka may gana ka pangmanilosopo samantalagang pinapalayas na kita! At ano yang sinusulat mo dyan! Pwes! kung ayaw mong umalis, ako mismo ang kakaladkad sayo palabas!!!" papalapit na saken ang dragong baboy pero bago pa sya makalapit saken, kinuha ko na yung gamit kong inimpake kahapon.May balak naman talaga kong umalis diary, nasusuka na ko sa ugali ni Tiya.
"No need. Ako na mismo ang aalis sa bahay na'to"
"Huh! Mabuti't naisipan mo yan! Malaki kang pasanin sa buhay ko! Pahirap ka!" sya ang malaki tsaka mabigat diary.
Derederecho na ko sa paglalakad palabas nang may nakita akong basong may lamang tubig. Kinuha ko iyon saka binalikan si Tiya.
"You're nothing but a second rate trying hard copyPIG! " sabay buhos sa pagmumukha nya diary. Tumakbo naman agad ako palabas. Sinundan din ako ni Tiya.