Dear diary,
E em gee diary. The house is so very much bigger biggest. Nandito na kami sa bahay ni ma'am este Tita Sam, naks! nakakailang parin tawagin si Ma'am Samantha ng ganyan, eh sabi nya kasi diary magagalit daw siya pag tinawag ko syang ma'am, Tita Sam ang daw itawag ko sa kanya.. :3
Back to the house, akala ko talaga diary sa tv ko lang makikita ang ganitong kalaki at kagandahang bahay. Sa pagpasok pa lang namin kanina, nakakamangha na, tumambad kasi ang malaking hardin at magagandang puno sa labas ng bahay. Mas lalo pa kong namangha dito sa loob diary, sobrang ganda tapos halatang lahat ng gamit mamahalin.
Dito ba talaga ako titira? As in? Pakisampal naman ako diary, baka kasi panaginip lang to. * O *
“ Welcome to your new home Aly. Halika, ituturo ko sa iyo ang room mo. “ sumunod naman ako kay Tita Sam.
Umakyat kami sa hagdan, naman diary! Pati hagdan engrande. Feels ko tuloy para akong prinsesang naglalakad. Kapag may nadaanan naman kaming katulong, titigil sila sa ginagawa nila tapos magba bow. Kaya ayun, nagba-bow rin ako sa kanila. Ang sakit tuloy ng ulo ko. Nagkasabay kasi kami nung isang katulong, nagbungguan tuloy kami ng ulo. Sorry nga ako ng sorry sa kanya diary eh, nagkabukol kasi siya.Natawa lang si ma'am Sam. Sabi niya nakakatuwa daw ako. Hmmmm.
Habang papunta nga kami sa kwarto ko, bigla na lang tumunog yung cellphone ni Tita Sam.
“ Yes? .. What?! ..Okay okay.. I'll be there in 20 minutes.” sabi niya sa kausap niya sa phone.
“ May problema po ba? “ tanong ko.
“ Ah, may kailangan lang kasing ayusin sa company.”
“ Hala. Sige po, okay na po ako dito. Pumunta na po kayo dun.”
“ Okay lang. Malapit na naman tayo eh. Samahan na kita.”
“ Naku. Okay lang po talaga, kaya ko na po. Honesto! Promise.” tumango na lang si Tita Sam tapos tinuro nya sa akin ang direksyon papunta sa kwarto ko. Gets ko naman eh.
“ Okay, I'll go ahead Aly. Feel at home okay? Kung may kailangan ka, patulong ka lang sa mga maids.” sabay halik niya sa pisngi ko. “ Bye. “
O========O Magtatanong pa sana ako kung bakit niya ko hinalikan ng umalis na siya. Oh nose. Bakit niya ko hinalikan? Hindi kaya.
.
.
.
Tomboy siya?
.
.
.
*iling *iling Imposible. Sa ganda niyang yun? Tapos may anak pa siya. Imposible nga. Woah~ Speaking of anak diary, nandito rin siguro yung Chase na salbaheng bata na walang utang na loob na mas maarte pa sa babae. *cross fingers Sana lang di magtagpo ang landas namin.
.
.
.
.
.
Napatigil ako sa isang kwarto. Hmp, dito na siguro yun diary. Pumasok ako sa loob tapos.
“ WOW!” nasambit ko na lang. Ni lock ko yung pinto saka humalpak sa kama. Tumalon talon ako sa kama na parang isang bata.
“ Shet! Ang lambot.” pinalibot ko ang tingin sa kwarto habang tumatalon talon parin. Kaya lang parang panlalaki yata tong kwarto, bakit ko nasabi diary? Feels ko lang.Ang mga gamit kasi panglalaki tapos yung design din.